Nagbago ang timpla ng mukha nila. Nagkatinginan si Ate at Mama. Si Papa naman ay napayuko.


Nagbago ang timpla ng mukha nila. Nagkatinginan sina Ate Nita at Mama. Si Papa naman ay napayuko. "M-may problema po ba?" tanong ko sa kanila.


Hinuli ni Mama ang kamay. "Anak, pasensya ka na. Napagpasyahan namin na 'wag nang sumama."


"Po?" Napatingin ako kay Ate Nita. Yumuko lang ito.


Hinimas ni Mama ang pisngi ko. Nakakapagtakang bigla siyang lumuha. "H-hanggang dito na lang kami. Hayaan mo na kami na dumito na lang..."


Tumikhim si Papa. "Anak, nakakahiya na iyong binayaran ni Amag—este, ni Macoy pala, ang mga utang natin lahat sa bangko. Pati iyong mga lupa natin na nakasanla, tinubos niya. Sobra-sobra na iyon."


Ginawa nga ni Macoy ang lahat ng iyon. Hindi ako nagsabi pero ginawa ni Macoy nang bukal sa loob niya. Nagulat na lang kami nina Mama isang araw nang makatanggap ng notice sa bangko na debt free na kami, including the penalties. Nang sumunod na araw ay mga titulo ng mga lupa naming nakasanla ang dumating, kasama ang titulo nitong bahay na tinitirahan namin. Bayad na rin ang lahat.

Grabe ang iyak nina Mama at Papa noong araw na iyon habang yakap-yakap ang mga titulo.


Pati si Ate Nita ay napahagulhol habang nakalupagi sa sahig.


Pati ang mga kamaganak namin sa probinsiya ay nagalak dahil buo na nilang mahahawakan ang kita sa mga sakahan. Makakabili na sila ng mga dapat bilhin katulad ng dagdag patanim, mga makinarya, at makakabayad na rin sa kanilang mga pinagkakautangan. Nang araw na iyon ay batid ng lahat na maiaahon na ang lahat sa krisis.


Todo ang pasasalamat ko kay Macoy. Nangako ako na kahit mahirap at matagal ay sisikapin kong makabayad sa kanya, pero kinutusan niya lang ako sa ulo.


Ang sabi ni Macoy, isa pang pasasalamat ko, yari daw ako sa kanya. Dahil hindi ko dapat ipagpasalamat ang pagtulong niya sa aking pamilya. Ang pamilya ko raw kasi ay pamilya niya na rin dahil nga mag-asawa kami. At ang pera niya ay pera ko na rin.


"'Wag mo na kaming alalahanin, Pamela," ani Mama sa akin na nakangiti. "Wala naman na tayong mga utang. Wala nang pinapasan na mabigat na problema ang pamilya natin."


"Pero Ma, tutulungan ko pa rin kayo. Ako pa rin ang sa mga bills at maintenance niyo ni Papa—"


"Ako na roon, Pamela," nakangiting putol ni Ate Nita sa aking sinasabi. "Kaya ko na ang mga iyon. May trabaho naman ako sa Sandovals', di ba?"


Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Maging masaya ka na lang sa buhay mo, Pamela. 'Wag mo na kaming alalahanin. Maging okay na lang kayo at maginhawa ng apo kong si Macky, ayos na iyon sa amin."


Napahikbi ako. "Ma, Ate, Pa..."


Niyakap ako ni Ate Nita mula sa likuran. "'Wag kang mag-alala, Pamela."

Retired PlayboyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt