Chapter 25: It'll Always Be Her

Magsimula sa umpisa
                                    

1) Pagseselosan ako ni Charizze, thus having her whole section hating on me. Echos namaaaan. Ako, pagseselosan nun? Siya nga ang pinagseselosan ko eh!

2) Kakausapin ni Randel si Charizze, tapos eto naman akong si selosa. Magmumuka lang akong third wheel niyan eh. Itsura 'teh, ka-umay!

3) Mag-iisnaban lang silang dalawa na parang di magkakilala.

Syempre, to be safe, wag nalang namin siya makakasalubong. Tsk, of all the people, wag lang siya!

Ayun, nakaabot na rin kami sa Filipino faculty. As usual, ako ang taga-katok, tapos taga-"Good afternoon blah blah blah". Sumusunod lang si Randel sakin. Geh, moral support ka lang kuya.

"Oh kayong dalawa, ano kailangan niyo?"

"Sir, tatanong lang po namin kung in general yung compilation o tungkol samin?" -Dianne

"Nasa sainyo yun. Pero sakin, mas maganda kung tungkol sainyo mismo."

"Kunware parang scrapbook?" -Randel

"Oo, depende yun sainyo...."

Habang nag-eexplain pa si Sir, napatingin ako sa pintuan ng faculty, parang may gumagalaw kasi.

Tapos nakita ko yung ulo ni Vince tska ni Minette na sumisilip samin ni Randel sa loob! Nung nakita ako ni Vince, sabay tago agad sila ni Minette. Kaso nakita ko na rin sila eh. GRAAAABE, mga echosero talaga 'tong dalawang 'to! Sinama pa ni Vince si Minette. Celebrity kami, celebrity? Hahahaha.

"Yun lang ba?" -Sir

"Ahm, kumbaga Sir, mas maganda kung kami mismo yung nasa picture?"

"Oo naman! Kunware, may picture kayong dalawang nagdedate habang nakasakay sa kalesa. Mas traditional yun kesa sa mga nagdedate sa Timezone diba?"

Napangiti lang si Randel sa sinabi ni Sir, habang ako naman napatawa lang. Grabe, napakilig ako dun ah! YIEEEEEEEEEEEEE. Shems, ayokong mamula sa harap ng mga teachers. Ahaha. Nagdedate daw kami habang nakasakay sa kalesa. TARA! Henyo ka talaga, sir! :"""">

"Pero hindi ko naman sinasabing sumakay pa kayo mismo sa kalesa para lang sa project niyo."

Ang sinasabi mo sir, magdate kami ni Randel kahit di sakay sa kalesa. :"""">

"Ah sige sir, thank you" -Dianne

Moral support lang naman talaga 'tong si Randel ehh. Well, ako naman kasi ang babae dito. Atleast naman sumama siya. Pero bakit nga ba?

Napansin ko ulit yung ulo ni Vince na nakasilip tapos kumaripas sila ni Minette ng takbo nang malapit na kami ni Randel sa pintuan.

Akala nila haaaaaaaa!

Hindi ko nalang sila pinansin, baka kasi mas mapansin pa ni Randel. Ahahahaha, humanda sila sakin!

"Kailan ba gagawin 'yung project?" -Randel

"Bukas... bakit?"

"Hindi ako sure kung makakapunta ako."

KAYA NAMAN PALA EH! Kaya naman pala nagpresenta si Randel na samahan ako, kasi hindi siya makakasama sa paggawa ng project! >//<

"Bakit?"

"May lakad kami."

"Pag-usapan nalang natin yan sa grupo mamaya."

Uunahin pa niya yung lakad niya kesa sa project?? Grabe naman siya. Ano kaya yang lakad na yan para mas makalamang sa project? Hindi ba pwedeng i-cancel nalang niya..? Ayoko namang hindi siya magkaroon ng grade sa project.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon