Kabanata 7

38.9K 553 41
                                    

Pumasok siya sa kwarto niya at paglabas ay may dala na siyang laptop. Kaya pala niya nasabi na hindi na namin kailangan pang lumabas. "Anong kailangan kong gawin."

"Hmmm.. kailangan mo lang siyang basahin dahil balak ko na siyang ipasa sa next friday para okay na lahat ng requirements ko. Ikaw ba ok na yung sayo?" umiling siya.

"Bahala sila," kinuha niya ang isa sa mga papel doon.

"Fred."

"Ano?"

"Hindi ba. Sabi ko dapat maging mas mabuting tao dahil sa relasyon natin?"

"Ano namang kinalaman nun sa requirements natin?" sinimangutan ko siya. "Oo na. gagawin ko na. Ano bang mga requirements?" agad na napangiti ako sa sinabi niya. susunod naman pala eh.

Nang mga sumunod na araw ay mas naging okay ang samin ni Fred. Marami ang nagtaka ng hindi na siya umaabsent at hindi na natutulog sa klase. Sa loob ng isang linggo ay nakapagpasa na siya ng mga dapat ipasa. Sa sobrang tuwa ng mga teachers namin lalo na sa English at Filipino na kung saan ay partner kami ay hindi na kami pinagreport pa. At sa loob ng isang linggong yun ay hindi nadawit ang pangalan niya sa kahit na anong klaseng gulo sa loob ng paaralan, parang gusto pa ngang magpaparty ng mga teachers namin sa sobrang tuwa.

Naglalakad kami pauwi ng makasalubong namin si Rufert. Isa sa mga barkada niya, nagyaya ito sa bday celebration ng isa nilang tropa. "Sama ka?" biglang tanong nito sa akin. Dapat ba akong sumama eh tropa niya lang naman 'yun.

"Hindi na. Okay lang. 'Tsaka hindi ko naman kilala ang mga tao dun."

"Kaya nga mas dapat kang sumama para makilala mo mga kaibigan ko." napatingin ako sa sinabi niya.

"Susunduin kita mamaya. Huwag kang lumabas hangga't hindi mo ako nakikita sa tapat ng bahay niyo." Napailing na lang ako dahil siya pa rin ang nasunod. Pasaway talaga. Iyon na siguro ang personalidad niya pero may nasiguro akong isang bagay. MABUTI SIYANG TAO. Hindi man siya gumagawa ng mabuti para sa iba ay hindi naman siya nananakit.

"Ang tagal mo naman. Kanina pa kaya ako nandito." Reklamo niya. hindi naman kasi siya nagsabi kung anong oras kaya nakatulog pa ako.

"Sorry naman. Wala ka naman kasing sinabing oras eh." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Ilang iskinita din ang nilusutan namin bago kami makarating sa bahay ng kaibigan niya. At parang gusto ko ng pagsisihan ang pagsama dahil katulad ng ineexpect ko puro kalokohan lang ang ginagawa nila.

Inuman agad sa tapat ng bahay ng kaibigan niya kaya wala ng madaanan ang mga tao dahil maliit lang naman ang daan doon. Sanay naman ako sa ganitong tanawin dahil ginagawang almusal na ng mga lalaki sa amin ang pag inum ng alak.

At sa bawat lalaking nakaharap sa inuman katabi ang mga kanya-kanyang parehang babae.

"Uy Tol pasok kayo sa loob kanina ka pa hinihintay ni Onat." Tumango lang siya at hinila na ako sa loob. Napansin kong ngayon niya lang hinawakan ang kamay ko dahil kanina nung papunta kami ay nasa likod ko lang siya banda. Hindi ko naman inalis ang pagkakahawak dito dahil nakakatakot din ang mag-isa.

"Naks naman akala ko iinjanin mo bday ko eh. Papasabugin ko talaga ang shop mo." Napakunot noo ako sa narinig ko. so ibig sabihin 'yung shop na yun siya ang may-ari at hindi si kuya Jason? Kaya pala ganoon ang naging reaksyon niya nung sinabi kong kay kuya Jason yun.

"G*ago. Pakainin mo na nga lang kami. Ingay mo."

"Uy Bebot ha. Pakilala mo naman ako." Sa akin siya nakatingin.

"Tangina mo!" nagtawanan lang sila. Pero lumapit siya sa akin at inabot ang kamay niya. "So ikaw ang babaeng nagpatiklop sa pusong tigang nitong tropa ko.? Onat nga pala." Ngumiti ako pero bago ko pa iabot ang kamay ko inabot na ni Fred ang kamay niya. "Rain ang pangalan niya. Ok na?" tinawanan lang siya ni Onad.

"Kumain na kayo dun. Ikaw ng bahala dyan Tol." Tumango lang si Fred at inalalayan niya na ako papuntang kusina.

"Hi Fred."-

"Ui. Parang minsan na lang kitang Makita"

"Fafa fred. Aymissyou"

"Did you miss us?"

Kulang nalang kumaway siya na parang kandidato sa dami ng bumabati sa kanya at nakakainis dahil pati mga bakla ay gusto rin siya. Hindi pa ba sapat na halos maduling na ang mga babaeng to sa pagpapacute sa kanya at pati na rin ang mga pusong babae ay naaakit sa kanya. Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras.

"Bakit nakasimangot ka?"

"Ha?" napatigin ako sa kanya. "Hindi ah. Bakit naman ako sisimangot?" tumawa ako.

"Selos ka no?"

"Hindi ah. Bakit naman ako magseselos." Inirapan ko siya pero tinawanan niya na naman ako.

"Sabi mo eh."

Nakaupo kami sa sofa at nakaakbay siya sa akin habang nagpapatawa ang isang bakla at nagvivideoke doon ng yayain siya ng isa sa mga kaibigan niya para uminom.

"Tol tara na, shenglot na yung iba dun." Hinintay ko ang sagot niya pero sana hindi siya uminom dahil baka hindi kami makauwi dahil hindi ko kabisado ang daan pauwi.

"Sige susunod ako." Binigyan din siya ng sigarilyo pero tinanggihan niya ito. Napangiti tuloy ako ng wala sa oras.

"Ngayon naman nakangiti ka. Kunti na lang mababaliw ka na."

"Tse. Ewan ko sayo." Masaya ako. Ewan ko pero Masaya ako habang nakakasama ko siya ng matagal. Parang hindi na kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya kasama. Hinahanap ko siya kapag matagal ng hindi ko siya nakikita. Kinakabahan ako na baka may nangyari sa kanya kapag nababalitaan kong may gulo sa isang kanto.

At sa palagay ko ay mahal ko na siya. Oo mahal ko na siya. Kaya ako Masaya kasi mahal ko siya at nararamdaman ko na mahal niya ako. Pero hindi sapat na mahal lang namin ang isa't-isa, ang bata ko pa para masabing siya na para sa akin pero sa mga puntong ito ay tatanggpin ko kung siya na ang ibibigay sa akin ng kapalaran ko.

Marami pa ang pwedeng mangyari. Tama at magsisimula pa lang ang hamon sa aming dalawa. At hindi ko akalain na nalalapit na pala kami doon.



Hello!  Teh teh. Pengkoment! Kyahh kyahh pembarya! hahaha

Private mode din po ang SPG part ng kwentong ito, nag-iingat lang po ako katulad nang sa Istorya ni Brando at ni Shine.

Kailangan mo ako i-follow para lang mabasa ang mga SPG parts.  

NGUNIT  SAPAGKAT DATAPWAT  masisiguro kong mauunawaan mo ang daloy ng kwento kahit wala ang mga bahaging iyon.

Paak! Ganern iyon!

Na-In-Love sa Grade SevenWhere stories live. Discover now