Kabanata 6

3.9K 62 1
                                    

Cerys's POV





Nandito ako sa harap ng eskwelahang pinapasukan niya. Kailangan ko siyang kausapin at kailangan ko siyang kumbinsihing bumalik sa Baempaieo. Lahat gagawin ko mapabalik lang siya.




Habang naghihintay ako ay may nakita akong isang lalaking naglalakad. He looks familiar, I think nakita ko na sya noon but I don't know when. Nakatagilid siya kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha ng maayos. Hindi ko na lang iyon masyadong pinansin.




Nabaling ang aking paningin sa papalabas na isang lalake na kanina ko pa hinihintay.




Napatingin ako sa kasama niyang babae. Siya... Siya ang babaeng dahilan kung bakit siya umalis sa Baempaieo. Siya din ang dahilan kung bakit ayaw na niyang nang bumalik sa Baempaieo.



Naiinis ako dahil magkasama sila, at mas naiinis ako dahil nakikita ko na sobrang saya nya...




Sobrang saya niya....sa piling ng iba.
Napangiti na lang ako ng mapait.



Bakit ba hindi niya ako magustuhan? Halos lahat ginawa ko para sa kanya pero hindi niya pa rin ako kayang mahalin. Ano bang dapat kong gawin para lang mahalin na niya ako?





"Xander" bigkas ko sa kanyang pangalan. Napatingin naman siya at ang babae sa aking direksyon.




Napatigil silang dalawa sa paglalakad at biglang nabura ang kanyang matatamis na ngiti at napalitan ng walang emosyong mukha nang makita niya ako.




"Ah. Una na ako." paalam nang babaeng kasama niya atsaka naglakad paalis. Buti naman umalis siya. Pero parang may napansin ako sa kanya. Parang iniiwasan niya si Xander. Parang nakahinga siya ng maluwag nang makalayo siya kay Xander.




May alam na ba siya?




"What are you doing here?" malamig na boses niyang tanong. Ang cold niya talaga pagdating sa akin. Di ka na nasanay Cerys. Ganyan naman siya lagi pagdating sayo.





"I just want to talk to you." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mukha. Napatingin ako sa kanyang mapupulang labi. I want to kiss him badly. Napatingin ulit ako sa kanyang mga mata ng bigla siyang magsalita.





"Kung kukulitin mo nanaman akong bumalik sa Baempaieo ay 'wag ka ng magaksaya ng oras mo dahil alam mo na kung ano ang sagot ko. I will never go back to that place. At hindi na magbabago ang isip ko. Hindi rin ako magpapakasal sayo kahit kailan. I don't love you. And I will never love you." wika niya.




Umalis siya agad pagkatapos sabihin ang mga katagang iyon. Iniwan niya akong luhaan dito sa labas ng gate. Mukha na akong ewan na umiiyak dito sa labas ng gate. Pinagtitinginan na ako ng ilang mga estudyante pero wala na akong pakialam doon.





Ang sakit. Sobrang sakit dahil hindi man lang niya ako kayang mahalin. Ano bang meron sa babaeng iyon na wala sa akin? Ano bang meron siya na hindi ko kayang ibigay? Halos lahat binigay ko na sa kanya. Halos lahat ginawa ko na para sa kanya.





Dapat hindi na ako nasasaktan. Dapat sanay na ako sa kanya dahil lagi niya naman akong sinasaktan. Dapat manhid na ako. Pero nasasaktan pa rin ako tuwing sinasabi niyang hindi niya ako mahal at kahit kailan hindi niya ako mamahalin.





Sana hindi na lang siya ang minahal ko. Sana iba na lang ang pinili ng puso ko. Pwede namang si Kaizer na lang. Sa totoo lang mas madaling mahalin si Kaizer. Pero ewan ko kung bakit hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso ko. Sana natuturuan na lang ang puso.






Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon