Chapter 1

27 2 0
                                    

LEA

"ATHENAAAAAAA" sigaw ko sa kapatid ko na nangbuhos ng tubig sakin habang nasa higaan ako.

"Ano ba lea! ang aga aga sigaw ka ng sigaw jan" Narinig ko kay mama na papunta yata sa kwarto ko.

Arrrrrgh! Humanda ka sakin athena ka pag nakita kita.

"Oh anong nangyari jan sa higaan mo bakit basang basa? Naku bata ka ang tanda tanda mo na naihi ka pa sa higaan mo, alam mo bang ang hirap hirap maglaba tapos iihian mo lang. hay nakong bata ka talaga" Sabi ni mama na nakapagpakunot ng noo ko.

Like what? umihi daw ako? duh. Lagot ka talaga sakin athena!

"Eh mama si athena kasi! Ang sarap sarap ng tulog ko tapos bigla na lang ako babasain ng napaka lamig na tubig! galing pa yata sa ref yun e" Padabog akong tumayo sa higaan at nilalamig na tinignan si mama na nagpipigil ng tawa?

"Anong nakakatawa ma?! Kita mong basang basa na ako dito, di ka ba naawa sa napaka ganda mong anak? sige ka pag namatay ako wala ka ng magandang anak sige ka" At natawa pa sya lalo sa sinabi ko. arrrrgh!

"Eh anak maganda rin naman si athena e. So kailangan ko na bang bumili ng kabaong anak?" Natatawang sabi ni mama. What? gusto nya talaga na mamatay ako? Huhuhu.

"Huy joke lang anak. Alam naman natin na ang anak dapat ang maghahatid sa magulang sa heaven" At napakunot nanaman yung noo ko.

"Mama hindi magandang biro yan! tsss!"

"Oh syasya maligo ka na jan at may pasok ka pa mamaya" Omg! Oo nga pala.

"Oh gosh! Anong oras na po?"

"6:30 na maligo ka na sabi 8:30 pa pasok mo ang tagal mo pa naman maligo. bilis bilis" Pagtataboy nya sakin hahaha.

Makaligo na nga, saka ko na paparusahan si athena pagkatapos kong maligo.

*

"Oh ma nasaan na yung batang yon?" Sabi ko ng papunta ako sa kusina at nakita ko si mama mag isa hinahantay yata ako.

"Ay naku yung batang yon nauna na baka daw kasi kung ano pang gawin mo sa kanya, halika na dito at sabayan mo kong kumain"

Umupo na rin ako at nakita kong tocino, ham at egg yung ulam. hmmm sarap nito!

"Ma bakit po wala pa si papa?" kagabi pa kasi wala yun e.

Tinignan ako ni mama at nag iwas agad ng tingin. Hmmmm. Mukhang nambabae nanaman yon tss!

"Ay nako anak busy lang siguro ang papa mo sa trabaho kaya hanggang ngayon di pa nauwi"

hays! baka busy sa babae nya! naaawa na ako kay mama kasi kahit alam naman nyang may babae si papa iniintindi nya na lang. Mahal na mahal nya siguro si papa.

"Sige ma alis na ko 8:05 na rin oh. Bye loveyouu" sabay halik sa pisngi nya.

"Sige nak, mag iingat ka ah dala mo na ba lahat ng gamit mo?" tanong nya.

"Opo, kagabi ko pa po inayos, sige ma byebye na po talaga muaaa" Sabay takbo palabas.

narinig ko pang sumigaw si mama na wag akong tumakbo baka daw madapa ako. Hay mama mahal ka namin ni athena. Mahal na mahal.

*

Pagkadating ko sa gate ng JLAND UNIVERSITY sinalubong agad ako ng yakap nila hanna at kiana. namiss ko tong dalawa na to.

"Mygad kathleaaaaaaaa namiss kita sobra huhu" sabi nya na kunwaring naiyak. baliw talaga to kahit kailan.

Napatingin naman ako kay kiana na halatang nagpipigil ng iyak. Hay nako mga abnormal talaga tong mga to. Pero mahal ko tong dalawang to.

EMOTIONحيث تعيش القصص. اكتشف الآن