[19] Gift-giving For Dummies

Start from the beginning
                                    

She dramatically rolled her eyes. “Anong malayo? Look ha. Si Andreau si Dao Ming Si! Ikaw si San Chai! He invited you to his birthday. The—“

“Hindi kami sina San Chai at Dao Ming Si, okay?” I cut her off, totally irritated at her comparison. “Sure, sa social status pwede pa. But we’re not romantically involved!”

“Not yet!”

“Have you been talking to Roldan lately?” A sly smile from her was my answer. “My god, Kesh! Would you stop it? There’s nothing going on! At wala ring mangyayari sa future!”

A forced laugh came out of her wide mouth. “Okay fine, sister. Hindi ko na ipipilit! Pero.. may regalo ka na ba para kay Big Boss?”

Triple shit. Yun pa pala ang problema. Anong ibibigay ko kay Andreau? “Uhhmm.. kailangan ba talaga magregalo?”

“Hoy Scheherazade mahiya ka naman! Of course! It’s his birthday! And you’re his friend,” she purposefully stressed on the word friend to annoy me. As always, she succeeded. “Binigyan ka nga niya ng fluffy slippers nung New Year di ba? Magbigay ka rin ng kahit ano!”

“Eh ano naman ibibigay ko sa kanya, ha? I barely know him.” Well, I kinda know him kaso.. natatakot ako na baka hindi niya magustuhan ang ireregalo ko. I suck at giving gifts! Kesh knows this, ilang beses ko na rin siyang niregaluhan ng mga walang kwentang bagay kaya nanghihingi ako ng wishlist sa kanya instead manghula.

“Magtanong ka kay Roldan or Tristan?” she suggested.

“Naahh.. sasabihin nila kay Andreau na nagtanong ako. That would kill the surprise.”

Umalis na siya sa kama ko at umupo sa tabi ko. “I know you hate giving gifts.. pero I think dapat mo talagang bigyan si Andreau. Kasi sobrang bait niya sa’yo. Para makapag-thank you ka naman kahit pano.”

“Ano ngang ibibigay ko?”

“You tell me. You know him more than I do. Basta.. don’t bake him cookies.”

“For the love of god Keisha Manzano, hindi ako si San Chai! Okay!?”

As always, tumagos lang sa tenga niya ang sinabi ko.

-A&Z-

JUNE 18

Only two days left before Andreau’s birthday celebration at nganga pa rin ako sa ireregalo sa kanya.

Ano pa bang ibibigay mo sa tao na kayang makuha ang anumang gusto niya? I’m sure maraming magbibigay sa kanya ng regalo, lalo na ang Dreausters na may special birthday party pa sa kanya ngayong gabi. I doubt mabubuksan niya lahat ng regalong yon. Magkakasya kaya yun sa condo niya? Hmmm..

Nakakainis, sana katulad na lang last year na hindi ako invited sa birthday niya. Less hassle at less gastos pa para sa’kin. After pa ng birthday niya ang next meeting namin about his script, ang dami ko kasing required readings na kailangang tapusin this week. Aarrgh this is too frustrating!

Dagdag pa sa frustration ko ‘tong lalaking nagngangalang Roldan del Rosario, na lately ay stalker ko na ata.

“Whoa, ibang klase rin yang confidence mo, Zades!” he exclaimed. Nahuli ko kasi siyang nakatambay sa Café Feliz after ng klase ko. Tapos na ang shift ni Kesh ngayon so wala nang ibang dahilan kundi.. well.. confidence ko lang ata yon.

“Ba’t ka ba nandito? Sorry naman ha. Napansin ko lang na pag nandito ako, nandito ka rin.”

Ngiting nakakaloko lang ang sagot sa’kin ni Roldan. Ugh. “So.. I’ve heard pupunta ka raw sa Friday?”

The Spaces In BetweenWhere stories live. Discover now