Chapter 8 ~Concern~

1.2K 22 0
                                    

Laine's POV

Nandito kami ngayon sa canteen dahil break time namin ngayon.

Kanina pa tung nag uusap itong  dalawa kung kaibigan. Hindi naman ako nakikinig dahil busy akong kakatitig kay Ahmmel.

Magkatapat kasi ang table namin  sa kanila. Kaya kitang-kita ko siya dito sa kinauupuan ko.

Wala itong emosyon. Habang nakikinig sa dalawa nitong kaibigan.

Hindi naman nagrereklamo yung dalawa nyang kaibigan sa itsura nyang walang kabuhay-buhay.

Kapag siguro ako yung kausap nya. babatukan ko talaga sya.
Tignan lang natin yung reaction ng itsura nya.  Sigurado talaga akong maiinis ko sya. Hahaha.

"Alam nyo girls,. Malapit nang umuwi dito sa pinas yung kuya ko." Naka busangot namang sabi ni faye sa amin.

Well, hindi kasi magkasundo si faye at ang kuya nya.

Kapag magkasama ang dalawang magkapatid parang palaging magkakaroon ng war sa paligid.

"OMG! Talaga uuwi na dito yung gwapo mung kuya?!!" Di namang makapaniwalang sabi ni Joyce kay faye.

"Gwapo ka dyan! Yung bakulaw na yun gwapo??! Pwee!! Eh ang pangit-pangit kaya nun."

Natawa nalang ako sa sinabi ni faye. Hindi halatang naiinis sya sa kuya nya. Hahaha. Sa totooo nyan hindi naman pangit yung kuya ni faye.

Sa katunayan nga ang pogi-pogi nito.

"Oyy, hindi kaya pangit yung kuya mo. Ang gwapong-gwapo kaya nun."- joyce

Hindi nalang ako sumingit sa usapan nila. Ibinaling ko nalang yung tingin ko kay Ahmmel na kasalukuyang kumakain ng potato chips.

Hmmm.. Parang masarap yung kinakain nya ah.

Bigla tuloy akong naglaway.

Nakatulala lang akong nakatitig sa mukha nya. Hindi ko kasi mapigilan yung sarili ko na hindi sya tignan. Ang gwapo kaya nya. Hehehe.

" hoy! Bakit ka nakatulala dyan?!"

Bigla naman akong napatuwid ng upo dahil sa gulat.

"Aray ko naman!" Reklamo kung sabi at hinawakan ko yung tengang sinigawan ni faye.

"Yan, kasi eh. Talak ako ng talak dito hindi  ka naman nakikinig. Sino ba yang tinitignan mo at nakalutang na naman yang isip mo."

Nilingun nya naman yung deriksyon  na tinitignan ko kanina.

"Ahh, kaya naman pala.." Naka face palm. Siyang nakatingin sa akin.

Ngitian ko lang siya.

"Ano ba yang pinag uusapan nyo? At mukhang bad mood ka."

Bumuntung hininga muna sya.

"Sila Mommy and Daddy kasi gusto nilang mag party pagdating ng kuya ko. Eh pwede naman hindi na. Masyado lang talagang pa especial yung bakulaw na yun." Naka simangot namang sagot ni faye

Nagtinginan naman kami ni joyce at sabay na tumawa.

"Talaga?! Magpaparty kayo?"

Tumango naman si faye.

"OMG! Pupunta kami ni Laine ah." Patili namang sabi ni joyce

"Kailan ba dadating yung kuya mo?" Tanong ko

"Bukas"

"Ano?! Bukas na??!!" Sabay naming sigaw ni Joyce.

Grabeh, nagulat talaga kami dun ah. Bukas na pala uuwi yung kapatid ni faye.

Mr.  Cold Prince (Completed)Where stories live. Discover now