“B-Bakit?”

“Wala pa ba si Dylan?” Napansin pala ni Jane.

“Huh?” Tiningnan ako ni Jane ng masama. “O-Oo eh.”

“Wag kang magalala, darating din siya, Okay?” Tumango lang ako, tapos hinila ako ni Jane papunta sa team naming nagreready na.

“Ok Guys, goodluck!!” 

Lumabas kami, ang daming tao. May taga ibang school, visitors, at iba pa. Kaya kami naman todo smile sa mga nanunood. Hinanap ko naman sa Dylan sa crowd, pero sadly wala akong nakitang Dylan.  

Nagsimula na kaming sumayaw, hagis doon, hagis dito, smile doon, smile dito. Natapos na kaming magperform. Tinext ko si Dylan, kung nakapanood ba siya, pero hindi naman siya nagreply. 

“Hindi mo ba siya nakita kanina?”

“H-Hindi ehh.” 

“Nagtext ba siya sayo?”

“Hindi din. Samahan mo nalang ako Jane sa locker. May kukunin ako”

“Sige.”

Pumunta kami ni Jane sa locker. Habang palapit na kami sa locker, parang kinabahan ako, at hindi ko alam kung bakit. Tapos naman din kaming magperform pero kinabahan padin ako.

“Shit!” Mahina niyang sinabi mura ni Jane.

“Bakit?” Tiningnan ko naman kung saan nakatingin si Jane. Hinawakan ng mahigpit ni Jane yung braso ko pero huli na ang lahat dahil kita ko na. 

“D-Dylan?” Nakita ko siyang nakipaghalikan kay Ciara yung dating Cheer Leader namin.Bigla naman silang naghiwalay nong sinabi ko yung pangalan ng walang hiyang boyfriend ko. 

“Kayla?!” 

“You piece of shit! Panu mo to nagawa sa bestfriend ko?” Tapos sinampal ni Jane si Dylan.

“J-Jane?”

“Bakit Kayla? Naaawa ka ba ka bwiset na to?!” Tinuro niya si Dylan. Galit si Jane. Hindi kasi ako makapagsalita sa mga nakita ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam.

“Putangina ka Dylan!” Muling sigaw na mura ni Jane kay Dylan. Habang hawak-hawak parin ni Jane yung braso ko.

“Watch your mouth Hilario!” Pasigaw naming sabi ni Ciara kay Jane.

GIRLFRIEND for HIREWhere stories live. Discover now