Chapter 25 ~Passed~

1K 15 0
                                    

Laine's POV

Aakmang lalakad na sana sya. Pero pinigilan ko sya.

Hinawakan ko yung braso nya.

"Please naman Ahmmel oh. Pumayag ka namang maging tutor ko. 1 week lang naman eh" pagmamaka-awa ko sa kanya.

Tinignan naman nya ako. Hindi ko mabasa yung reaction ng mukha nya dahil blanko ito.

"My answer is No" cold nitong sabi sa akin.

Tumalikod na ito sa akin at aakmang maglalakad na sana sya. pero pumunta ako sa harap nya.

Tinignan naman nya ako ng masama. Pero hindi ako nagpatinag.

Kailangan ko talaga ang tulong nya.

"Sige na please. Ibibili kita ng ice cream."

"Kaya kung bumili ng isang sandamakmak na ice cream."

Ayy sabi ko nga.

Pero hindi parin ako susuko.

Kailangan kung mag-isip ng paraan . para mapapayag ko si Ahmmel.

"Okay ganito nalang. Kapag pumayag kang maging isang tutor ko. Bibigyan kita ng picture ko. Promise ko yan sayo." Nakangiti kung sabi sa kanya.

Kumunot naman yung noo ni Ahmmel.

"Aanhin ko naman yang picture mo?"

Sandali naman akong nag isip sa isasagot ko.

"Ahhmmm. Ano... Ipapakulam?"

Napailing naman si ahmmel.

"Tsk. Malala ka na talaga stupid girl."

"Sige na kasi . pumayag ka na." Pangungulit ko parin sa kanya.

Napabuntong hininga naman ito.

"Okay, fine! 1 week lang ha?" Inis nitong sabi sa  akin.

Napalaki naman yung dalawa kung mata.

Ohhwww eemmmm geee!

Pumayag na sya!!!!

Dahil sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya.

Napansin ko pa ang bahagya nyang pagkagulat.

Pero hindi ko na yun pinansin. Ang mahalaga

Pumayag na sya!!

"Thank you talaga Ahmmel. Ang bait mo talaga. Wag kang mag-alala 1 week lang talaga ako magpapaturo sayo.  Promise ko yan sayo! Hehehe."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

Binigyan ko sya ng isang matamis na ngiti.

"Thank you, Ahmmel."

"Tsk." Sabi nito at iniwas na yung tingin sa akin.

"Magsisimula na tayo bukas. After your class. Sa library ako maghihintay sayo." Sabi nito at nagsimula nang maglakad.

"Sige. Thank you ulit Ahmmel. Hehehe." Masaya kung sambit

Ang bait talaga ni Ahmmel. Kaya nga mahal ko yung tao eh.

Ahmmel's POV

Napahawak ako sa noo ko.

Haaiiisstt! Bakit ba ako pumayag dun sa gusto ng babaeng yun.

Aminin mo nalang kasi na hindi mo sya matanggihan. Kaya ka pumayag.

Mr.  Cold Prince (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu