Kabanata 5

41.1K 497 49
                                    


“Natapos ko na yung draft ng project natin nagpaconsult na rin ako kanina kay Mam Sanchez at okay na daw. Kailangan ko na lang siyang i-type. So kung hindi ka busy mamaya magkita na  lang tayo sa Computer shop ni Kuya Jason.”

“Computer shop ni Kuya Jason?” napatingin ako sa kanya ng ulitin niya ang sinabi ko. bingi lang?

“Oo. Sa shop ni Kuya Jason.”

“Sinong nagsabing kanya yun?”

“Wala. Naisip ko lang kasi siya ang nagbabantay eh. Bakit? Kanino ba yun?” umiling lang siya at tinuloy ang pagkain.

Nandito kami ngayon sa canteen, nakorner ko siya kanina at mukhang napilitan lang siyang sumama dahil parang may balak yata siyang sumamang mag cutting classes doon sa mga dati niyang kaklase. Ang gulo talaga ng lalaking ito.

Pagtapos namin sa canteen ay sabay na rin kaming umuwi pero dumaan muna kami sa karindirya at bumili ng ulam ni Tiyang Nita.

Siya na rin ang nag pumilit  na magbayad. For sure lang may kapalit iyun. Napailing na lang ako.

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang matatalim na tingin ng mga ilang kababaihan sa amin.

Sila ang mga girl version ng mga siga sa iskwater, yung hindi mga nag-aaral yung walang ibang ginawa kundi ang tumambay at idisplay ang mga katawan nila dahil sa kakarampot nilang mga suot.

Hindi naman kaila sa akin na lapitin ng babae itong kasama ko  kahit naman surang-sura ako sa kanya ay hindi ibig sabihin nun na hindi na siya gwapo sa paningin ko.

Kaya  nga lang pagkatapos ng salitang GWAPO ang daming kasunod na PERO.

Gwapo pero hindi nag-aaral ng maayos.
Gwapo  pero may bisyo.
Gwapo  pero siga sa iskwater.
Gwapo  pero hindi matino.

“Fred. May laban mamaya sa bilyaran. Punta ka?” si Rica. Yun ang alam kong pangalan niya. Maganda siya pero nalalakihan ako masyado sa dibdib niya or baka talaga lang maliit yung akin.

“Tignan ko.” sagot ng katabi ko. Mas binilisan ko ang lakad dahil nakakatakot na ang tingin nila sa akin.

'Yung mga friends niya kulang na lang ay pakainin ako ng patalim sa tindi makatitig.

“Nagmamadali ka ba?” tanong niya pero napansin ko ring bumilis din ang lakad niya.

“Ha? Hindi naman pero baka kasi gising na si Tiya at wala pa siyang pagkain.” Hindi ko sya matignan dahil feeling ko kasalanan ang tignan siya sa paningin ng mga babae sa paligid namin.

“Sabi ko naman kasi magmotor na tayo. Ayaw mo.” Sinabi kong gusto kong maglakad kanina paglabas ng school para hindi na siya makasabay pag-uwi pero nagulat ako ng hinagis niya ang susi sa isa niyang kaibigan at nagtanguan.

“M-malapit lang naman kasi.” Bulong ko. Ayaw ko ring marinig  nila na nag-uusap kami.

Mahilig sila sa gulo. Mahilig silang mantrip at ayaw kong mabiktima nila. Hindi sila yung tipong may takot pa sa barangay. Wala na sila nun. Mukhang mas takot pa nga ang barangay sa kanila.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ko ay agad ko ng kinuha ang plastic ng pagkain na hawak niya at pumasok.

“Anong oras ka pupunta sa shop?”

“After siguro ng hapunan.” Tumango lang siya at ako naman mabilis ng pumasok. Hindi ko tuloy alam kung tama pa ba itong pinasok ko sa buhay ko. napaksimple lang naman sana ng buhay ko pero bakit nagiging kumplikado na?

“Nay. Huwag niyo po akong pabayaan ha. Pakisabi kay Lord na huwag masyadong matuwa sa kapalaran ko.” Hindi ko mapigilang dasal.

Pagkatapos kong mailagay sa plato ang pagkain niya at maihain sa lamesa ay tinakpan ko na lamang mua ito ng isa pang plato. Paniguradong tulog pa ang tiyang niya dahil napagod ito sa cabaret kagabi.

Hindi niya alam kung ano ang trabaho nito doon pero ang alam niya ay malakas kumita ito. Agad na siyang pumasok sa kwarto niya at nagbihis.

Wala naman siyang balak gawin ngayong hapon kundi ang ayusin ang draft nila at matulog sandali. Napansin niya nitong mga nakaraang gabi ay lagi siyang hirap matulog kaya lagi siyang puyat sa klase mabuti na lamang at wala na silang ginagawa dahil patapos na ang school year at puro reminders na lang about projects and requirements ang ginagawa.








Na-In-Love sa Grade SevenWhere stories live. Discover now