Kabanata 8

54.7K 681 340
                                    

Ilang linggo na din ang lumipas at kahit papaano ay nawawala na sa isip ko kung ano ang nangyari. Hindi ko na nakikita ang tropa nila Rica o pwede na rin nating sabihin iniiwasan na nila ako. Nakakatawa lang, ako na tuloy ang iniiwasan samantalang dati ay halos lahat ng kabtaan dito sa iskwater ay nangingilag sa kanila.

"Sasama ka sa Fieldtrip?" napalingon ako nang marinig ang tanong ni Gezel. Wala kaming teacher may sakit daw ang anak ni Mrs. Calvez. At dahil wala kaming teacher wala rin si Fred sa loob ng room. Napapailing na lang talaga ako sa kanya.

Pero malaki din naman ang pagbabago sa kanya. Hindi na siya lumiliban sa klase. Hindi na siya nadadamay sa mga trouble ng mga katropa niya.at bihira ko na lang din siya nakikitang naninigarilyo. Hindi ko nga lang alam kung hindi kami magkasama.

Nasa labas lang naman siya ng room at nakikipagkwentuhan sa mga tropa niya.

"Hindi, walang pera. 'Tsaka gastos lang daw 'yan sabi ni Nanay" si Jana ang sumagot. Tama. Gastos lang naman ang tour na yan.

Nakakapagtaka lang na kung kailan patapos na ang taon ay 'tsaka pa magfi-field trip. Kahapon inanunsyo ng teacher namin na hindi naman sapilitan o compulsory ang pagsama pero plus 5 direct to the card daw ang makukuha oras na sumama ka. Malaking puntos din iyon pero sa una pa lang alam ko ng hindi ko na makukuha iyon.

Simula ng mapunta ako kay Tiyang ay hindi ako sumama sa mga ganitong klase ng Gawain sa school. Naalala ko dati, 'yung sine-edukasyon ko si Ate Shine pa ang nagbayad sa akin.

Hindi sa walang pera, siguro ay dahil ayaw ko ng maging pabigat pa lalo kay Tiyang Nita. At kahit naman wala akong makuhang puntos sure akong ako pa rin ang Top 1.

Pero syempre hindi ko pa rin maiwasan na hindi manghinayang, pagtapos ng tour Masaya nilang pinagkukwentuhan kung ano ang nangyari at kung ano-ano ang mga magagandang lugar na napuntahan nila.

Matagal na ako dito sa Maynila pero ignorante pa rin ako sa maraming bagay. Malungkot akong napangiti.

"Hindi ka pa magre-recess?" napaangat ako nang marinig ko si Fred. Parang hindi na rin bago sa mga kaklase ko na nandito si Fed sa loob ng classroom namin pero alam kong napapansin nila na medyo close kami nitong mga nakaraang linggo.

Tinignan ko ang relo ko. 5mins na lang time na. umiling ako.

"Hindi na, magta-time na rin eh." Hindi siya umalis sa harap ko pero may kinuha siyang cupcake sa bulsa niya at hinagis sakin. Muntik na akong mapatili buti na lang nasalo ko. Nginisihan lang ako ng mokong at umalis na sa harap ko. Napailing na lang ako.

"Bago ko kayo i-dismiss. Ireremind ko lang ang deadline ng tour natin ay sa Biyernes na" Si Ma'am Gregorio. Ang adviser namin. hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga sinasabi niya at nag-ayos na ako ng gamit ko.

"Sayang. Sa Enchanted Kingdom pa naman."

"Diba, 'yun din ang pinuntahan last year?"

"Oo nga, ang tanong nakasama ka ba dati?"

"Hindi" hanggang sa mga tropa ni Fred ay 'yun din ang pinag-uusapan. Nandito kami sa computer shop at nagta-type ako sa project namin habang siya nasa gilid ko lang at walang ginagawa.

"Pero gusto ko sumama kaya nagbayad na ako kanina" pati ako napalingon sa sinabi ni Junie. Si Junie ang isa sa mga miyembro ng tropa ni Fred na lagi kong nakikitang nakatambay dito sa shop o di kaya sa construction site sa gilid ng palengke.

"Paano ka nakabayad?" si Kuya Jason ang nagtanong.

"Binayad ko 'yung naipon ko sa construction. Tang-ina akala ko nga wala ng tour kasi malapit na mag-tapos ang klase. Muntik ko ng maibili ng Red Horse 'nung isang araw. Buti na lang nakapagtimpi pa ako."

Na-In-Love sa Grade SevenWhere stories live. Discover now