“Nakikita niyo naman di ba?” Mataray na sabi ni mavi sa kanila.

“Sunny baka nag kakalimutan tayo?” Tanong ko sa kanya umiwas naman siya ng tingin tsaka sumipul na tila walang narinig.

“Patay ka ngayon sunny” Natatawa na sabi ni kiko sa kanya.

“Teka kys anong ginagawa mo dito?” Tanong ni ford sakin.

“Pumunta siya sa kasal ni sue kagabi nakita siya tigas ulo ng kys na yan buti napigilan ko si sue kagabi kundi nag kanda letse letse na tayo” Seryosong sagot ni mavi.

“Sinong kasama niyang pumunta dito?” Tanong ni max.

“Edi itong isa pang babae na to nagsama ang matigas ang ulo” Sermon ulit ni mavi napanguso na lang kame ni zarahi.

“Wag nyo akong ningunusohan dyan para kayong pato siguraduhin nyong hindi na mauulit ito” Sabi nito samin pinanlakihan pa kame ng mata.

“Talagang hindi na ito mauulit pa” Napatingin kame sa nag salita ang aking ama na madilim ang aura habang nakatingin sakin napaiwas naman ako ng tingin.

“Mabuti at buhay ka zarahi magpaliwanag ka sakin rudina” Malamig niyang sabi sakin napatingin ako sa likoran niya bakit wala si fenris.

“Kong si fenris ang hinahanap mo wala siya sa ngayon pinaparusahan na siya dahil sa ginawa nyo na pagtakas” Seryoso pa rin niyang sabi sakin.

“Wala siyang kasalanan papa ako ang nag pumilit na pumunta sa kasal ni sue napilitan lang syang samahan ako” Sagot ko sa kanya.

“Umalis ka na wala akong pahintulot ano na lang sasabihin ng mga kasamahan natin sarili kong anak hindi ko na disiplina simula ngayon si ernouf na ang magbabantay sayo” Seryosong sabi nito napa buntong hininga naman ako.

“Pero papa may dapat din kayong malaman may kwenta naman ang pagpunta ko dito si rollin ang nagtangkang pumatay kay zarahi at may relasyon silang dalawa ni rosemarry ang babaeng nasa propesiya” Sabi ko sa kanya.

“At may balak silang patayin ang anak mo king filtiarn gusto nilang makuha ang trono ng bawat panig sa ngayon buntis si rosemarry anak nila ni rollin” Sabat ni mavi.

“Alam ko na ang kasagutan sa matagal ko ng katanungan king filtiarn” Seryosong sabi ni zarahi kaya napatingin kame lahat inilabas niya ang aklat.

“Hindi ba’t sinabi ko sa inyo noon na may isa sa kanila ang maliligaw ang landas ngayon alam ko na si rosemarry ang tratraydor sa lahi ng mga bampira at ang sinabi dito sa libro may isang lalaki ang kinahuhumalingan ng isang dalaga na kasama niyang sumasakop sa magkabilang panig at ang pinagbubuntis ng babaeng ito ay siya ang maghihiganti sa pagkawala ng kanyang mga magulang dapat ang batang  ito ay patayin sa madaling panahon kung hindi pagsisisihan nyong binuhay nyo ang batang ito at ang babaeng nasa propesiya ay malalaman sa susunod na pahina” Nakatingin kameng lahat  kay zarahi habang binabasa ang libro hinihintay namin ang susunod nyang sasabihin pero wala na kaming mahintay.

“Sarado ang sumunod na pahina hindi ko mabasa ang nakasulat” Sabi nito lumapit sa kanya sila mavi.

“May karugtong tanging may babaeng nasa propesiya lamang ang makapag bukas nito gamit ang kanyang sariwang dugo” Napatingin sakin ni zarahi.

“Bakit hindi naman ako ang tinutukoy niyan” Agad kong sabi sa kanya.

“Subukan mo kys ikaw ang unang naging asawa ni sue” Sabi ni mavi sakin lumapit sakin ni zarahi.

“Ipatak mo dito ang dugo mo” Turo nya sa gitna na may butas tumango naman ako.

“Ito gamitin mo” Bigay sakin ni ayame ang maliit na kutsilyo itinapat ko ang isang daliri ko don sa butas tsaka ko hiniwa ng maliit.

The Last Blood [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora