Chapter Thirty Nine

304K 8.7K 1.5K
                                    

"Camilla, paano si Theodore?" Mariin akong napapikit kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko sa sinabi ni Tita Freen.

"T-Tita, magpapaalam po ako sa bata nang maayos. Aayusin ko lang po muna ang buhay ko bago ko ipapakilala ang sarili ko sa anak ko. Maiintindihan naman po ako ng bata, kilala ko po iyon..."

Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako kapag naiisip kong umiiyak si Theodore sa pag-alis ko.  Panigurado akong iiyak iyon nang iiyak.

"Camilla, pag-isipan mong mabuti ito..."

"Tita, sigurado na po ako sa desisyon ko. Alam ko naman pong hindi niyo pababayaan ang anak ko. Mahal na mahal ko po si Theodore, Tita. Kaya ko po ito gagawin para hindi na mas lalong masaktan ang bata sa nangyayari sa amin ng ama niya. Mas mabuti na ito, Tita. Para sa anak ko at para na rin kay Francisco..."

Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng emosyon ko. Lumapit sa akin si Tita Freen at niyakap ako nang mahigpit.

"Kung iyan ang gusto ko, Camilla. Wala na akong magagawa. Pero tatandaan mong bukas lagi ang pinto naming mga Montemayor para sa'yo..." Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Tita Freen sa akin.

"Tita, sana huwag niyo na pong sabihin kay Francisco itong plano ko. Mas mabuti na pong wala na lang siyang alam." Sabi ko nang humiwalay siya sa akin mula sa pagkakayakap.

"Makakaasa ka, Camilla." Ani Tita.

"Pasensya na po, napaiyak pa po ako sa inyo." Sabi ko at pilit na tumawa, kahit na alam ko sa sarili kong durog na durog na ako.

"Tatandaan mong andito lang kami para sa'yo, Camilla." Nakangiting tugon ni Tita Freen dahilan para gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

"S-Sige po, lalabas na po ako." Sabi ko. Tumango lamang sa akin si Tita kaya lumabas na ako.

Hindi ko naman alam kung nananadya ba ang tadhana dahil bigla kong nakasalubong si Francisco. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Walang emosyon naman niya akong tinignan kaya napayuko ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Pero bigla naman niyang hinablot ang braso ko at mariin iyong hinawakan.

"F-Francisco..."

"Why are you crying?" Malamig niyang tanong sa akin.

"W-Wala ito, huwag mo na lang pansinin." Sabi ko habang hindi makatingin sa kanya.

Binitiwan naman niya ang braso ko. "I don't know why you are still here, Camilla. If you think I will tell Theodore that you are his-"

"H-Hindi mo naman na ako kailangang pilitin pang umalis dito dahil magkukusa naman ako. Gusto ko lang naman makasama si Theodore kahit ilang araw lang, Francisco. Ipagdadamot mo pa ba sa akin iyon?"

Kailan ba mananawa ang mga mata ko na umiyak?

"K-Kahit sa huling pagkakataon lang, Francisco. Pagbigyan mo na akong makasama si Theodore. Pangako, pagkatapos nito ay hindi mo na ako makikita..."

Napatitig siya sa akin sa sinabi kong iyon. Hindi ko naman alam ang tumatakbo sa isipan niya.

"P-Pinapangako ko, hindi na ako manggugulo. Gusto ko lang talaga makasama si Theodore..." Umiiyak kong sabi kay Francisco.

Umiwas naman siya sa akin ng tingin at iniwan ako na wala man lang sinasabi na kahit ano.

Mabuti na iyong ganito, Camilla. Para hindi ka na rin mahirapan pang umalis.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding pagkahilo kaya napasandal ako sa may pader, pero binalewala ko lang iyon.

Wala rin kasi akong maayos na tulog kagabi at pagod na pagod din ang katawan ko sa maghapon.

One Summer NightWhere stories live. Discover now