Naiinis pa rin na ipinikit ko nalang ang mga mata ko at pilit na kinakalma ang sarili ko.  Habang nakapikit ay naaamoy ko ang mabangong amoy ni Mau na nakahilig pa rin sa balikat ko.  Her scent somewhat calms me.  At ang paghaplo-haplos nito sa braso ko ay masarap sa pakiramdam lalo na ang magkahugpong naming mga kamay.  Her hand intertwined with mine felt so good.  It felt natural, as if it belong there.  Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na balingan ito at halikan ito sa ulo.

"I'm sorry for scaring you." bulong ko sa kanya.

Alam ko kahit hindi ito magsalita natakot ito kanina.  She once told me she does not want to see me angry, because it scares her.  Hindi ito sumagot bagkos pinisil lang nito ang kamay ko at marahang tumango.

"Ang sweet," pa-ubong sabi ni Dwayne pero malinaw ko namang narinig sa sinabi niya.  Pinukol ko siya ng matalim na tingin at ang tarandato binelatan lang ako.

"Shut up, Dwayne!"

"What? Pati ba naman pag-ubo bawal?" painosenteng sabi pa niya.

Iiling-iling nalang na umayos ako sa pagsandal at pinikit ang mata.  Kapag pinatulan ko itong Dwayne na ito mas lalo lang iinit ang ulo ko.

Kikay's POV

Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nitong dalawang katabi ko pero alam kong galit na talaga si Zachario ko kay Dwayne.  At ito namang si Dwayne ay sinasadya pa talaga inisin si Sweetheart ko, sarap nga talaga basagin ang mukha.  Si Kriz naman tahimik lang nakatingin sa dalawang kaibigan na parang natutuwa pa sa nakikita.  Hay naku! Nakakaloka ang magkakaibigan na ito, sabay-sabay pa na tinamaan ng mga sayad nila.

Mabuti sana kung nandito si Brent o kahit si Calvin nalang for sure aawat ang mga 'yon sa dalawang 'to.  Napabuntong hininga na patuloy ko nalang hinaplos-haplos ang braso ni Zach  para kumalma ito.  Pero infairness, kapag ganito naman na nakahilig ako sa balikat nito habang magkahawak ang kamay namin eh parang gusto ko nalang na mainis ito lagi.  May rason ako para makatyansing.

Loka-loka ka talaga Maureen Agatha!- saway ng isang bahagi ng isip ko.

Matagal na sandali na hindi na kami nag-iimikan.  Natahimik na rin si Dwayne na busy na yata sa paglalaro sa cell phone nito.  Nilaro-laro ko ang kamay ni Zach.

"Okay ka na ba?" bulong ko sa kanya.

"Yeah, pasensya na kung muntik ko na hindi napigilan ang sarili ko kanina."

"Okay lang, 'wag mo nalang kasi pansinin basta mag-e-enjoy tayo sa Camiguin.  Iyan naman talaga ang pinunta natin dito, hindi ba? Ang e-enjoy ang Camiguin." nakangiting tiningala ko siya. 

Hindi ko inaasahan na nakatingin din pala ito sa akin kaya naman nagkadikit ang mga ilong namin sa sobrang lapit sa isa't isa.  Natigilan ako at hindi nakagalaw, nakatingin lang ako sa mga mata nito.  Hindi rin naman ito nag-iwas ng mukha at patuloy lang na nakatingin din sa akin.  Pakiramdam ko may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at pakiramdam ko nag-iinit na ang mukha ko.

OMG!!! Ang lapit lang nito! Gusto kong inguso ng konti ang mga labi ko para mahalikan ito.

Naku Maureen maghunos-dili ka.  Kalma lang, rendahan ang sarili at baka ipagkanulo ka ng nararamdaman mo.  Naku naman ang puso ko, grabe na ang pagkabog baka marinig na ni Zacky my sweetheart.

Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko at pilit kong kinakalma ang sarili ko ng bigla nalang nito inilapit ang mukha at mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko.  Tumigil yata ang paghinga ko sa sobrang gulat at pati na rin ang pagtibok ng puso ko.

Breath Mau!- sigaw ng isip ko. Pero wala nakatulala lang ako sa kanya.

Ahem bitin na naman?😂😂😂😂✌









Zacky's POV

Matagal kaming natahimik at kalmado na ako ng magsalita muli si Mau.

"Okay ka na ba?" bulong na tanong niya sa akin.

"Yeah, pasensya na kung muntik ko na hindi napigilan ang sarili ko kanina."  bulong ko rin habang nakatingin sa kanya na nakahilig pa rin sa balikat ko.  Ang bango niya talaga.-  singit pa ng isip ko.

"Okay lang, 'wag mo nalang kasi pansinin basta mag-e-enjoy tayo sa Camiguin.  Iyan naman talaga ang pinunta natin dito, hindi ba? Ang e-enjoy ang Camiguin."

Nakangiting tumingala ito sa akin dahilan para magdikit ang mga ilong namin.  Bigla akong natigilan dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.  Ramdam ko ang init ng hininga nito at pakiramdam ko bumilis ang pagtibok ng puso ko pero hindi ako nag-iwas ng tingin.  Gusto kong pagmasdan ang mukha nito sa malapitan.

Hindi rin ito nag-iwas ng mukha at nakatingin lang din sa mga mata ko.  I saw her face turning red, fcuk she was blushing and it's making her more beautiful in my eyes.  Pilit kong pinipigilan ang sarili ko pero hindi ko na kaya.  Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at kinintalan ito nang mabilis na halik sa mga labi.

The moment my lips touched hers, I suddenly regretted it.  Not because I don't like it but because I wanted more than just a smack.

"Fcuk!" I cursed as I turned my head away from her.  Napahugot ako nang malalim na hininga trying to calm myself.

Then out of nowhere, Myle smiling face flashed in my mind.

"Damn it!" mas napamura tuloy ako.

Tang*na!  Ano ba ang nangyayari sa akin?!!!!!!!!

****

😂😂😂😂Ayon na nga bitin talaga.😂😂😂😂😂✌✌✌✌ Maiksing update lang talaga keribells ng brain cells ko kaya pagtyagaan niyo na..😘😘😘😘

Happy Sunday

INTERTWINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now