Unspoken Words

488 44 10
                                    


"Pass muna ako, dude," walang ganang tugon ko kay James.

"Pass na naman?" dismayadong banggit niya, "I'm starting to wonder, Luc. Bakla ka ba?"

"Gago!" natatawa kong singhal sa kanya, "get lost," narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"Nagpapaka-hopeless ka na naman, ano?" hindi ako sumagot dahil tinamaan ako sa sinabi niya, "fine, see you around," banggit niya na lamang niya nang hindi ako sumagot.

Pangatlong araw na siyang nagpupumilit sa'kin na sumama sa bar hopping nilang magba-barkada. Ayokong sumama dahil hindi naman ako mahilig maglasing at mambabae. Bahala na sila, tutal matatanda naman na sila.

Isa pa, hindi ko rin makuhang mambabae. Hindi ko kaya.

Kahit matagal na kaming hiwalay hindi ko pa rin siya kayang ipagpalit. Kahit matagal na kaming wala, nanatili pa rin akong loyal sa kanya.

Tumagal lang kami ng isang buwan. Isang buwan pero ni-kahit isang beses ay hindi niya ko nasabihang "Mahal kita" naiintindihan ko naman kung bakit. Iyon nga lang, ang sakit isipin na ang inaasam-asam mong salita mula sa kanya ay malabong mabanggit ng labi niya, malabo mong marinig mula sa kanya.

"Sir Luc?" tawag sa'kin ng empleyado ko. Sa ekspresyon pa lang niya ay alam kong may problema na. "Ahh, hindi po kasi namin siya maintindihan."

"What do you mean?" nagtataka kong banggit.

"Lumabas na lang po kayo, sir, please," ibinulsa ko ang aking cellphone bago sumagot.

"Okay," mukhang nabunutan ng tinik ang empleyado ko dahil sa pagbuntong-hininga niya.

Nakita kong nakapalibot ang ilang mga tao sa counter nang tuluyan akong makalabas mula sa opisina. Bahagyang nagkakagulo. Nang lumapit ako ay agad na nagsihawian ang tao sa daanan. Nasilayan ko agad kung sino ang dalagang pinagkakaguluhan. Hindi naman siya artista, pero papasa na rin siya para doon dahil sa itsura't kutis niya. Halatang malambot at makinis ang maputi at may kaliitan niyang mukha na bumagay lang sa tangkad niya. Nakasuot siya ng dilaw na sunday dress na humahapit sa hubog ng kanyang katawan. Ang pula rin ng labi niya na alam kong matamis kapag hinagkan mo, kabisado ko ang korte nito na kahit nakapikit pa ay kaya kong iguhit. Ngayon ko lang napagtanto na imbes na ayusin ang kaguluhan ay nakatitig lang ako sa misteryosang dalagang nasa harap ko.

Misteryosa kahit pa matagal ko ng kilala.

"What's the problem?" magalang kong tanong, pilit siyang itinuturing na estranghera pero sa kaibuturan ng isip ko - hindi ako makapaniwala. Hindi makapaniwala dahil matapos ng anim na taon ay muli na naman kaming nagkita.


Ikinumpas niya ang kamay bilang sagot. Napaarko ako muli ng kilay.

"Wait," pigil ko nang ipinagpatuloy pa niya ang pagkumpas, "I don't understand," lumapit ako sa counter at kumuha ng isang maliit na notebook at ballpen, "here," ibinigay ko iyon sa kanya. Inirolyo niya ang kanyang mga mata, mukhang nauubusan na siya ng pasensya. Hindi ko napigilang mapangiti,

"Kailan ulit ang stock release ng book na Alice in Wonderland?" napa-'ahh' ako sa sinulat niya. Kasingganda niya ang handwriting niya. Sumenyas ako na sumunod siya sa'kin papunta sa opisina ko para matigil na ang komosyon. Akala ko ay napakalaking problema na, ito lang pala.

TwistedWhere stories live. Discover now