Chapter 5 - Lei and Lay

101 3 0
                                    

Chapter 5 - Lei and Lay =)

Halos patapos na rin yung party nila Calvin, at heto ako ngayon mag-isang nakaupo dito malapit sa swimming pool nila. Tinawag kasi si Calvin ng parents niya. Sabi ko nga uuwi na lang ako mag-isa ayaw naman niya. Antayin ko daw siya at ihahatid niya ako. Hm..

"Hi Lei, pwede bang tumabi sa'yo?" ah si Clarissa pala. 

"Ah Clarissa ikaw pala, sure.." the I smiled at her. 

"Naku pasensya ka na kung matagalan si Kuya ah? Pinabatanyan ka aksi sa'ken baka daw bigla ka umalis. Haha" - Clarissa 

"Ah, loko talaga si Calvin. Sabi ko nga mauna na lang akong umuwi eh. Ayaw naman niya." -ako 

"Naku hindi rin ako papayag na umuwe ka mag-isa mamaya kung ano ang mangyari sa'yo. Sa ganda mong yan." -Clarissa 

"Hala kung maganda ako anu ka pa?" -seryosong tanong ko sa kanya :D totoo naman eh. Ang ganda kaya ng kapatid nitong si Calvin. 

"Well actually Diyosa ang tawag sa'ken, pero joke lang yun. Hahahahahaha!" -Clarissa 

Nagkatinginan kami tapos ... "Hahahahaha!\/Hahahahaha!" sabay kaming natawa. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Astig lang. 

"Joke lang yun ah? Baka seryosohin mo.. Hm.. Alam mo ba ang gaan ng loob ko sa'yo. Hindi ko rin malaman kung bakit." -Clarissa 

"Pareho pala tayo Clarissa.." -ako 

"Talaga?! Parehas pala tayo ng nararamdaman.. No wonder kaya gusto ka ni Kuya ang bait mo rin kasi ramdam na ramdam." -Clarissa 

"Huh?" -Ako. Medyo nabingi ata ako dun sa dulong part. 

"I said, my Kuya likes you. Alam mo kahit di niya aminin alam kong he likes you, sayang lang may girlfriend na kasi si Kuya. Pero wag ka mag-alala, magbbreak din yun. I don't like her girlfriend kasi lagi niya tinetake for granted ang Kuya ko. Nagsuffer na nga si Kuya sa ex niya pati ba naman ngayon kay Ellaira? Kawawa naman kuya ko. Hindi na naging masaya.." -Clarissa 

Tuloy tuloy niyang sinabi yung mga bagay na yun. At ako nakikinig lang at nakatingin sa kanya mabuti. 

"Naku, naparami na ata yung mga nasabi ko. Pero totoo yun, alam mo ba na halos isang taon nagmukmok ang kuya ko dahil sa ex girlfriend niya? Tapos nakilala niya si Ellaira. Una pa friends friends lang ng lumaon ayon gulat ako ng maging sila. Tapos wala naman ginawa si Ellaira kundi bigyan ng sakit ng ulo ang kuya ko. Tapos lagi pa syang out of the country." -Clarissa 

"Alam mo pa, habang nagkukwento siya sa'men kahapon nila Mommy at Daddy, ang saya saya ni Kuya. Na hindi ko nakita kapag nagkukwento siya about Ellaira." -Clarissa 

Nakangiti lang ako kay Clarissa habang nagkukwento siya. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman? May part na naaawa ako kay Calvin may part din na parang kinikilig ako sa mga sinasabi ni Clarissa sa'ken. =)) 

"Ang cute ng mga mata mo ate Lei, they keep on smiling without you noticing it." -Clarissa 

"Ah, hehe palagi ngang ang mga mata ko ang napapansin kusa nga daw ngumingiti. Hehe" -Ako  

"Hoyy Clarissa ano na naman mga pinagsasasabi mo kay Cassandra?" -Calvin 

Heto na pala si Calvin. 

"Wala naman kuya eh, Osige na ihatid mo na si Ate Lei tas umuwe ka din agad ah!" -Clarissa 

"Anong sabi mo Clarissa?" -Calvin 

"Kuya bingi ka ba? Sabi ko ihatid mo na si Ate Lei, tas umuwe ka din agad! Hay naku anong itsura yan? Kahit gwapo ka pa kuya papanget at papanget ka kaya wag ka magmake-face! Dyan ka na nga, ate Lei pasok na ako sa loob ah? Ingat pauwe. Pero mas ingat ka sa kuya ko. Muah! :*" -Clarissa 

Kiniss ako ni Clarissa sa pisngi at pumasok na siya sa loob. Si Calvin naman naiwang nakatulala at nakangiti na parang naguguluhan? Hala! Ako din tuloy naguguluhan. 

"Calvin? May problema ba?" -ako 

Tsaka lang siya natauhan. :3 

"Ah wala, tara na sa kotse?" -Calvin 

"Sige." -ako  

------------------------------------ 

Habang nasa loob ng kotse. Napansin ko si Calvin na nakangiti. 

"Calvin? Bakit ka nakangiti? Anong meron?" -ako 

"Ah, hehe. Ano kasi ..." sabi niya. 

"Ano?" -ako 

"Kanina di ba nung pauwe ka na, tanda mo ba yung sabi ni Clarissa 'Ihatid mo na si Ate Lei' kung paano niya binanggit yung name mo?" -Calvin 

"Oo tanda ko naman. Why ano bang meron sa name ko?" -Ako 

"Before, sabi kasi sa'ken ni Clarissa ...

***FLASHBACK*** 

"Clarissa paano kapag nagkagirlfriend si kuya? Payag ka ba?" -Calvin 

"Okay lang naman kuya, pero kikilatisin ko muna. At bilang Psychology graduate in the near future, mararamdaman ko naman agad yun kapag she's the one for you. And kapag naramdaman ko yun, kasama na yung fact na I like her to be the mother of my pamangkins I'll call her 'ate'." -Clarissa 

***END OF FLASHBACK** 

And you know what Cassie, never niyang tinawag na 'Ate' si Ellaira, even my fromer girlfriend. Maybe siguro dahil barkada sila nung ex ko. Pero I don't know. And to be exact sa daming friends kong babae, ikaw lang tinawag niyang 'ate'." -Calvin

Humarap ulit si Calvin sa dinadaanan namin. Pero nakangiti pa rin siya.

"Ta..ta..laga?" -nauutal na sagot ko kay Calvin, kasi naman of all people bakit ako lang tinawag ni Clarissa ng Ate. Pero.. 

"Pero Calvin baka sign lang ng respect ni Clarissa sa akin kasi yon?" -Dagdag ko pa sa kanya. 

"Haha. Sa isang spoiled bratt na katulad ni Clarissa, hindi uso sa kanya yung ganun. Maybe she really likes you for me." -Calvin 

Ohmygod. Feeling ko namumula na ako. Hindi ko rin malaman kung bakit ako parang natutuwa at kinikilig sa mga pinag-uusapan namin ni Calvin. Ano ba dapat kong maramdaman? >.<

Three Years After [MHIY sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon