Part 11

16.7K 519 7
                                    


"I love it here but we have to go back to the hall, Grace. May show pa tayo na kailangang tapusin. You'll get your answer later," sabi nito.

Hindi na siya nakatutol nang alalayan na siya nito pabalik sa function hall ng bahay.

Dinala siya nito sa umpukan ng kababaihan, pagkatapos ay umalis na ito.

"Good job, Grace!" anang tinig na nagmula sa earpiece niya.

"H-ha?" gulat na tanong niya. Hindi kasi niya maunawaan kung ano ba ang ibig sabihin ng sinabi nitong "good job." Ngunit bago pa siya makapagtanong uli ay umalingawngaw na ang kalansing ng mga kopita. Nagto-toast na pala ang mga kasama niya. Dali-dali na siyang lumapit sa kinaroroonan ng cocktail drinks bago pa may makapuna sa pagkawala niya sa sarili niya.

"Grace, your lapel mic is off. Switch it on," sabi uli ng tinig mula sa earpiece niya. Natatarantang pinindot niya ang "on" button ng lapel mic. Napansin din niya na wala nang mga cameraman na umiikot sa kanila. Marahil ay ang mga camera na nasa loob ng bahay ang kumukuha ng mga pangyayari doon.

Ilang sandali pa ay kinuha na ng host na si Bernadette ang atensiyon nilang lahat. Napansin niyang nasa tabi na nito ang man-in-search na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makilala. Hindi man niya makita ang mukha nito ay hindi maitatanggi ang kakaibang presensiya nito. Nag-uumapaw iyon nang sobra-sobra at imposibleng hindi mapansin.

"Ten gorgeous ladies like me. Unfortunately, I'm not qualified to be amongst you..." panimula ng host na ikinatawa ng lahat. Ilang jokes pa ang binitiwan nito bago ito sumeryoso.

"You're all here to capture the heart of the man in search of Miss Right. You can do whatever you want to make him fall for you. But in the end, only one lady will come out victorious. And that lucky lady will be the girlfriend of our man here. Alam kong nasasabik na kayo na makilala kung sino ang ating man-in-search. Kaya bago pa ninyo ako masabunutan ay ipakikilala ko na sa inyo kung sino ang ating man-in-search."

Napuno ng katahimikan ang buong silid, lahat ay nasasabik na malaman kung sino ang lalaki. Lalo yatang dumagundong ang dibdib niya. Hindi na kasi siya makapaghintay na malaman kung sino ang lalaking nagmamay-ari ng mga labing hindi nagpatulog sa kanya nang ilang linggo; ang lalaking pinagkuhanan niya ng inspirasyon para makabuo ng mga romantikong eksena sa kanyang hindi pa natatapos na nobela. Hindi pa natatapos ang nobelang iyon dahil hindi niya malagyan ng wakas.

"Okay, let's play a little guessing game..." natatawang wika ng host. "Kabilang siya sa sikat na grupo ng pitong lalaki. May nakabihag na sa mga puso ng limang miyembro..."

Umugong ang bulungan sa function hall. Kahit siya ay biglang kinabahan. Napaka-giveaway kasi ng clue na ibinigay ng host at kahit sino ay malalaman kung ano ang sagot doon, lalo na kung babae ka. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa grupong iyon? May asawa na sina Pierro, Jared, Randall, Art, at Miro habang ang wala pang asawa ay sina Milo at Mike.

Awangang bibig na ibinalik niya ang tingin sa man-in-search. Si Milo o si Mike... Angalam niya ay may hawak na kaso sa ngayon si Attorney Milo kaya imposiblengmagkaroon pa ito ng oras para sumali sa isang dating game. Oh, my God! Sothis is Mikael Henric Villamor! Para siyang binuhusan ng malamig na tubigsa realisasyon na iyon. Si Mike pala ang lalaking hinalikan niya noon sa bar.    

Dare To Love You (Completed)Where stories live. Discover now