Kabanata 4

43.3K 569 59
                                    

Kakauwi ko lang galing simbahan! Humingi muna ako ng kapatawaran sa mga mahahalay na tumatakbo sa isip ko na pwedeng mangyari kay Rain. Hahaha



Kinabukasan para akong lutang na nakaupo lang sa upuan ko.Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ng mga teachers namin.

Epekto na ba to ng halikan namin? Lorraine! Umayos ka tandaan mo sabi nga sa isang kasabihan ang edukasyon ang magpapalaya sayo sa kahirapan kaya kailangan ilagay mo sa wisyo ang utak mo.

Every last Friday of the month ang faculty meeting ng mga teachers namin kaya naman shortened period ang schedule namin. Rinig na rinig mo agad ang sigawan at katuwaaan sa mga estudyante.

Kanya-kanyang pulbuhan na rin ang mga kaklase ko, samantalang ako inaayos ang mga gamit ko.

“Hihintayin kita sa labas. Bilisan mo.”

Napalingon ako ng makitang nakatayo doon si Kuya Fred. I mean Fred.

“Ui. Anong gagawin niyo? Tapos na ba kayo sa project, kami wala pa sa kalahati sa Filipino?” si Aron ang baklang chismosa ng section I. Napailing na lang ako.

Paglabas ko ng gate nakita ko siyang nakasandal na sa single niya kasama ang mga barkada niya.

Hindi ko  na naman tuloy alam kung paano sila lalapitan. Ang tatanda na pero nasa highschool pa rin. Hindi ko mapigilang mapairap.

“Tatayo ka na lang ba dyan?” biglang bumalik siya sa wisyo ng makitang wala na itong mga kasama at hinihintay na siya.

Lumapit siya dito. Medyo mabigat ang bag niya dahil sa mga modyul at libro kaya nahihirapan siyang tumakbo.

“Tara na.” akmang sasakay na ito sa motor niya habang siya hindi maintindihan ang sinasabi nito.

“Ano ka ba? Kanina ka pa ha. Hindi ka ba nagalmusal at kanina ka pa tulala?” nagagalit na naman ang boses niya. Inirapan ko siya. At naglakad na pero bigla niyang hinatak ang bag ko.

“T*ang ina. Anong laman nitong bag mo? Bato? Graba? Buhangin?” sinamaan ko siya ng tingin.

“Pakialam mo ba. Akin na  nga yan.”

“Kaya hindi ka tumataba eh. Ang bigat ng bag mo.” Hinatak niya ang braso ko. Sinuot niya paharap ang bag ko at sumakay na. Wala na akong nagawa kundi ang sumundo na rin sa kanya.

“Diba sabi mo may sasabihin ka?”

“Oo nga pero bakit tayo nandito sa bahay mo? Uuwi na ako. Hahanapin ako ni Tiyang Nita ko.” lumalakas ang kabog ng puso ko kapag nandito parang ang daming nangyayaring kakaiba kapag nandito kami.

“Wag mo akong ijoke. Malamang sa mga oras na to. Naglalaway pa sa sarap ng tulog ang tiyang mo.” Baka tama siya eh laging 5am na yun umuuwi eh dahil nga diba sa cabaret ito nagtatrabaho.

Inirapan ko lang siya at nilabas na ang listahan ng mga kondisyon ko. Yap. Mga kondisyon din ang ginawa ko. hindi pwedeng siya lang ang meron.

“Hala. Ano yan. Listahan ng utang mo?” inirapan ko siya at naglabas na rin ng Ballpen.

“Ok. Kung meron kang kondisyon na nalalaman dapat lang na maging patas na dapat ay meron din ako.” Umupo siya sa tabi ko. Yung upong niyayakap ako ng legs niya. nakaharap siya sa akin at pumulupot ang braso.

“F-Fred. Pwede naman tayong mag-usap ng hindi tayo masyadong magkadikit.”
“Gusto ko ganito. Para kapag inutusan mo ako makukuha ko agad yung halik ko.”

“Ang adik mo sa halik nuh.” Inirapan ko siya na kinatawa niya lang.

“Sa laway mo lang Baby ko.” ano ba. Bakit ba ako kinikilabutan kapag tinatawag niya akong ganoon.

“Ewan ko sayo. Huwag kang magulo at babasahin ko na to.” Tinignan niya rin ang papel na hawak ko.

“No.1- Hindi ka na pwedeng umabsent o mag-cut ng class.”

“Ayoko nga. Paano pag may sakit ako?” o diba, una pa lang angal agad.

“Bakit? Isang buwan ka ba kung magkasakit para hindi pumasok ng ganoon katagal?” hindi siya nakakibo sa sinabi ko.

“No.2 bawasan ang paninigarilyo.”

“Ay dyan tayo magkakaproblema.” Napailing na lang ako at tumingin sa kanya.

“Matakot ka at baka hindi mo alam, tustadong baga na pala ang nasa loob ng katawan mo.”

“Ayoko pa rin.”

“Eh di walang halik.” Nagtangka akong tumayo pero agad niya akong hinatak paupo.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan Baby ko.” seryoso niyang sabi.

“ Ganyan ka kasi hindi naman ikaw ang nahihirapan kapag ang kahalikan mo ay lasang tabako ang laway.”

Bigla siyang natahimik at ako din sa nasabi ko. Napakagat labi ako ng wala sa oras. Bakit ba kasi yun lumabas sa bibig ko. Kunwaring binalik ko ang paningin ko sa papel na hawak at binasa ito.

“N-No3.” Bigla kong gustong uminom ng tubig.

“No.3. kailangan na matapos natin ang mga project natin nang maayos at makiki---“ Shomai. Ito na naman siya.

“Hmmmm---“ hinalikan niya ako ng may kapusukan. Hawak niya ang pisngi ko para idiin sa labi niya. Napahawak ako sa braso niya at napapikit. Sa  Ganito na lang kami lagi mauuwi?

“Hmmmm---- Rain. Anong lasa ng laway ko ngayon?” nakangiting tanong niya. ano bang lasa?” lasang Mentos. Walang sigarilyo.

“Mas masarap ba ngayon?” wala sa sariling napatango ako ng dalawang beses. Ang walanghiya talaga. Agad na sumilay ang nakakalokong ngiti sa lab niya sa pagtango.

“Hmmm… F-Fred. H-hindi pa tapos y-yung”

“T*ang ina oo na pumapayag na ako sa lahat ng kondisyon mo pero intack ang akin Rain. Hahalikan kita kung kailan ko gusto.” Napangiti ako sa sinabi niyang pagpayag pero medyo alangan sa halik.

Kailangan kong rendahan ang dapat na rendahan sa akin, hindi ako papayag na basta na lang mawala ang magandang kinabukasan na pwede kong makuha. Mali nga siguro ang pagpayag sa gustong mangyari ng lalaking ito pero kung ito lang ang paaran para kahit paano ay manahimik siya ay gagawin ko.

“Hmmm—F-Fred. U-uuwi na ako.” Bulong ko nang pakawalan niya ang labi ko. nakayakap pa rin sa bewang ko ang mga braso niya.

“Ihahatid kita mamaya. Dito ka na magtanghalian.” Agad na napailing ako.

“Hindi pwede. Walang nagluluto sa bahay. Baka walang kainin si Tiyang Nita.”

“Bakit ikaw ang kailangan magluto? Katulong ka ba niya?”

“Hindi. Pero yun na lang yung tulong ko sa kanya sa pagkupkup sa akin.” Tinitigan niya ako pagkatapos kong sabihin iyon. May nasabi ba akong mali?

“Ibibili na lang natin siya ng lutong ulam.” Hindi na ako nakasagot dahil nagpunta na siya ng kusina niya. nang ilibot ko ang paningin ko sa bahay niya doon ko lang napansin na maganda siya at hindi katulad ng ibang bahay sa iskwater na puros sa kahoy gawa ang buong bahay.
Saan niya naman kaya kinuha ang pinanggawa niya dito.

Baka totoo ang usap-usapan na dealer daw siya ng shabu. Bigla akong kinilabutan sa naisip ko. pero hindi naman siya mukhang nagsa-shabu dahil napakaganda ng katawan niya mamascle siya at mukha siyang malusog.

Pero bakit ko naman iniisip ang katawan niya. Napailing ako at lumapit sa isa sa mga picture frame doon. Halos pictures lang niya kasama ang mga barkada niya ang nakadisplay dito, wala man lang pictures ng pamilya niya.

.Muntik na akong mapatalon sa gulat ng maramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran ko.

“Kakain na tayo Baby ko” bulong niya sa tenga ko. Napahawak ako sa mga braso niya.

“F- Fred bakit parang walang picture ng family members’ mo dito?” pero bigla kong naramdaman ang paninigas ng katawan niya sa sinabi ko.

“Hindi mo na dapat inaalam ang mga walang kwentang bagay Rain.”

Walang kaemo-emosyong sabi nang bitawan ako pero hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na ako sa kusina.

Kailan pa naging walang kwenta ang tungkol sa pamilya.


Na-In-Love sa Grade SevenWhere stories live. Discover now