Chapter 6 ~Visitors ~

1.3K 30 2
                                    

Ahmmel's POV

Inaamin ko. nag enjoy talaga akong kasama ang babaeng yun.

Pero hindi ko talaga maiwasang hindi malungkot. Kapag nakikita ko yung itsura nya.

Bakit ba naman kasi na magka---

"Haayysst!  Bakit ko naman kasi sya iniisip? Yan tuloy naguguluhan ako."

Ipinilig ko nalang yung ulo ko.
Tiyaka humiga sa kama ko at natulog.

-------------------------------
Laine's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nagmula sa labas ng bintana.

Tumingin ako sa alarm clock ko.

10:15 A.M

"Ayy. Alas 10 na pala. Bakit naman hindi ako ginising ni mama? Di bali na nga lang."

Napatakip ako sa mukha ko.

"Parang gusto ko pang matulog. Mabuti nalang. Sabado ngayon at wala kaming pasok."

Matutulog na sana ulit ako.
Nang makaramdam ako ng gutom.

Kahit na tinatamad pa akong bumangon at gusto ko pa sanang matulog.

Bumangon nalang ako. Dahil nagrereklamo na yung mga alaga ko sa tiyan.

Lumabas na ako sa kwarto.
Hindi ko nalang inayos yung sarili ko. Dahil nagutom na talaga ako. Hindi ko na rin inaabalang tignan kung may muta  ba ako sa mga mata ko.

Okay lang yan, dahil wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.

Pupunta na sana ako sa kusina.
Pero napahinto ako mula sa paglalakad. Nang marinig kung may nagtawanan sa sala.

Dahil curious ako. Pumunta ako sa sala. At nagtago  sa pinto.

Sumilip ako. At Biglang napalaki yung mata ko dahil hindi talaga ako makakapaniwala sa nakita ko.

*blink*

*blink*

Totoo ba talaga tuh. Ang mga magulang ni Ahmmel nandito!! At tiyaka si Ahmmel!!

Oh my goodness!!!

Kinusot ko pa talaga yung dalawa kung mata. Dahil baka nag hallucination lang ako.

Pero hindi. nandun pa din sila sa sala. At masayang nag uusap yung mga magulang namin.

Pero si Ahmmel. Nakabusangot yung mukha nya. At mukhang inip na inip na.

Nakabalik na pala yung mga magulang ni Ahmmel galing sa Korea.

"OMG! Bakit hindi sinabi ni Mama na nandito sila. Hindi tuloy ako nakapaghanda."

Nagmamadali na akong umalis sa pinagtataguan ko at pumunta sa kwarto ko. Mahirap na baka makita pa ni Ahmmel itong itsura ko. Hindi pa nga ako naka pag toothbrush at yung buhok ko parang 1 week na akong hindi nakapagsuklay.

Nakakahiya talaga kapag nakita ni Ahmmel itong ayos ko.

Dahil sa kakamadali ko. Nadulas ako sa harap nang pinto ng kwarto ko.

"Aray ang sakit naman!"

Napahawak pa ako sa nasaktang puwet ko.

Haayy nku,! Hindi talaga mawawala tung ka tangahan ko.

Tumayo nalang ako. At pumasok na sa kwarto ko.

Nang matapos na akong mag ayos. Tumingin muna ako sa salamin.

Isang simple blue dress lang naman yung suot ko. At dahil basa pa yung buhok ko hinayaan ko nalang itong naka lugay. Inayos ko lang ng kunti yung bangs ko.

Mr.  Cold Prince (Completed)Where stories live. Discover now