Introduction

15.9K 197 0
                                    

ORIGINAL MANUSCRIPT TEASER BOOK 1:

Sa kabila ng pagsasal ng kanyang dibdib ay may mga mumunting katanungang tila kidlat na dumaan sa isip ni Isabella. Naroon pa rin siya, nakatingin sa pigurang iyon.

Tila nadama nito ang pagtitig niya. Lumingon ito sa kanya. She was filled with unexplainable joy that there was recognition on his handsome face.

Hindi niya alam kung kakaway dito, ngingiti, o ano. All she wanted to do that moment was ask him to hug her tight. And then afterwards maybe she could tell him everything about her and hopefully he would tell her he understood and he was ready to build a new life with her.

"Sabrina..." iginalaw ng mga labi nito. Iyon ang alam nitong pangalan niya.

Sukat doon ay napahakbang na siya tungo rito. Mabibilis ang hakbang, may pagmamadaling makalapit dito.

Tila may pinag-usapang inilahad nito ang magkabilang kamay upang salubungin siya. Nagtagpo kaagad ang kanilang mga labi...

____

ORIGINAL MANUSCRIPT TEASER BOOK 2:

"Sa pagsasalita mo, para bang wala ka nang balak na bumalik." Hinawakan nito ang kanyang kamay at mariing pinisil. "'Wag naman, Sabrina. Nakikiusap ako sa 'yo. 'Wag mong tapusin ito."

"Komplikado ang buhay ko, Javier."

"Eh, ano?"

"Hindi mo naiintindihan."

"Dahil ayaw mong sabihin."

Binitbit na niya ang kanyang bag. "Pinakamabuti na ito. Iwan natin sa ganito ang lahat. Iba ang buhay mo, iba ang buhay ko. I will only set hurdles in your life. Baka kapag natapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin, makikita mo na lang ako ulit dito... Pero huwag mo akong hihintayin."

"'Wag kang magsalita ng ganyan, Sabrina, hindi ganoon kadali---"

"Tama na."

Nagmamadali na siyang lumabas sapagkat kung hindi ay mapapaiyak na siya doon. The loneliness in his eyes was breaking her heart.

"Sasama ako sa 'yo. Ayusin natin ang kailangan mong ayusin. Maniwala ka, maiintindihan ko anuman iyon. Hindi kita iiwan. Susuporthan kita kahit ano pa ang gusto mong gawin. Maniwala ka sa akin, maaayos natin ito---"

"Tama na!" Napataas ang tinig niya sa labis na pagkalito. Isang bahagi niya ang nais maniwala rito.

"Nakikiusap ako sa 'yo, Sabrina. Sabrina---"

"Aalis ako at wala ka nang magagawa doon! Umalis ka na!" singhal na niya upang tumalikod lamang ito. God, he didn't even know her real name...


DARK CHOCOLATE SERIES FINALEWhere stories live. Discover now