Chapter 16

4.5K 144 4
                                    

Chapter 16

"What are you doing with those?"

Kunot na kunot ang noo ni Isabella habang nakatingin kay PJ. Ilang larawan na ni Eurus ang napapansin niyang nawawala. Naisip niya noong una na na-misplace lang niya. Ngayon ay kilala niya niya kung sino ang salarin. Huling-huli niya si PJ na pinupuslit ang mga larawan sa bag nito.

"Ikaw ba ang kumuha ng ibang pictures ni Eurus?"

"Well, yeah."

"And why?"

"Wala pa kaming baby ni Franco," tukoy nito sa asawa nito. Naikasal ito noong nasa Palawan siya at inimbitahan man siya ay hindi na siya nakaalis pa. "Tuwang-tuwa lang naman ako kay Eurus, eh."

Napangiti siya. "Pasalamat ka marami akong copies. Bakit nga ba wala ka pang baby? Pati si AJ, wala pang baby."

"I don't know. Ikaw ba, nagbuntis agad?"

Umiling siya. Kahit kailan ay hindi sila gumamit ng proteksiyon ni Javier noon, subalit noong minsan silang nagtagpo sa hotel ay saka lamang siya nagbuntis. At noong mga mangyari ulit sa kanila sa isla ay wala naman itong ginamit na proteksiyon. Nawawala na iyon sa isip niya sa tuwina. Dapat nga ay hindi subalit minsan yata ay sadyang ganoon ang sitwasyon.

"Well, you can have every picture you want. I have dupliates anyway."

"Nagtataka lang naman ako sa pictures niya. Parang nasa kubo kayo parati."

"Sa bundok kami tumira."

Tumawa ito, halatang inakalang biro lang ang sinabi niya. Nang makauwi siya sa Sweet Homes may isang buwan na ang nakakaraan ay nagselebra ang mga ito sa kanya. Sa katunayan ay masayang-masaya ang mga ito, higit na masaya sa inasahan niya. Tila ba may kung anong kakaibang sigla ang hatid ni Eurus sa mga ito.

Tinanong siya ng mga ito kung for good na raw ba silang mag-ina doon. Ang sabi niya ay oo. Hindi na siya papayag na muling bumalik ng Palawan. Matiwasay naman ang proseso ng kanyang petition for naturalization. Nagkaroon man siya ng records sa Amerika nang manatili siya sa isang facility doon noong teenager siya ay malinaw na sinasaad ng papeles niya na maayos na ngayon ang kanyang kalagayan.

Alam niyang alam na ni Malvar ang tungkol doon dahil narito ang lahat ng kopya ng mga papeles niya. Hindi ito nagtanong, hindi rin nanghusga.

According to him she was going to get her papers in time. Subalit ang pinakamahalaga, wala na iyong problema. Darating at darating iyon pagkatapos ng kaunting hearing. At kapag nakuha na niya iyon, wala nang dahilan upang mapigilan siya ni Javier sa balak niyang ibukod ang sarili niyang buhay dito. Si Eurus ay makikita pa rin nito, subalit sila ay tapos na.

Ganoon na lamang. Wala nang maarteng seremonya. Nabalewala na lamang ang ilang araw nilang naging masayang muli. Sapagkat iyon ay iyon lamang talaga---ilang araw ng kasiyahan, wala nang iba.

Noong makarating sila sa Maynila, ang sabi ni Javier ay ikukuha sila nito ni Eurus ng bahay subalit tumanggi siya. Mayroon siyang bahay. Dalawa pang magkatabi sapagkat awtomatikong sa kanya napunta ang bahay ng kanyang ina at ni Uncle Armado.

He said it was too far from him. She said it was an easy drive. Nagtalo sila at sa huli ay ipinamukha niya ritong nagiging irasyonal na ito. Kahit mukhang hindi ito natuwa sa pangyayari ay pumayag na rin ito.

Sa isang buwan nilang mag-ina roon sa Sweet Homes ay apat na pagkakataon pa lang itong hindi dumadalaw sa anak. Sa anak lamang nito at hindi sa kanya. Sapagkat sa tuwing naroon ito ay hindi naman siya kinakausap.

DARK CHOCOLATE SERIES FINALEWhere stories live. Discover now