Hindi niya kilala kung sino si Monica pero siguradong ito ang dahilan  ng lahat ng ito.  Ayon kay Alford  ay first  love  nito ang babae. Ibig sabihin dating karelasyon. Baka nagkabalikan na. 

"Lyca, what are you doing? Isang linggo lang akong mawawala." Hindi  niya ito pinansin. Tuloy-tuloy  siya sa paglagay ng gamit  sa suitcase.

"Lyca, please!"

"Shut up!" Asik niya at sinabayan ng marahas na lingon kay Alford na nakatayo sa may pinto.

"Huwag ka ng magsalita at huwag ka ng mag dahilan. Ako na mismo ang aalis kung  iyan ang gusto  mo. And thank you! Ito rin naman kasi talaga ang gusto ko noon pa man!"  Buong pagpipigil niyang huwag pakawalan ang luhang kanina pa nagbabadya dala ng galit, sakit  at kung ano-ano pang emosyong lumulukob sa kanya.

HALOS lahat ng gamit niya dinala niya. Pababalikan na lang niya ang iba. Gusto ni Alford na ihatid siya pero hindi niya pinahintulutan.  Binubulyawan niya ang nagtangkang lumapit sakanya, kaya  sinabi ni Alford sa mga bodyguards at driver na pabayaan na lang siya. Siya ang nag-drive pero batid niyang nakasunod sa kanya  si Alford.

Pagdating ng bahay  ay sa kuwarto siya dumeretso. Her mother inquired  her but she refused  to answer her mother.  Baka masumbatan pa niya ito. Kung hindi kasi sa nanay niyang nagpilit na ipakasal siya kay  Alford ay  wala sana siya sa ganitong  sitwasyon. Hindi sana komplikado ang buhay niya ngayon. 

Habang nakahiga sa kama ay bumukas ang pinto pero hindi niya ginawang lingunin kung sino man ang taong pumasok. Ayaw niyang makipag-usap muna sa kahit na sino. Bawat mabagal  na hakbang ng intruder ay parang nabibingi siya. Parang naging sensitibo ang pandinig niya.  Her eyes snapped to Alford's direction nang nasa kabilang bahagi na ito ng kama kung saan siya nakaharap.

"Let's talk." Nagtalukbong siya.

"I don't want to talk to you! Leave!" Matigas niyang tanggi.

"Please, Lyca!" Marahas niyang inalis ang pagkakatalukbong.

"Huwag mo akong ma-please-please! Kagabi gusto kitang makausap pero ano ang ginawa mo? Nilayasan mo ako at mas pinili mong puntahan ang Monica na 'yon. Bumalik ka sa kanya kung gusto mo and I hope she will die!" Tumiim  ang  mukha ni Alford.

"Dahil galit ka  magsasalita ka na ng ganyan  sa tao! God, Lyca! Death  is a very  sensitive  topic. Kung si Oreo nga iniyakan mo  tapos  sasabihin  mo 'yan sa tao. " Aba't ipinagtatanggol pa ng hinayupak na 'to. Lalong tumindi ang nararamdaman  niyang galit.

"Umalis ka na at  huwag mo na akong babalikan!"

Matagal na tinitigan ni Alford si Lyca   Nananantiya ito. Parehas silang masama ang loob. Magsasalpukan at magsasalpukan sila nito.

"Hindi tayo magkakaintindihan, Lyca. Both  of  us  are  apoplectic  with rage. We both need a break for a while."

"Na hindi naman sana mangyayari kung marunong kang makinig. Ikaw ang nagpapalala!"

"Kaya nga sabi ko mag-usap tayo ngayon  'di ba?"

"For what? Isinuli mo na ako 'di ba?"

"Hindi kita isinusuli--"

"Whatever! Umalis  ka na!" Alford shook his head,  raising  both  hands  in the air.

"If that's  what you want! Fine!" Iniwan siya ni Alford. 

Dumapa siya at bumulalas ng iyak. She  never knew this kind of pain existed.  Nagkaroon na siya ng ilang boyfriend pero hindi naman niya iniyakan ang naging break up nila ng mga ito. Pero ngayon ang sakit-sakit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.  She felt as if her heart had broken into  a million pieces. Buong buhay niya hindi siya umiyak ng ganito at mas lalong hindi nasaktan ng ganito. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam! She hates  this kind of emotion.  

Fatal Attraction 1: Down And Dirty  (Published Under Red Room)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon