Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Teaser

64.7K 1.9K 367
                                    

"It's not love until we say it is."

Minsan, kung sino 'yong lagi mong kasama, 'yon pa ang hindi mo mabasa. Kung ano 'yong madalas mong maramdaman, 'yon pa ang mahirap maintindihan. At kung ano 'yong madalas mong hilingin, 'yon pa ang malabong abutin. May tamang panahon daw ang lahat ng bagay. Kailan kaya nalalaman kapag tama na ang panahon?

***

No boyfriend since birth. No crush since birth (maliban sa fictional characters, so, counted ba 'yun?). No MU since birth. Food is life. Wattpader. Kdrama addict. Kpopper.

Maliit lang ang mundo ko. Kaunti lang din ang tao. Sina Yanyan at Iya. Sina Mama, Papa, at Kuya.

At si Warren na rin pala.

Karamihan sa mga kilala ko, problemado sa pagiging single o sa love life nila. Mas problemado ako sa taghiyawat ko at sa lapad ko sa camcorder tuwing may projects. Saka, sa third party sa wattpad story na binabasa ko. Dapat mawala na 'yun para magkatuluyan na ang mga bida.

Pero minsan, kapag nalulungkot ako, kapag nag-iisip ako nang malalim, at kapag kasama ko si Warren tapos nakangiti siya... may something. 

___
TCWDM: Tweet using #CluelessWP :)


Clueless (Candy Stories #3) (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon