"Okay, you will either drink or do a dare."


"Shouldn't it be truth or consequences?"


"Where's the fun in that? You can either say yes or no and lie." Belle said at hindi ako makapaniwala na nag agree ang lahat sa sinabi niya. "Don't worry we have a dare box here. Dito nakalista lahat ng mga dare na pwede niyong gawin. Kung sino ang nag spin, siya din ang bubunot. Kapag hindi mo nagawa ang dare, you'll drink five times. Gets? I'll spin it first."


I'm really bad at drinking alcohol kaya siguro kapag sa akin natapat dare nalang ako. Base din naman sa mga dare na pinapagawa sa iba madali lang naman. Kanina pa ako nanunood at nakikitawa sa kanila. Lahat na kasi napili pero at sa aming lahat ako nalang ang hindi napipili.


"Finally! Kanina ka pa nakakatakas." Ani Iris. Nagsitawanan sila.


"Psyche," Kinabahan ako sa klase ng titig sa akin ni Iris. Hindi ko namalayan na siya ang nag spin ng bottle. May pagka traydor pa naman to. "Your dare is.. to kiss any man in this group."


"What?" Ipinakita niya sa amin ang nakasulat sa papel at totoo nga ang sinabi niya.


"Hindi naman kailangan ng hot steamy kiss Psyche. It can be a kiss on the cheek." I looked at Belle.


"That's boring." Sabi ni JLo.


"Pero wala naman nakalagay kung anong klaseng kiss di ba? Go on Psyche." Sabi ni Iris. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papano pala kaibigan ko pa rin silang dalawa.


I looked for Eros pero wala na siya doon sa upuan niya kanina. Sayang, siya pa naman ang naisip ko dahil siya palang din naman ang nahahalikan ko sa buong buhay ko. I sighed. Si Ryder nalang. Wala naman sigurog malisya sa kanya.


Tumayo na ako at naglakad papunta sa harap ni Ryder. Halata din na nagulat siya sa pagpunta ko sa harap niya.


"Ikaw nalang total magkaibigan naman tayo. Sa cheeks lang." Natatawa pero nahihiyang sabi ko sa kanya. I was about to kiss him nang biglang namatay ang ilaw.


"Wala bang kuryente?"


"That's impossible. Automatic ang generator kung kapag brown out."


"Oh my gosh! Ganito yung mga nangyayari sa mga horror movies. Kaya ayaw kong sumasama sa mga field trip with friends eh. May serial killer na paparay satin isa-isa! We're gonna die!"


"Shut up JLo. Baka ikaw ang ibaon namin sa lupa kapag di ka tumahimik."


Impit akong napasigaw nang may tumakip sa bibig ko at hinila ako palayo. Shit. Totoo ba ang sinabi ni JLo? Hindi kaya ako ang unang bikitma ng serial killer? Dahil sa sobrang takot maslalo akong nagpumiglas.


"Will you please stop?" Natigil ako sa pag galaw nang marinig ang boses ni Eros. Nang tumigil ako saka niya lang ako binitawan.


"Eros? Anong ginagawa mo? Bakit mo ako hinila palabas?" I looked around at napansin na nasa labas na nga kami.


Imbes na sagutin ako, inilatag niya ang isang kumot na nakasabit sa balikat niya at umupo doon. He patted it indicating for me to sit beside him, and so I did pero humiga ako at nanatili naman siyang naka-upo.


"Were you really going to kiss him?"


"Huh?"


"Romualdez."


"Ah si Ryder? Oo." Napansin kong lumingon siya sa akin. Pero nanatili akong nakatingin sa langit. Ang ganda ng mga bituin. "Wala ka kasi kanina. Ikaw sana ang hahalikan ko dahil ikaw palang din naman ang nahalikan ko. Saka sa cheeks lang naman."


"Really?"

"Mm-hm." Tumango ako pero hindi ko alam kung nakita niya.


Humiga na din siya sa tabi ko at parehas lang kaming tahimik at nakatulala sa langit. The moment was so perfect. Ang saya sa pakiramdam na nakikita kong kumikinang yung mga bituwin na para bang masaya din sila sa akin. Being with Eros like this feels really comfortable. Kahit hindi kami nag uusap, ang saya ko pa rin.


"May shooting star! Nakita mo ba? Let's make a wish."

I immediately closed my eyes. Sana maging mabuti akong ina kila Artemis at Apollo. Sana lumaki silang masaya pati si Eros.

When I opened my eyes and met his gaze. Hindi ko alam kung bakit pero medyo na-ilang ako sa klase ng titig niya kaya ibinalik ko ang tingin ko sa langit.


"N-nag wish ka ba? Dapat nag wish ka."



"I did." Sumulyap ako sa kanya pero agad ko ding binawi nang makitang nakatingin pa rin siya sa akin.


"T-talaga ba? Anong wish mo?" Goodness Psyche. Titig lang yan, bakit ka nauutal?


"I wish for your wish to come true." I looked at him upon hearing him say it.


"Bakit?"


"Because I want you to be happy. I wish that you'll follow whatever your heart desires Psyche." Hindi ko alam kung bakit pero naluluha na ako dahil sa sinabi niya. I really felt his sincerity when he said it. I'm not really a sensitive person pero pagdating kay Eros napakalakas palagi ng epekto niya sa akin. He doesn't talk much but when he does, it has so much meaning in it.


Umupo ako at sinalubong ang tingin niya. I can't help it anymore. Hindi ko na kayang itago. My heart is overflowing with too much emotions.


"I love you Eros. I'm not telling you to love me back. I just want to tell you that I'm really.. in love you."

One Stupid MistakeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora