Chapter Eighteen

237K 5.9K 309
                                    

Bumalik ako sa loob ng bahay at muling dumiretso sa loob ng kusina para kumuha ng kutsilyo. Blanko na ang pag-iisip ko at alam kong wala na ako sa katinuan dahil sa nasaksihan ko. Alam kong nasa loob pa ng kwarto namin ang demonyo kong Tito at alam kong patuloy pa rin niyang binababoy ang Ate ko. Wala na rin akong pakealam kung ano pa ang mangyari sa akin, kung mabulok man ako sa kulungan o saan pa hahantong ang bagay na gagawin ko. Walang kapatawaran ang pambababoy ni Tito Raul sa Ate ko kaya handa akong gawin ang lahat para pagbayaran niya iyon.

Dahan-dahang akong naglakad pabalik sa kwarto namin nang may humagit ng buhok ko at kadlakarin ako pabalik ng kusina.

"Putang ina mo! Balak mo bang patayin ang asawa ko?!" Napalingon ako sa sumabunot ng buhok ko na walang iba kung hindi ang asawa ni Tito Raul. Inagaw niya ang hawak kong kutsilyo at itinutok iyon sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot pero hindi ko hinayaang lamunin ako noon.

"P—Paano niya po nagawang gawin iyon sa Ate ko?" Pigil ang pag-iyak kong sabi.

"H'wag na h'wag kayong magsusumbong kung ayaw niyong makita na lang kayo ng Tatay niyo sa ilog na lumulutang!" Banta nito sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Tama nga siguro ang sabi ng mga kapitbahay na gumagamit sila ng droga kaya wala na sila sa katinuan.

"Mga hayop kayo! Mga wala kayong pu—" Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang pisilin niya ang magkabilang pisngi ko.

"Kapag nalaman kong nagsumbong ka o ang Ate mo, tataniman ko ng bala 'yang mga ulo niyong magkakapatid! Naiintindihan mo ba ako?!" Mariing saad ni Tita Nering sa akin.

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at umiyak lang ako nang umiyak.

Pumasok naman si Tito Raul sa kusina habang inaayos pa niya ang suot niyang shorts. Nagulat pa siya nang makita kami sa ganoong ayos.

"Ano 'yan?" Gulat niyang tanong kay Tita Nering.

"Tangina mo kasi! Padalos-dalos ka! Ayan nahuli ka ng bata at balak ka pang saksakin!" Galit na sigaw sa kanya ni Tita Nering na para bang alam na niya ang ginawa ni Tito Raul sa Ate ko.

"Aba, putang ina mo ha! Balak mo pa akong patayin?! Pagkatapos kong palamunin kayong magkakapatid?!" Lumapit sa akin si Tito Raul at malakas na tinadyakan ang binti ko. Agad na gumihit ang sakit sa buo kong katawan dahilan para mapaupo ako sa semento.

"Tama na 'yan! Pinagbigyan na kitang tikman ang pamangkin mo! Siguraduhin mong huli na 'yon ha!" Pinigilan ni Tita Nering si Tito nang umamba pa itong sisipain akong muli.

"Anong huli? Puta, aaraw-arawin ko iyon kapag nagsumbong pati na rin ikaw Camila kaya huwag na huwag kayong magtatangkang magsumbong!" Banta ni Tito Raul.

Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa pag-iyak. Naninikip na ang dibdib ko at para bang gusto ko na lang mamatay sa bangungot kong ito.

"Nabantaan ko na 'yan, alam na niya ang gagawin niya. Subukan lang nilang magsumbong at sa ilog ang diretso ng mga hayop na 'yan!" Mariing sabi ni Tita Nering sa akin.

"Mabuti naman! Tara na bumalik na tayo sa kwarto at inaantok na ako!" Ani Tito Raul na para bang wala siyang ginawang masama sa Ate ko.

Tinapunan pa ako ng masamang tingin ni Tita Nering bago sila bumalik ni Tito Raul sa kwarto nila.

Nagmadali naman akong bumalik sa kwarto namin at nadatnan ko si Ate na umiiyak habang nakabalot ang kumot sa hubad niyang katawan. Nagulat pa siya nang maabutan ko siya sa ganoong ayos.

One Summer NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon