Kabanata 3

5.7K 116 11
                                    

Amber's POV


Pagkapasok ko ng Global Cyber University akala ko pagtitinginan at sasabihan nanaman ako ng masasakit na salita ng mga kaeskuwela ko.

Pero pagkapasok ko wala akong nakitang pakalat-kalat na estudyante sa loob ng university

Wala bang pasok ngayon? Pero sa pagkakaalam ko may pasok ngayong araw na ito ah. Hindi din naman ako late dahil 6:45 am pa lang.

Habang naglalakad ako sa hallway may iilang tao akong nakita na tumatakbo papuntang gym.

Nakahinga ako ng maluwag dahil may nakita akong iilang mga estudyante. Akala ko kasi ako lang ang pumasok.

Maya-maya may mga nakita nanaman akong estudyante na papunta sa gym. Napakunot ang noo ko dahil doon.

What's happening? May program ba ngayon? Kaya ba walang masyadong estudyante ngayon dito na pakalat-kalat dahil nandoon silang lahat?

Nacurious ako bigla. Halos lahat kasi ng nakakasalubong ay pumupunta doon.

Ano kayang meron doon? Siguro may program talagang nangyayari doon.

Umikot ako at nasimulang maglakad patungo sa gym. Gusto ko kasing malaman kung anong meron doon.

Habang naglalakad ako ewan ko kung bakit bigla akong kinabahan. Parang nararamdaman ko na hindi ko magugustuhan kung ano man ang maaari kong makita sa loob ng gym.

Habang palapit ako ng palapit doon palakas din ng palakas at pabilis din ng pabilis ang tibok ng puso ko. May naririnig din akong sumisigaw.  Sigaw na nagulat at natatakot. May nakakasalubong din akong mga estudyante na tumatakbo palabas doon. Tapos yung mga mukha nila hindi mo maipaliwanag. Parang natatakot, nandidiri, at nasusuka. Tumakbo ako agad patungo sa gym upang makita kung ano ba talagang nangyayari doon.

Maraming tao ang nasa loob ng gym pagkapasok ko kaya hindi ko kaagad makita kung ano tinitignan nila sa gitna ng gymnasium.

Inilibot ko ang paningin ko at halos lahat sila ay pare-pareho ang reaction mula sa nakita nila. Halos lahat sila ay nagulat, natatakot, at nandidiri. Yung iba halos masuka na sa kanilang nakita. Yung iba halos mahimatay na. Yung iba nakatakip ang mga kamay sa kanilang bibig at mukha. Ganon na ganon din ang reaction ng mga nakasalubong ko. Ano bang meron sa gitna ng gymnasium?

Sumingit ako upang makita kung anong meron sa gitna ng gymnasium.

Napatakip ako sa bibig habang nakatingin sa... habang nakatingin sa  bang... bangkay ni.. ni....

"Lo.... Loise." nanginginig kong sambit.

Hindi ko inaasahan na ang bangkay ni Loise ang makikita ko dito. Hindi ako makapaniwala na may.... na may namatay nanaman sa aming magkakaklase. Hindi ako makapaniwala na patay na Loise. Hindi ito ang inaasahan kong makita pagkapasok ko dito. Malayong-malayo ito sa inaakala ko.

Nagsimulang maglaglagan isa isa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan din akong huminga. Nanlambot din ang mga tuhod ko kaya hindi ako makatayo ng maayos.

Ang sakit sa damdamin nang nakikita ko ngayon. Alam kong maraming nagawang kasalanan si Loise sa akin. Pero kahit kailan hindi ko hiniling na mamatay siya. Masakit sa damdamin na makita mo ang malamig na bangkay ng kaklase mo na nasa harapan mo.

"Ikaw! Mamamatay tao ka talaga!" napatingin ako sa sumigaw at nakita kong isa iyon sa mga kaklase ko na malapit kay Loise. Nakatingin siya ng masama sa akin habang dinuduro ako. Napatingin sa akin halos lahat ng tao dito sa gymnasium dahil sa lakas ng sigaw niya.

Meurtrier ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon