Prologue

4.8K 69 4
                                    

Prologue

 

 

“Grabe! Mali na naman! Bakit ba parati nalang mali?! Bakit lahat nalang ng nagugustuhan ko eh ayaw sa akin? Ang sakit talaga! ayoko na!”

 

*TOK*

“Maghunos tili ka nga diyan babae ka. Hindi pa end of the world okay? lalaki lang yan!”

 

Tinignan ko siya ng masama nun tapos hinimas yung part ng ulo ko kung saan niya ako binatukan.

“Hay nako Julia, nasasabi mo lang yan kasi may boyfriend ka! Eh ako!? Paano naman ako!?”

“Asus, if I know mamayang hapon eh may bagong prospect ka na naman.” Hay, kahit kelan talaga eh kontra sakin tong best friend ko.

Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Kanina pa ako reklamo ng reklamo eh ni sariling pangalan ko eh di ko pa nababanggit. Ako nga pala si Nichole Dominique Dizon, Nikki sa mga kaibigan ko at Codie sa family namin. 16 years na akong nabubuhay sa mundong ito at no boyfriend since birth parin ako. Ang sad no? hindi ko man lang naexperience magkaroon ng kadate nung mga dance namin sa school.

“Julia naman. Alam mo namang matagal ko nang inaasam asam ang magkaroon ng kadate sa dance diba? Saka yung makakasama ko sa pagpasok at pag-uwi! Yung tipong magdadala ng gamit ko kasi nabibigatan na ako! Alam mo yun?”

 

“Dati ko pa naman sinasabi sayo diba? Maghintay ka kasi!”

 

Nag-cross arms lang ako nun tapos napaupo. Maghintay? Madaling sabihin, mahirap gawin!

“hanggang kelan ako maghihintay? Hanggang sa pumuti na lahat ng buhok ko? hanggang sa bumigay na yung bewang ko? hanggang sa mahulog na ang lahat ng mga ngipin ko?”

 

Umarte si Julia na parang babatukan ako kaya umilag naman ako. Minsan talaga napakabayolente nitong babaeng to. Ewan ko ba kung paano kami nagkasundo.

“ewan ko sayo!”

 

“Juliaaaaaaaaaaaa”

 

Hinabol habol ko siya nun sa may quadrangle hanggang sa mapagod kaming pareho. Sinermonan na naman niya ako kasi nagmumukhang dugyot na daw kami sa sobrang kadungisan.

*KRIIIIIIING KRIIIIIING*

Naku po! Warning bell na yun! Malalate na ako!

Tumakbo ako nun. Hindi kami magkapareho ng klase ni Julia. Sa kamalasan ko naman eh mas malayo yung classroom namin dun sa quadrangle. Grabe nga eh, parang sa araw na ito eh lahat na ng kamalasan eh sinalo ko.

Nalaman ko kasi na yung gusto kong lalaki eh may nililigawan na. Eh ang pananaw ko pa naman sa buhay eh kung taken na or soon-to-be taken na eh wag nang magustuhan. Ayoko kasi na magkagusto sa taong wala naman akong pag-asa.

Siguro sa sobrang pag-iisip ko eh hindi ko namalayang may tao na pala sa harapan ko.

*BAM!*

“sorry! Sorry!”

 

“Sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo para hindi ka mabangga.” Tinginan ko lang siya nun at medyo napanganga pa ako.

 *KRIIIIIIIIING*

Waaah! Anak ng pitumpung tipaklong kuba! Late na ako!

****

 

Nung dismissal eh agad kong hinanap si Julia. Magandang balita ang kelangan kong sabihin sa kanya. simula palang nung 2nd to the last subject namin eh kating kati na akong umuwi para makakwento na ako sa kanya. tiyak na good news itong sasabihin ko eh.

“Juliaaaaaaaaaaaa!”

“Miss Dizon! No running in the hallway!”

Tinaas ko lang yung kamay ko nun para humingi ng sorry tapos tuluy tuloy parin ako. Ang bait ko no?

Dumating ako sa harap ng classroom nina Julia. Sakto eh biglang bumukas yung pintuan at una siyang lumabas. Nagulat nga siya kasi agad agad ko siyang hinatak sa tabi.

“Julia! Nahanap ko na siya!”

 

Tinaasan ako ng kilay ni Julia tapos nag-cross arms siya.

“Nahanap ko na talaga! ito na talaga yun promise! Siya na talaga yung true love ko! I’m sure of it!”

 

“Ayan ka na naman eh. sinasabi mong true love pero hindi mo pa kilala. Sasabihin mong meant to be kayo pero ni isang characteristic eh wala kayong pagkakapareho. Tapos in the end, you’ll end up getting hurt.”

 

“Hay nako bruha ka! wag ka ngang nega! Kaya minamalas ang mga tao kasi negative kung mag-isip. Think positive kasi diba!?”

 

“Think positive? Eh kahit naman nagthithink positive ka eh negative parin yung nangyayari! Isipin mo ha, yung mga una eh niloloko ka, nung sumunod eh bakla pala, nung pagkatapos nun eh muntikan ka pang mapahamak at yung kahuli-hulihan eh hindi ka pa nagsisimula eh wala na kaagad pag-asa.”

 

“Julia naman…sigurado na ako. Sure kasi talaga ako sa nararamdaman ko ngayon eh. I can really feel it!”

 

Napabuntong hininga siya nun tapos naglean nalang sa may wall.

“Oh siya. Sino ba siya? Classmate niyo? New student?”

 

Ngumiti ako ng malaki sa kanya.

“Hindi ko alam eh! tulungan mo naman akong malaman ang pangalan niya!”

 

*TOK*

At isang matinding batok na naman ang pinaramdam sakin ng aking pinakamamahal na best friend.

Be my GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon