2nd pic: naka kandong naman si ate mong girl kay bea na naka upo sa single sofa!

"Wala bang ibang upuan si maki at kumandong pa talaga 'to kay beatriz?" Kausap ko po si self.

3rd pic: At talagang nakapagpataas ng kilay ko. Naka back hug ang damulag kay "unknown girl" tas nakahalik pa sa cheek itong si girl kay beatriz! At itong pasaway na batang ito ay ang lapad ng ngiti! Wala na ngang mata eh! Hmp!

"Enjoy na enjoy, ha."sarcastic kong sabe.

Marami pang pictures ang sumunod:
Mga cheers nila sa beer, pag tungga nila,may selfie sila maki at bea, selfie nila bea at cel, groupie nilang apat syempre magkatabe sila bea at nung "babae" nya, may solo din si beatriz at kung anu ano pa! Basta marame!

Pinanood ko din yung video nila na nagkakasayahan habang may contest sina cel at yung girl na yun.
Meron pa pala siguro kaka upload lang neto. Si beatriz habang vini-video-han ni maki.

IG story ni maki:

"Hoy umuwi ka na!"si maki habang nakatutok kay bea ang phone neto.

"Ayaw!"parang bata netong sagot.

"Umuwi ka na. Lagot ka kay ate ly."panakot ni maki.

"Oi, nagpaalam ako kay ate ly!"sigaw neto.

"Eh kay jho? Nagpaalam ka?"

"Di nya ako bati, eh."tas nagpout pa. Tas tinawanan sya ni maki then dun na nag end.

Para akong tinamaan sa video ni Beatriz.
Kaya pala di pa ito nauwi kase galit pa ko sa kanya? Ganern? Hays!

"Hay naku naman Beatriz! Umandar na naman ang pagiging immature mo."kausap ko pa rin si self. "Kung di lang ako na cu-tan sayo dito baka dyan ka na talaga matutulog
kina maki."

Muli dinayal ko ng dinayal ang phone ni beatriz hanggang sa wakas ay sinagot din ng pasaway na 'to.

"H-hello?"si beatriz.

"Umuwi ka na Beatriz. Di na ko galit."






12:45 am na pero andito pa rin ako sa sala ng dorm namen. At hanggang ngayon di pa rin umuuwi si beatriz, Panay text at tawag ko naman sa kanya pero di na nya sinasagot.

( Sa madaling salita, na SEEN ZONED ka! Hahahaha! )

Oo na! Pinalandakan mo pa eh 'no!

Magt-text na sana ulit ako ng may naririnig na kong yabag mula sa labas ng pinto tas maya maya pa bumukas na rin ang pinto at iniluwa dun ang kanina ko pang hinihintay!

"Beatriz."mahina kong tawag sa kanya sapat na para marinig nya.

Napalingon sya sa gawi ko tas binawi rin agad dahil nila-Lock nya yung door at ng matapos yun ay wala itong imik na naglakad ito.

Akala ko hihinto sya sa kin pero hindi!
Nilagpasan lang nya ako kaya bago pa sya makahakbang sa hagdan ay mabilis ko syang sinundan sabay hawak sa braso neto
Napa tigil sya at napatingin sa kin.

Blanko ang itsura nya ng nakipagtitigan sa kin. Namumula ang mukha nya at halatang naparame ang inom ng damulag na 'to.

"Now what, jhoana?"

Paktay na! Jhoana na ang tawag sa kin.
Pag ganto na ang tinawag sa kin or buong pangalan ko na ay galit or asar na sya.
So.... Ano ngayon sa dalawa? Galit ba sya or asar lang?

( pwede...... BOTH? Para kabahan ka! Hahahaha! )

PESTE KA! Di ka nakakatulong!

Di ako nakapagsalita agad. Parang na urong dila ko eh.

Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now