Chapter 02: Something to Look Forward to (part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Siyam na araw ka pa lang na tumatakbo. Wala pa talagang mababawas sa timbang mo."

Huminga ako nang malalim. Tinanggal naman niya ang pagkakapisil sa pisngi ko. Siyam na araw na 'yon. Ang tagal namang makita 'yong resulta. Kahit silip lang.

"Eh kasi... ang bagal-bagal," reklamo ko.

He tsked. "You're sulking."

"Ang bagal naman kaya talaga!"

"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Nasasanay pa lang ang katawan mong mag-burn. At ang tiyan mo, hindi pa sanay na tinitipid sa pagkain. Kaya ka sulky dahil gutom ka," sabi niya.

Kaya ako sulky dahil masarap kumain pero hindi puwedeng laging kumain.

"Nagtanong ako sa dati kong coach kung pa'no ka maglo-lose nang maayos. Bigay ko sa 'yo mamaya 'yong notes."

Ginawa niya 'yon? "Weh? Totoo? Kaninong coach ka nagtanong?"

"Kay Coach Troy, 'yong sa swimming no'ng high school. Nagtanong din ako kay Coach Aldrin dahil 'yon ang nutritionist ng mga athletes dati."

"Ano'ng sabi?"

He tsked again. Nagbukas siya ng gym bag niya at kinuha mula sa loob ang isang maliit na notebook. Inabot sa 'kin.

Binuksan ko agad iyon. May profile ko sa unahan niyon.

Amethyst De Vera
Birthday: May 29
Age: 19
Height: 5.53 ft.
Weight: 81 kg.
Body frame: Medium

Napasulyap ako kay Warren na prenteng ngumunguya. Sumulyap lang din siya sa 'kin.

Alam niya pala ang height at weight ko. Hindi ko matandaan na nagtanong siya sa 'kin.

Binalikan ko ang note. Ang sabi ro'n, ang ideal weight ko ay 55 kilograms. Na ibig sabihin, may twenty-six kilos akong kailangang i-lose. May workout plan din na nakasulat. Sa 10th day ng running namin, magdadagdag kami ng jump rope. Bukas na 'yon. Sa 15th day, may crunches at squats. Sa 35th, may boxing?

"Magba-box tayo?"

Uminom muna siya ng tubig. "Kung gusto mo lang. I'll show you how."

"May note ka rin para sa nap ko..."

"Yep. Nino-note ko 'pag natutulog ka."

Ilang beses na 'kong nag-nap 'pag mahaba ang break namin sa pagitan ng mga subjects. Kahit pigilan ko, inaantok ako sa hapon dahil sa pagod sa umaga. Nino-note niya pala.

"Bakit?" tanong ko.

"Kailangan mo ng nap for recuperation. Hindi puwedeng puro takbo pero walang proper rest ang katawan. Mai-stress ka."

Woah. Amazing, eh. Pangarap siguro talaga nito ni Warren na maging coach, tapos sa 'kin nag-eeksperimento.

Nagbasa-basa naman ako ng tungkol sa working out at sa diet at nutrition. Ang daming klase ng diet na recommended ng kung ano-anong sites para mabilis na pumayat. May mga diet pills pa. Pero parang mas reliable 'yong notes ni Warren kasi tungkol talaga sa 'kin.

"Wala naman ditong tungkol sa food," sabi ko matapos magbasa.

"Maayos naman kasi ang mga kinakain mo. Hindi ka naman mahilig sa junk food at sa softdrinks. Marami ka lang magkanin."

Pati extra rice ko, napapansin niya? Dahil ba 'yon lagi kaming magkasabay mag-lunch?

"At ginagawa mong bisyo ang desserts, lalo na ang ice cream," dagdag niya pa. "Nakakataba ang sobrang matatamis. Hindi mo naman nabu-burn dati."

Masama akong tumingin sa baunan niyang may cake. "Tapos, nagdala ka ng cake eh bawal pala ang matatamis?"

Binuksan niya ang baunan. "Fruit cake lang 'yan. Low-fat."

"Low-fat?" Naglaway ako sa matamis na amoy ng cake. 'Pag si Auntie ang nag-bake, siguradong masarap. Saka, kailan pa nag-bake si Auntie ng mga low-fat cakes? "May ganito pala si Auntie? Bago sa menu niya?"

"Nag-worry kasi sa 'yo. Hindi ka raw magana kumain ng almusal. Magpapadala sana ng caramel cake niya, sabi ko bawal sa 'yo. Nag-bake na lang siya ng low-fat."

"Hala... Kailangan ko bang pabayaran 'to?"

"Hindi na. Nag-suggest akong mag-bake siya ng mga low-fat cakes para sa mga health conscious. Eh, gusto niya ring pumayat. Isasama niya raw sa menu niya at iaalok sa mga regular clients niya."

"Totoo?"

Tumango si Warren.

"Eh 'di libre 'to?"

"Oo. Kaya kumain ka nang maayos."

Ngumiti ako sa kanya. He's not too bad for a coach.

"Ang ganda ng ngiti mo eh, 'no?" aniyang nangingiti rin.

"Siyempre, libre eh."

"Dalawang slices 'yan. Isang dessert mo ngayon, isang merienda mo mamaya. 'Wag kang ma-guilty kumain," sabi niya. "Tumatakbo ka na sa umaga. 'Wag mong madaliin ang katawan mo."

"Yes, Coach."

Sumubo na siya uli. Nakatingin naman ako.

Bakit nga ba 'ko nagmamadali, 'no? If I'm doing this for myself, I should do it right. Kailangan kong irespeto 'yong phase ng katawan ko. Puwede naman akong pumayat nang dahan-dahan kaysa ma-stress. Saka, reliable naman si Coach Warren.

Napangiti ako.

"What are you smiling about?" tanong niya.

Ha-ha. Curious si Coach. "Wala."

"You're too happy about the cake?"

Masaya naman ako sa cake pero... "Hindi lang sa cake. Masaya rin ako sa 'yo. Gutom nga lang ako kanina no'ng sabi kong ayoko sa 'yo," sabi ko. "Sorry, ha?"

Namungay ang mga mata niya. Bakit na naman kaya? Inaantok na agad siya kahit kumakain pa lang kami?

"Okay lang 'yon. Kain na."

Naki-bonding ako sa pagkain.  #1052 u / 10282017 

Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon