Chapter 15

2.4K 131 8
                                    

Kikay's POV

Breath Mau!-  sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Juice na makulay naman kasi itong si Sweetheart ko!!! Papatayin yata ako nito sa sobrang kilig.  Bolta-boltaheng kuryente na yata ang dumaloy sa katawan ko pero hindi pa rin ako makagalaw.

That simple, quick kiss took me by surprise. Good surprise, sana tinagalan naman nito kahit konti.

"Fcuk!" I heard him cursed and moved away from me.

Ouch na malandi! Bigla yatang namatay ang puso ko.  Iyong pakiramdam na bigla ka nalang dinala sa ulap tapos pagdating sa taas bigla kang bubulusok pababa.  Ang sakit bes!  Hindi ba nito nagustohan ang halik na 'yon? Ito naman ang nanghalik ah, hindi naman ako.

Umayos ako sa pagkakaupo at pilit na nag-iisip ng ibang bagay para lang mawala ang kagustohan ko na umiyak.  Ipinikit ko ang mata ko at magkukunwaring matutulog sana nang magsalita si Dwayne.

"Matutulog ka ba Kiks? Halika ka rito, sandal ka sa akin."  dinig ko na sabi ni Dwayne.

Hindi pa man ako nakakadilat ng mata, may naramdaman na akong umakbay sa akin at kinabig ako palapit dito.  Nangunot ang noo ko dahil imbes na sa gawi ni Dwayne ay sa gawi ni Zacky ang umakbay sa akin.  At hindi nga ako nagkamali, si Zacky nga ang kumabig sa akin dahil naaamoy ko na ang pabango nito.

Bwesit na Zachario na 'to! Ano kaya trip nito? Manghahalik tapos magmumura tapos ngayon may paakbay.

Nagugulohan man ako sa inaakyo nito ay hindi na rin ako nagpakipot pa.  Kahit anong gawin ko mas gusto ko na ito, na nasa loob ako ng bisig nito.  Nasa ganoon akong pag-iisip ng hilahin ako ng antok.

"Mau, Mau, gising na.  Magla-landing na tayo." naalimpungatan ako sa mahinang paghaplos sa pisngi ko.  "Mau, sweetheart nandito na tayo."

Unti-unti kong minulat ang mata ko at nakangiting mukha ni Zacky ang bumungad sa akin.  Parang mas lumiwanag tuloy ang paligid, kung ganito ba naman lagi ang gigising sa akin, parang gusto ko minu-minuto nalang matulog at magising.

"Okay ka lang? Gising ka na ba? Parang lumilipad pa ang isip mo ah."

Napakurap-kurap ako at napailing saka tumuwid sa pagkakaupo.  Langya, nakakahiya!  Napapatulala pa ako.

"Okay na ako," tinaas ko pa ang dalawang kamay ko para iinat.  "Excited na ako, Camiguin I'm coming."

"Oh yes, Camiguin here we come." masayang sabat ni Dwayne sa sinabi ko.

"Dude, make your own itinerary, hindi 'yong nakabuntot kayo sa amin ni Mau." mahinang sabi ni Zacky rito.

"Dude, mas masaya kapag mas marami and beside this is just a friendly get away right?  Wala naman talaga kaming maiistorbo sa inyo? Is there? Just tell me, I'll shoo away in a snap." nakangisi pang sabi ni Dwanye habang tinataas-taas ang mga kilay.  "You know we'll support you in whatever you want, Dude, magsabi ka lang we got your back." dugtong pa ni Dwayne na puno nang kapilyohan ang mukha.

Dwanye was taunting Zacky and he was succeeding every time.  Hindi ko alam kung ano ba talaga ang trip nito pero nahahalata ko na, na pinagtitripan nito si Zacky na inisin at itong si sweetheart ko naiinis naman at hindi pa talaga tinatago.

"Well, I want you both out of my sight now, that the support I want Dude."  seryosong sagot naman ni Zach.

"That I can't do, alam mo naman na siguro ang kailangan mong sabihin para mapagbigyan ko 'yang gusto mo." nakangisi pa rin ani ni Dwayne.

INTERTWINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now