Unloved

17 0 0
                                        

Messenger.
Isang app pero ang daming nagawa saakin. Saatin. Nakakasakit pala talaga ang mga salita ano?
"Hi" unang message ko sayo
Excited ako noon kasi "active now" daw
Napangiti ako sa reply mo
Ang sarap sa feeling pag nagreply ang crush mo sayo
Parang mini heart attack lang
Feeling ko ikaw na yung "The one" until one day
Naging close tayo, ang saya diba?
Parang eksena lang sa korean novela
Ako yung bidang babae tapos ikaw ang leading man ko
Kaso nalaman ko, crush mo pala yung ka-school mate ko
Ang sakit lang, oo masakit na, mahal na kasi kita e
Siniraan pa ako ng ka-school mate ko na yun sayo
Ang galing, di ko naman siya close pero kung makapag salita parang kilalang kilala niya ako
Pero lalo akong na fall sayo nung patuloy mo parin akong china-chat kahit kung ano-ano na sinabi nung babae na yun
Seconds. Minutes. Hours. Days.
Lalo kitang minahal, sobra
At ang saya saya ko nung nag message ka at sinabi mong na fall ka na sakin
Pakiramdam ko sobrang swerte ko
Kasi biruin mo, crush lang kita noon tapos ngayon nafall ka na sakin
Pero bakit? Parang di ko naman dama
Di mo na ko chi-nachat
Naisip ko, nagsawa ka na ba?
Kasi di tayo magkasama?
Malapit lang naman ako sa inyo
Konting distansiya lang andyan na ako
Magkikita na tayo
Pero bakit parang bigla kang umiwas?
May nagawa ba ako?
May nasabi ba kong di mo gusto?
Seen.
Yan madalas, seen lang
Bakit di ka magreply?
Nakaka frustrate ka naman
Di ko alam kung ano iniisip mo
Minsan gusto ko nang sumuko
Kaso, hindi kaya ng puso ko
Mahal kasi kita
E ako? Minahal mo ba ako?
O pinaasa mo lang?
Ganito pala talaga kasakit
Yung wala kayong label
Walang tawag sa inyo
Walang kasiguraduhan
Walang panghahawakan
Mahal kita pero ang sakit sakit sakit na
Nagigising ako sa gitna ng gabi at iniisip kita
Iniisip mo rin ba ako? O isa lang akong alaala na kinalimutan mo
Ang sakit lang kasi, parang wala kang pakialam
Parang hindi mo ako sinabihan noon na nafall ka na saakin
Totoo ba talaga yun? Kasi naniwala ako, umasa ako
Na sa pagkakataong ito, kaya rin akong mahalin ng taong mahal ko
Pero ilusyon lang ata lahat
Na mahal mo rin ako
Pantakas reyalidad
Pero pangako
Makaka move on din ako
Mula sayo
At makakalimutan ang pagmamahal ko
Ma binaliwala mo
At pangako ko
Sa pagkakataong magkita man tayo
Ibang ako ang makikilala mo
Salamat sa kaunting oras na pinaramdam mo saakin
Ang pakiramdam na magmahal at, ang mahalin?

Mindless ThoughtsWhere stories live. Discover now