Chapter 33

461K 14.2K 9K
                                    

NAGULAT ako nang bigla akong halikan ni Gin. Bago ko pa siya maitulak ay lumayo na siya sa akin. Kasabay nito ang biglang pagsulpot ni Macoy mula sa dilim.


"M-Macoy?" Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang galit niyang ekspresyon.


Nakangisi lang si Gin. "I can't believe na magkikita pa pala tayo." Nakabaling siya kay Macoy.


Samantalang ako ay hindi malaman ang gagawin. Nakita niya ba kami sa akto? Kailangan ko bang ipaliwanag sa kanya na nahulog ako sa patibong ni Gin? Well, if I'm gonna do that, gasino lang iyong ipagtapat ni Gin kay Macoy ang lahat. Hindi pa ko ready. Hindi pa ko handa sa magiging reaksyon ni Macoy kapag nalaman niyang siya ang ama ni Macky.


Magulong-magulo pa ang isip ko, wala pa akong napagpaplanuhan. Hindi pa rin ako handa sa galit niya dahil sa pagtatago ko ng katotohanan.


"Nakaistorbo ba ko?" Tanong ni Macoy na halata sa tinig ang galit.


"Yes, nakakaistorbo ka." Sabat ni Gin.


Tinitigan ko nang masama si Gin.


Ngunit mukhang hindi nakahalata ang gago. Mantakin ba namang sawayin niya rin ako sa pamamagitan ng tingin.


"You know what, Macoy. Next time ka na lang pumunta." Nakangising paliwanag ni Gin. "Nag-pa-plano pa kasi kami tungkol sa anak namin." Inakbayan niya ako. "Balak kong palitan ang pangalan ng bata from Macey Ella to Gina Pamela. What do you think?"


Nanginig ang kamao ni Macoy nang makita ang braso ni Gin na dumantay sa balikat ko. "Kapag hindi mo inalis ang braso mo sa balikat niya..." Nagtatagis ang kanyang bagang. "I swear I'm gonna kill you..."


Yari.


Imbes na matakot si Gin ay napahalakhak pa ito. "Really? Matatakot na ba ko?"


Tinabig ko ang braso ni Gin palayo sa akin.


"Ay, oo nga pala!" Napapitik sa hangin si Gin. "Naalala ko, isa ka nga pala sa Black Omega Society, right? Powerful, makoneksyon... kayang-kaya mo'ng pabagsakin ang lahat ng negosyong meron ako."


Hindi iyong banda ang tinutukoy niya. Iba iyon. Bukod sa banda ay merong Black Omega Society elite fraternity. Marami sila roon na mga miyembro, mga mayayaman, makapangyarihan at makoneksyon na mga kalalakihan. It was founded by Terrence Montemayor Saavedra, their frat and also their band leader.


Binuo lang ang banda nila na kapangalan ng frat. Lima lang sila sa banda na miyembro dahil ang ibang ka-brod nila sa frat ay karamiha'y mga pribadong tao.


"What a powerful organization, right, Sandoval?" nakangising ani Gin.


Lalong kumuyom ang kamao ni Macoy.


"But let me tell you this. Kanina sinabi ko na uulan, and you know what? Umulan nga!" Nanunudyo ang tinig niya. "Also, earlier, I told myself na magiging masaya ang araw ko ngayon." Tumingin siya sa akin. "And nagkatotoo nga. Nakita ko ang babaeng minahal ko noon nang sobra at may anak pa pala kaming dalawa."

Retired PlayboyWhere stories live. Discover now