"Lyca?"  Boses iyon ni Alford at kapagkuwa'y may humawak sa balikat niyang nanginginig sa sobrang pag-iyak. Pinaharap siya nito at pinaupo. Umupo ito sa gilid ng kama.

"W-why are you. . . still here?" tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. Kinabig siya ni Alford at mahigpit na niyakap.

"Tahan na! Paano akong aalis kung ganito ka? I hate seeing you cry!"

"I-ikaw ang. . . nagpapaiyak sa 'kin!" Hinagod ni Alford ang likod niya. 

"Okay, I'm sorry! I'm sorry!" His  soft voice soothed her and she relaxed  slightly. His fingers stroked her hair from the crown of her head  down over her shoulder. Matagal silang nasa ganoong  ayos na walang nagsasalita hanggang sa tumahan na siya. It was strangely wonderful in his solid arms.  She just felt that  a lot of tension between him and her relieved.

Gusto niyang ganoon lang  ang  posisyon nila. Ayaw niyang umalis si Alford. Nag-ingay ang cell phone nito. Hinugot iyon ni Alford saka sinagot ang tawag. 

"Yes? Inihatid ko lang si Lyca. Papunta na." Humigpit ang yakap niya sa asawa. Bakit  ba tuwing may tatawag dito parang  senyales iyon na maghihiwalay na sila ni Alford.

"Pupunta lang ako ng Sta. Barbara, sa probinsiya ni Mama pero babalik din ako agad. May kailangan lang akong asikasuhing mahalagang bagay.  Hindi kita pwedeng iwan sa bahay. And please, Lyca, huwag matigas ang ulo mo. Huwag na huwag mong tatakasan ang mga bodyguards mo." 

"Bakit hindi mo na lang ako isama? Alford, may problema tayo pero ngayon ka pa talaga aalis?"

"Pag-usapan natin ang problema natin pagbalik ko. Mahalaga lang talaga itong lakad ko." Gaano kahalaga para unahin nito iyon kaysa ang ayusin ang problema nilang mag-asawa. Gusto niyang magtanong pero hindi na lang niya isinatig. 

FIVE DAYS na silang hindi nagkikita ni Alford. Nagkakausap sa phone pero hindi madalas. Kasalukuyan siyang nasa salas kausap si Deanna, ang  mama ni Alford. Dinalaw niya ito. Kataka-taka rin na hindi nito alam na nagpunta si Alford ng Sta. Barbara. May hacienda ang  mga lola't lola ni Alford sa mother side  sa Sta. Barbara.

"Bakit walang sinabi sa 'kin  si mama  na nasa Sta. Barbara ang batang iyon. Bakit hindi ka isinama? Matagal na kayong pinapupunta  ni mama at papa. Gusto ka nilang makilala." Nang kasal nila ni Alford ay hindi nakapunta ang lolo't lola ni Alford dahil may sakit raw ang lolo nito. 

"Siguro po tungkol sa kaso ang ipinunta niya. Kaya  siguro hindi na ako isinama dahil alam niyang mang-iistorbo lang ako," pagbibiro niya.

"Napakahirap talaga ng trabaho nilang mag-ama. Kung ako lang hindi ko gustong mag-abogado si Alford noon pero iyon ang gusto niya. Gusto ng batang iyon ay makatulong sa mga taong nangangailangan. He's the kind of lawyer  who provides free legal help to people who cannot afford to hire a lawyer. Galit na galit 'yon sa mga kriminal. Kung hindi lang dahil sa naging banta sa buhay mo hindi niya tatanggapin ang kaso ng anak ni Congressman Atanante. He  broke his own rules dahil sa 'yo."

"Ho? Dahil sa 'kin? Bakit po dahil sa 'kin?" 

"Hindi ba niya sinabi sa 'yo?" umiling siya.

"Ayaw kasing tanggapin ni Alford ang kaso ng anak ni Congressman Atanante. Dapat ay si Alfred ang hahawak niyon pero mayroon din siyang  hawak na kaso kaya ipinasa kay Alford. But Alford refused.  Defending  evildoer is against his principle. Kaso  ay nakatanggap siya ng death treat. Namatay ang pusa mo 'di ba? Kagagawan iyon ng kampo ni Congressman at nagbanta na ang susunod na bala ay sa 'yo na mapupunta." 

Her mouth agape in shock and horror, hand splayed across  her chest. Kaya pala ganoon kahigpit sa kanya si Alford matapos mabaril si Oreo. Pero bakit hindi sa kanya sinabi iyon ni Alford? He should have let her know about this matter. 

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Where stories live. Discover now