Chapter 23

2.4K 69 0
                                    

Chapter 23

Maagang natapos ang klase namin kaya imbes na dumiretso ako sa kwarto namin ay agad akong dumiretso sa battle hall. Nilapag ko ang gamit ko sa isang mahabang lamesa. Susubukan ko ang kapangyarihan ko bilang isang Elemental Wizard at titignan ko kung kaya kong kontrolin ang bagay na iyon. Huminga ako ng malalim at umupo muna sa isang tabi. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan, dahil wala naman akong alam sa ganitong bagay, at isa pa hindi ko naman alam na may kakayahan pala ako sa ganito.

"Sabi ko na andito ka eh." Napahawak ako ng mahigpit sa pader dahil muntikan na akong mapatalon dahil sa sobrang gulat. Napatingin ako at si Ayesha lang pala.

"Anong ginagawa mo dito? Sorry kung nagulat kita." Saad niya at umikot dito sa loob ng hall. Bigla akong napangiti sa naisip ko. Tama! Siya lang ang makakatulong saakin.

"Ayesha, pwede ba akong humingi ng maliit na pabor lang?" Napalingon siya saakin at ngumiti kasabay nun ang pagtango niya saakin.

"Wala naman problema saakin kung maliit o malaki ang pabor, amo ba yun?" Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakaniya dahil nahihiya ako kahit na malapit naman kami.

"Ano kasi...gusto kong mag-aral at malaman kung ano ang kakayahan ko bilang isang elemental wizard. Matutulungan mo naman ako diba?" Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa at tsaka lumapit saakin.

"Ano ka ba naman Liza! You can always count on me, wala naman saakin ang bagay na yun." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya agad na kaming nagsimula.

"Maguumpisa tayo sa pinakamadali. Ang pagkontrol ng buhay ng isang halaman. Kaya sa may likod tayo ng school kung saan kami naeensayo. Tara na!" Hinila niya ang kamay ko at patakbi kaming lalabas pagdaan ko sa mahabang lamesa agad kong kinuha ang bag ko at pareho kaming tumatakbo sa kahabaan ng hallway. Naririnig mo ang mahina naming pagtawa dahil sa pagtakbo namin. Nakarating naman agad kami na hingal na hingal dahil sa pagtakbo namin kaya pareho kaming napaupo sa may damuhan.

"Grabe napagod talaga ako doon! Hindi ko naman akalain na malayo pala ang iikutan natin para makarating dito." Saad ko sakaniya at tumawa naman siya.

"Kaya nga hinila na kita at tumakbo tayo, dahil paniguradong mas nakakapagod kung naglakad tayo." Kunsabagay, may punto naman siya sa sinabi niya. Tumayo siya at may nilapitan. May nakita akong cage na nakasabit sa puno na animoy may lampara sa loob dahil sa ilaa nito. Magdidilim na din kasi at halos nakikita mo na ang ilaw sa loob nito.

Nagtaka naman ako nung marinig kong magsalita si Ayesha na animoy kinakausap kung anuman ang nasa loob nun, kaya sa labis na pagtataka lumapit ako sakaniya at nakita ko ang tatlong tao na maliliit na nasa loob nun. May ilaw ang kanilang pak-pak at halos iisa lang ang kulay nito. Nagulat ako nung tumingin saakin ang isa at kumaway.

"Siya ba ang sinasabi mong kaibigan na gusto mong ipakausap saamin?" Tanong nito kay Ayesha. Marahan na tumango si Ayesha sakaniya.

"Siya si Elizabeth Derevan, anak ng isang napakagaling na elemental wizard. Ang kagalang galang na si Izaranel." Paliwanag ni Ayesha doon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

"I-ibig sabihin, siya ang nakatakda?" Tumango si Ayesha at humarap saakin.

"Siya nga pala Liza, sila ang dust fairies, isa sila sa mga klase ng mga mababait na fairies. Hindi nila kayang manakit ng taong nagpakita ng kabutihan sakanila, maliban na lang kung sinira mo ang bahay nila at ang pinagiingatan nilang bagay. Tayo lang ang may kakayahang makipagusap sa mga fairies. Ang mga wizard na katulad lang natin ang tanging nakakaintindi sakanila. Mahina ang boses nila at sa ibang wizard ay halos hindi sila marinig, pero ang mga wizard na katulad natin ay malakas ang pandinig sa mga uri ng elemental fairies and spirit." Paliwanag saakin ni Ayesha at marahan akong tumango sakaniya.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon