Chapter Seven

265K 6.3K 458
                                    

Nagising ako nang marinig kong mayroong tumatawag sa cellphone ko. Agad kong hinagilap kung nasaan iyon para sagutin ang tawag. Katulad ng inaasahan ko, pangalan ni Francisco ang nasa screen kaya sinagot ko iyon. Siya lang naman kasi ang alam kong tatawag sa akin ng ganitong oras.

"It's still early, Francisco..." I complained, trying to suppress my yawn.

"P—Papunta ako ngayon sa hospital, kanina pa mainit si Theo at nanginginig. H—Hindi ko naman alam ang gagawin." Natatarantang sabi ni Francisco. Para bang bigla ay nawala lahat ng antok sa katawan ko sa sinabi niya.

"What hospital? I'll be there in a minute!" Sabi ko sa kanya.

"St. Luke's, near your place. We're almost there, I—We need you right now." He told me. I immediately dropped the call and got off the bed. Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha ang wallet at susi ng sasakyan ko.

My hands were fidgeting while I'm inside the elevator. Nagmamadali akong dumiretso sa sasakyan ko at mabilis iyong pinaandar papunta sa hospital na sinasabi niya. Mabilis ang pintig ng puso ko habang nagmamaneho, at hindi rin ako mapakali. Mabuti na lang at alas tres pa lang ng madaling araw at wala pang masyadong sasakyan kaya mabilis akong nakarating sa hospital.

Nasa labas na ang sasakyan ni Francisco nang makarating ako kaya dumiretso na ako sa loob.

"Miss, may kararating lang ba lalaki rito? Matangkad na mestizo, at may dalang bata." Hinihingal kong sabi sa nurse.

"Yes po, Ma'am. Kaano-ano po kayo?" Tanong niya sa akin.

"Ina ako ng bata." Nabigla ako sa sinabi kong iyon pero hindi ko na binawi pa sa nurse ang sinabi ko.

"I'll assist you po." She told me, giving me a sweet smile.

Sinamahan niya ako sa emergency area at doon ay naabutan ko si Francisco na nag-aalalang nakatingin kay Theo.

"What happened, Francisco?" Histerikal kong tanong sa kanya habang nakatingin kay Theodore na sinusuri na ngayon ng doctor at dalawang nurse.

"M—Matamlay na siya kanina pa, akala ko gutom lang o inaantok. Tabi pa kaming natulog tapos nagising na lang ako na nanginginig siya at sobrang init. Binuhat ko agad siya para dalhin dito at ikaw agad ang tinawagan ko." Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala at alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

Pinanood namin ang doctor na tignan ang lagay ni Theodore at sa bawat minutong lumilipas, hindi ko mapigilang mag-alala para sa kanya. I was praying to God to heal and give him strength to fight. Kung pwede nga lang na ako na lang ang may sakit, mas gugustuhin ko pa maging maayos lang siya.

"You must be the parents of this cute boy." The doctor smiled to us after checking Theodore.

"Opo." Napalingon ako kay Francisco sa isinagot niya pero hindi ko na lang iyon pinansin dahil alam kong nadadala lang din siya ng sitwasyon katulad ko.

"He has a high fever and don't worry because it's normal. We checked his temperature and I already gave him medicine to cool him down. Maya-maya lang bababa na rin ang lagnat niya at kailangan niya lang ng pahinga. Bibigyan ko na lang kayo ng reseta ng gamot para inumin niya." She told us and we were just listening to her carefully.

"Salamat po, Doc." Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

"Sumama na lang muna sa akin ang isa sa inyo para sa reseta ng gamot at sa dapat gawin." Sabi pa niya.

"Ako na lang." Agad na sabi ni Francisco at sumunod sa doctor.

Lumapit naman ako kay Theodore at hinawi ang iilang takas ng buhok niya paitaas.

One Summer NightWhere stories live. Discover now