Chapter 17

4.9K 148 0
                                    

Chapter 17

"I could strangle you, PJ!"

Hagikgik ang itinugon ng babae. Ngayon ay alam na niyang may ibang dahilan pa pala kung bakit nito ipinupuslit ang mga larawan ni Eurus. Isinali nito sa baby contest ang bata nang hindi niya nalalaman.

Tuloy ngayon ay nandoon sila sa opisina ng isang malaking department store. Isa si Eurus sa finalist.

Nabigla na lamang siya nang kaninang umaga ay tulog pa si Eurus ay naroon na ito at pinagbibihis silang mag-ina. Ang address na nilagay nito sa entry ay ang address nito kaya naman wala siyang kaide-ideya. Surprise daw.

Isinama sila ng isang representative sa isang studio at doon ay kinuhanan ng picture si Eurus, kasama ang iba pang bata. Matapos ay sinabing ang finalists daw ay awtomatikong kasama na sa ads ng department store. Pinapirma na sila ng kontrata. Instant celebrity ang anak niya. At ang pasikat na Eurus, mukhang tuwang-tuwa naman.

Nag-treat si PJ sa isang restaurant sa Ayala Center. Bago pa sila makarating doon ay natawagan na nito ang buong barkada na lahat daw ay darating. Habang hinihintay ang mga ito ay nag-ikot muna sila sa mall. PJ told her, quite casually, that she, too, was going to have a baby soon.

Tuwang-tuwa naman siya rito. Mukhang gustong-gusto na nitong mag-practice sa anak niya. Siya tuloy ang inutusan nitong bumili ng ice cream na siyang pinaglilihihan daw nito.

"With everything on top," aniya sa vendor, gaya ng habilin sa kanya ni PJ.

"Hali, Kaka."

"Sagpaw!" Nasa likod niya ang binatilyo. Mukhang bibili rin ito ng ice cream. "Hali. Kumusta ka na? Sino'ng kasama mo?"

"Ang Nanang. Nandoon pa po siya." Itinuro nito ang isang tindahan ng maternity dresses.

Marahan siyang tumango. Dalawang linggo nang hindi bumibisita sa kanila si Javier. Tumatawag lang ito minsan upang kumustahin si Eurus. Parang sa ibang bansa ito nakatira gayong isang oras na biyahe lamang ay mararating na siya nito.

"M-magkakaroon ka na ng k-kapatid?"

"Opo."

She could not believe how painful that still was. Agad na siyang nagbayad at binayaran na rin ang kay Sagpaw. Tinapik niya ang balikat nito at tumalikod na subalit narinig niyang tinawag ni Alaia ang kanyang pangalan.

"A-Alaia."

"Kumusta?"

"Mabuti n-naman."

"Sino'ng kasama mo?"

"Iyong kaibigan ko. May kaunting celebration kami. Hindi sinasadya, nakuha si Eurus mag-model sa print ad."

"Naku, nakakatuwa naman. Talaga namang makukuha siya at kamukhang-kamukha ni Javier. Ang ganda-gandang bata. Hindi yata nabanggit sa akin ni Javier iyan."

"Kanina lang kasi. H-hindi pa niya alam."

"Talaga? Sabihin natin sa kanya."

Bago pa siya nakapagtamuli ay hawak na nito ang cellphone. Atas ng kagandahang asal ay hindi siya makatalikod dito o masabi ritong hayaan na lamang siyang gawin iyon. Hindi pa nagtagal at kausap na nito ang lalaki at ipinasa nito sa kanya ang cellphone.

"H-hello?"

"Sabi ni Alaia, kinuha raw na model si Eurus?"

"Parang ganoon na nga." She missed him so much. At hindi man niya ito nakikita ay parang nahuhulaan niyang nakakunot ang noo nito.

DARK CHOCOLATE SERIES FINALEWhere stories live. Discover now