Chapter 6

3.9K 116 0
                                    

Chapter 6

The sound of her own laugter amazed Isabella. Kahit parati na niyang naririnig ang kanyang halakhak ay patuloy iyong nagdudulot sa kanya ng pagkamangha. Why did laughter come so easy now? She wished it would always be like that.

She felt awesome, exhilarated. And it was because of Javier, a man who was still a stranger but one stranger who seemed to know her soul.

Isang buwan na siya sa isla at hinding-hindi niya ipagpapalit sa anumang yugto ng buhay niya ang isang buwan na iyon. She had never felt happier ever. Tila ba nagkaroon siya ng panibagong buhay.

Subalit sa likod ng isip niya ay alam niyang marami pa siyang kailangan harapin. Marami pa siyang hindi natatapos na gawain para sa sarili niya. Kahit pa nga parang kay sarap magsimula doon ng panibago. Kay sarap kalimutan na si Isabella. Parang mas masarap maging si Sabrina.

Ang guilt na nadarama niya kay Andrew ay pilit niyang iniignora. Ang bugso niyon ay dumarating lamang sa tuwing hindi niya kasama si Javier at agad na nalilimot niya kapag naroon na ito. She knew she had to come clean with him with all that. Hindi pa lang niya sigurado kung ano ang plano niyang gawin sa pag-alis niya roon sa paraisong iyon.

It was indeed a paradise. The sand was as fine as powdered milk, the skies were always clear and blue, the water was as blue and as clear as the sky. The woods was spectacular. It was heaven on earth. And in that heaven she found her angel, a snobbish-looking one, but utterly handsome and manly.

Sa isang lebel, marahil ay estranghero pa ring maituturing sa kanya si Javier, subalit ang koneksiyon nila ay nagsasabi sa kanya kung anong uri ng tao, sapat na ang pagkilalang iyon upang madama niyang ligtas siya sa piling nito.

Dagdag sa lahat ng katangian nito ay ang matinding pakiramdam ng seguridad niya sa tuwing kasama niya ito. As if his big arms were always ready to catch her if she fell. Those arms would go on shielding her from cold.

Madalas sila nitong nasa gubat. Mukhang saulado nito ang bawat sulok doon. Minsan ay nahiling niya ritong sana ay isama siya nito sa village ng mga natives, subalit ang sabi nito ay masyado daw iyong malayo.

Napansin niya na hindi lamang miminsan na kinausap ito ni Nanang Yangay na tila ba balisa ang matanda. Dahil hindi naman niya nauunawaan ang salita ng mga ito ay wala siyang magawa kundi makinig at magtanong kay Javier pagkatapos. She had a paranoid feeling the old lady did not like her always being with him.

Tinanong niya si Javier tungkol doon, ang sabi lamang nito ay hindi naman sa ganoon. May pagkakonserbatibo lamang daw ang matanda. Kung tutuusin ay dapat na wala na siyang pakialam sa kung anuman ang isipin nito subalit nakikita niyang pinahahalagahan ito ni Javier. Kaya naman isinuhestiyon niya na kung hindi komportable itong makita silang magkasama ay huwag na lamang sila ditong magpakita parati.

Nitong huli ay ganoon nga ang nangyayari. Hindi na sila nagsasabi rito kung tutungo sila sa gubat at hinihintay muna nilang mamatay ang gasera sa kubo nito bago siya kakatok sa pinto ni Javier o si Javier naman ang kakatok sa pinto niya.

At nights they would go to the farthest part of the place. Karaniwang hihiga lamang sila sa buhangin habang tinitingnan ang mga bituin. Minsan ay nauuwi sila sa paliligo. When they skinny-dipped, they ended up doing it in the water.

Javier was an insatiable man. She discovered she was as insatiable as he was. Hindi kailangan ng maraming seremonya upang magningas ang apoy. Just as simple as a lingering glace was enough, most of the time.

She felt like they both could not get anough of each other. And that made her feel so needed, so treasured, so beautiful. And she wanted him to feel that way, too. She tried her best to make him feel that, too.

DARK CHOCOLATE SERIES FINALEWhere stories live. Discover now