"Saan ang magiging lugar ko?" He stepped closer.  Kinuha nito ang kamay ni Lyca at dinala sa dibdib nito, inilapat sa tapat ng puso.   She could feel the reassuring beat of his heart beneath her palm. She would  have  missed  his soothing  heartbeat  in her ears  while huddling  together in a warm and comfy bed. 

"Here," he said softly as he stared at her in the eyes.

"You are my wife and I want to keep it this way forever. I want to keep you as just mine forever no matter how hard it is.  You mean so much to me, Lyca,  and I don't want to lose you." 

His words warmed her heart in an instant. Pero naroroon pa rin ang takot. Ayaw niyang ipakita rito ang tototong nararamdaman. Gusto niyang makita ni Alford ang galit na nararamdaman niya at hindi ang emosyong pilit nilalabanan ang kanyang galit; ang emosyong bumabalanse sa galit niya.  Kasi kung pulos galit ang nasa puso niya ngayon. Malang sa hindi puno na ng pasa ang lalaking ito at kanina pa siya lumayas. Hindi siya magpapakatanga, but why not hear him out first before deciding what to do. Clarify the nature of the problem before deciding action. 

"Do you still love Monica?" Kasabay ng tanong niyang iyon ay tila nagsirko ang puso niya sa kaba sa maaaring maging sagot ni Alford. She held her breath as she waited for his answer.

"Wala na akong nararamdaman para sa kanya." She slowly exhaled the breath that had lodged in her lungs, relieved. That's exactly what she wanted to hear from him but larger part of her doubted. 

"Sinungaling!" She pulled her hand from his grip.  Hindi dapat siya nagpapadala  sa mga flowery  words nito.

"First love never dies." His brows shot up.

"So may feelings ka pa talaga sa Tyler na 'yon?" bumalik sa kanya ang sumbat. 

"Wala. Magkaiba ang sa amin ni Tyler. I wasn't really in love with him. Infatuation lang siguro 'yong nararamdaman ko para sa kanya kaya  mabilis na nawala. Ikaw lang itong ayaw akong paniwalaan! At huwag mong ibinabalik sa 'kin ang sumbat, Alford, dahil mas masahol ang ginawa  mo! Akala mo nakalimutan ko ang pakikipaglingkisan mo kay Juliet, at ngayon ito, may itinatago kang anak sa ex mo! Sa first love mo! Dinala mo dito ng hindi ko alam!"

 Tinalikuran niya si Alford at mariing  ipinikit ang mata. Kumukulo na naman ang dugo niya. Gusto niyang pagsasampalin si Alford sa sobrang galit at sakit na nararamdaman niya. Makailang ulit siyang nag-inhale-exhale para kalmahin ang sarili.

Nagmulat siya ng mata nang pumaikot ang mga bisig ni Alford sa katawan niya mula sa kanyang likuran. Ibinaon nito ang mukha sa gilid ng kanyang leeg.

"I'm sorry. Natakot lang ako na baka mas lalong lumala ang away natin. Hindi ko alam kung paano kung sasabihin sa 'yo, and knowing you. . .Hindi ko alam kung maiintindihan mo. I've just brought them here so they would stay here for a while. Hindi ko naman sila gustong pabayaan na lang."

 May point ito. Kung siya man ang nasa sitwasyon ni Alford ay baka ganoon din  ang gawin niya. Itinago rin niya ang pakikipagkita kay Tyler para iwas gulo. Pero ngayon niya na-realize  na  mali  ang ganoon. Mas maganda at mas makakabuti kung maging tapat na lang. Kasi sa sitwasyon niya ngayon, hindi niya talaga nagustuhan ang ginawa ni Alford na paglihim sa kanya ng ganitong bagay.

"Tatanggapin mo pa ba ako?" bulong ni Alford sa tainga niya.

"Ano ang ginawa niyo ni Monica habang magkasama dito? Did you sleep in the same bed with Monica?" naramdaman niya ang pagngiti ni Alford sa leeg niya.

"Walang nakakatawa sa tanong ko, Alford, kaya  sumagot ka ng maayos." She chastised him  for his insensitive reaction.

"Hindi." His voice carrying with a gentle laughing tone.

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon