"Ang KJ naman nito oh! Summer is all about fun and tan!" Sagot ni Thomas.

Pag kasabi na pag kasabi ni Thomas nun, biglang may pumasok sa tambayan at napatingin kaming lahat. Si Bryx na may hawak na isang sunflower. Hindi ko alam 'kung may bibigyan siya nyan or may nag bigay sakanya nung sunflower.

"Hoy! Binigyan ka ng sunflower ng isa sa mga suitor mo?" Sabi ni Caleb na umakbay kay Bryx.

"Yeah, a girl gave me this" cold na sabi niya. "Here, if you want Caleb. You can have it"

"H-ell no. Pag isipan pa ako ng bading" –Caleb

Nag smirk si Bryx at iniabot sa'akin 'yung sunflower. Natahimik sila bigla ng inabot sa'akin ni Bryx 'yung sunflower. Tumingin ako about me, si Victor nanatiling naka-kagat sa pizza niya, si Caleb inalis 'yung pag kaka-akbay niya kay Bryx at nag iba bigla yung facial expression niya, at si Thomas at Spencer naman nag bubulungan.

Tinignan ko si Bryx at tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na tanggapin ko na 'yung binibigay niya.

"Thanks" inabot ko iyong sunflower at tumingin sa malayo. Nag lakad na papunta sa mga pagkain si Bryx at nakita ko 'yung expression ni Caleb.

Hindi ko maintindihan 'yung expression ni Caleb. 'Yung bang parang naiinis siya kasi binigyan ako ng bestfriend niya ng bulaklak pero wala siyang magawa kasi sobrang close sila at ayaw niyang magka-away silang dalawa.

Naramdaman kong nag vibrate 'yung phone ko.

From: Olaf

I bought it. Nobody gave that sunflower to me. I just saw it on the way to school. When I saw that flower, it reminds me of you. Don't get me wrong.

Hindi ko alam pero napapangiti na pala ako.

Dug dug dug

Ayan na naman 'ung weird feeling na nararamdaman ko ilang araw na. May sakit na ata ako sa puso.

Masaya silang nag kukwentuhan si Spencer at Thomas naman nag lalaro ng PS4 nila. Kami naman ni Victor nandito lang sa sulok. Busy lang din siya kumain ng pizza niya.

"Victor, paano 'kung itigil ko nalang lahat ng 'to? What do you think?" Biglang sabi ko sakanya.

"Anong klaseng hangin ang nasinghot mo at ganyan nalang bigla 'yung naging takbo ng utak mo?"

"You know, 4th yr college na tayo next semester, and parang pang high school lang ata 'tong ginagawa natin" sabi ko and I sighed.

"Matchay, you're giving up na? You've come this far already. Abot kamay mo na 'yung goal mo. Si Caleb at Bryx" tumingin kami sa dalawa na masayang nag kukwentuhan, "We still have two semesters. I'll bet you will this. What if before nalang ng last semester natin? What do you think?"

I'm still watching Caleb and Bryx talking. They have a strong bond. Para silang mag kapatid. Parang inseparable silang dalawa at alam kong iisa lang ang makakasira nung friendship nila. 'Yung nakita ko kanina, nung binigyan ako ni Bryx ng sunflower.

"May isa akong narealize kasi, Victor" tumingin ako sakanya, "What if tayong dalawa may gusto tayo sa iisang tao? Tapos ako 'yung gusto hindi ikaw? Anong gagawin mo? Anong mangyayari sa'atin?"

"Syempre maiinggit ako sayo. Sasabihin ko sa sarili ko na, kahit naman na bakla ako alam kong mas may ibubuga ako sayo. Mangyayari sa'atin? Siguro FO na tayo nun, or mag friends pa 'din tayo pero hindi na 'yung sobrang close" napagtingin 'din siya bigla sa'akin, "Bakla I got your point naman. Sige na just for fun! Promise, I won't bug after ng next sem natin"

I sighed in defeat "Sige na, oo na. Since alam mo naman pala 'yung mangyayari"

Nagkwentuhan nalang kami ng nag kwentuhan ni Victor, then nakita namin si Bryx na papalabas ng tmabayan while on his phone. Mukhang naiinis siya na ewan.

"Ano Matchay? Hindi mo pa ba natatanong si Bryx 'kung bakit siya cold makipag usap sa lahat?" Tanong bigla ni Victor.

"Hindi pa eh. Chill ka muna. Malalaman at malalaman 'din natin yan" sagot ko.

Lumapit naman saamin si Caleb at tumabi sa'akin. Tatayo na sana si Victor pero hinawakan ko siya, meaning na 'wag muna siya umalis.

"So, hindi na ba mainit ulo mo?" Pag tatanong sa'akin ni Caleb.

"Uhm, medyo. Uhm Caleb, what if huwag muna tayo mag communicate and lumabas?" Biglang tanong ko.

"Is that what you want? You want space? Okay, I'll give you what you want, but I expect you to come sa bakasyon natin. No hard feelings, okay?" Sabi niya at pumanta naman siya kela Spencer.

"Matchay, I feel na hindi kana niya bet. May ibang nilalaro na 'yan ngayon" sabi ni Victor.

"I know right? I told you naman kasi na we should stop na" sabi ko and biglang nag ring yung phone ko.

From: Olaf

I need to talk to you right now. Meet me at the gym. NOW.

O.....kay? Anong meron?  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Skirt ChaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon