KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pero karapatan ni sue na malaman—"

"Wala pa tayong sapat na ebidensya sa tingin mo maniniwala ng basta basta si sue hayaan mo siyang siya ang tumuklas ng lahat nito gusto kong pagsisihan nya ang ginawa nya kay kys pagdating araw" Malamig na sabi nito.

"Sige hindi na muna ako magsasalita ms mavi pero sana hindi din mahuli ang lahat" Sagot ng ginong sa kanya.

“Huwag kang mag alala jacob may magiging plano kame” Nakangiti niyang sabi dito ang hindi nila alam ay tinitignan sila si sue mula sa terrace ng kanyang silid naghihinala ang binata sa dalawang pinagkakatiwalaan niya.

“Malalaman ko din kong ano ang tinatago nyong dalawa” Madiin nitong sabi bumalik na ito sa kanyang kama para matulog saglit.

Nag paalam na din si mavi kay jacob pupunta siya sa bahay nila ayame kung saan naghihintay silang lahat sa kanya.

“Bakit ngayon ka lang mavi?” Tanong sa kanya ni sunny ng makita siya.

“Wag mo akong problemahin sunny ang dapat prinoproblema mo ay ang mangga ni kys” Pag papaalala sa kanya ni mavi napakamot naman ng batok ang binata.

“Kamusta don nakahanda na ba ang ang lahat?” Tanong ni ford sakanya.

“Ayon nababaliw na si sue kakaisip na buhay si kys” Natatawang kwento ni mavi sa kanila bago umupo sa sofa napaayus naman sila ng upo.

“Uy ano yan bakit?” Tanong ni kiko.

“Inakit ni rosalva si sue pero bilang si kys ayon pag gising problemado ang mukha tapos yung si rosemarry masama din ang timpla ng mukha parihas mainit ang ulo best wedding ever” Kwento niya dito sabay tawa.

“So may nangyari kay rosalva at sue?” Tanong ni kiva tumango tango naman si mavi.

“Walangya malakas pa rin tama ni sue kay kys kung ganun” Natatawa ng sabi nito.

“Kailangan na nating mag handa kailangan pa rin natin bantayan si sue dahil kong hindi si rosemarry na ang papalit sa kanya” Sabi na ni mavi sa kanila.

“Nakahanda na ang ibang kasamahan ko sa gubat nag mamanman na sila sa paligid sa ngayon wala pa silang balita sa akin” Seryosong sagot ni steven.

“Nakapwesto na din ang mga kasama ko malapit sa bahay ni sue” Sabi naman sa kanya ni ford tumango tango naman ang dalaga.

Habang si kys naman ay nakatingin sa malayo naririnig nya sa mga kasamahan niya na ngayon ang kasal ni sue at rosemarry napatawa siya ng mapakla dahil simula ngayon ay wala ng bisa ang kasal nilang dalawa.

Hinaplos niya ang kanyang tiyan na lumalaki na at nahihirapan na din siyang mag lakad lakad.

“Tuluyan na tayong kinalutan ng papa mo baby ko wag mong iiwan si mama hah ikaw nalang ang meron akong ala-ala sa kanya” Sabi nito habang hinahaplos.

“Kys” Napatingin siya sa tumawag sa kanya si fenris nasa dungaw ito sa pintuan ng silid niya.

“Bakit may problema ba?” Tanong ng dalaga sa kanya.

“Gising na siya” Masayang sabi nito agad na tumayo si kys at naglakad palapit sa binata sinalubong na siya ng binata ng makitang nahihirapan maglakad ang dalaga.

“Ang bilis lumaki ng tiyan mo kaya mo pa ba?” Nag aalala na tanong ng binata sa kanya tangging tango lang ang isinagot niya sa binata.

Nagulat siya ng buhatin siya nito napahawak nalang si kys sa batok nito.

“Kaya ko naman mag lakad fenris ibaba mo ako” Pag proprosista niya pero tila walang narinig ang binata pinag titinginan na din sila ng mga madadaanan nila napapangiti na lamang sila.

The Last Blood [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon