5

35 2 0
                                    

Illya's Pov

"So bakit kayo nandito?" Paumpisang tanong saamin ni Hera nandito kami ngayon sa dorm nya inililibot ko ang tingin ko at mukhang magisa lang sya dito kung ako siguro magisa dito mababaliw ako eh.

"Gusto ka namin dalawin isa pa gusto nitong friend namin na makita tong nyx" Habang naglilibot sa kwarto si freya, tumingin naman si Hera sa nakataling si Astraea na nakatitig lang kay Hera.

"Hera tanggalin mo nalang kaya ang nakatali sa mga kamay at paa ni Astraea?" Nagaalala kase ako dahil namumula na ang kamay at paa nya banda sa nakataling parte di naman masamang tao si ashtray eh, pero di parin talaga ako pinapansin ni Hera at nakipagtitigan lang sya sa northpole na ashtray.

"I think im falleeen~~ Fallen~ matunaw ang isat isa" Kumakantang humiga si lucchini sa kama ni Hera natawa naman ako kay Lucchini totoo naman sya dahil di na umimik ang dalawa.

"Wow mga mind reader hello back to earth please" Pangaasar ni freya tska tumingin sakanya si ashtray dahilan para mapatikom sya ng bibig dahil maski sinong tao ang tumingin sakanya eh maspipiliin nalang hindi magsalita.

"May hinahanap lang akong tao na tagadito sa Nyx at alam kong alam mo Hera ang hinahanap ko ay ang Los---hmpph" Hindi na natapos ni Astraea dahil tinakpan na agad ni Hera ang  bibig nito parang tanga ang mga kinikilos ni Hera.

"Can you guys get out of my room for awhile I need to talk to this woman" Napanganga kami dahil di naman nageenglish madalas si Hera, ayaw pa sana umalis ni Lucchini pero pinabuhat ko na sya kay freya dahil alam kong may importante silang paguusapan base sa pagmumukha nilang dalawa.

"Sa tingin mo ano paguusapan ng dalawang yun?" Bungad agad sakin ni freya pagkalabas namin ng room ni Hera nagkibitbalikat nalang ako dahil maski ako curious at hindi alam ang paguusapan nila di naman nila kilala isat isa e.

"Chismosa kayo tara mamasyal nalang tayo dito baka madaming pogi ang nandito" Sabi ni lucchini pero parang kanina lang ayaw nya pang umalis sa kwarto kung di pa sya binuhat ni freya abnormal talaga.

"Parang sya hindi kita mo nga yang tenga mo tenga ng daga anlaki" Bumusangot ang panget na si lucchini tska nya ko kinagat sa braso.

"Aray!! para kang timaaaanggg" Habang kagat kagat nya ko eh inilalayo ko ang panget nyang mukha sa makinis na braso ko samantalang si freya nagumpisa ng maglakad sa hallway.

"Illyasviel!" Napahinto kaming dalawa ni lucchini ng may tumawag saakin nakita ko namang huminto din sa paglalakad si freya at humarap sa akin dahilan para makita ko ang nasa harap nyang tumawag saakin.

Sino naman tong kumag na to bat ako kilala? well dahil narin siguro sa maganda ako, naglakad sya papalapit saakin at nilampasan si freya.

"Sabi ko naman sayo magkikita pa tayo eh" Kelan nya sinabi yun ni hindi ko nga maisip na may kaibigan ako dito?

"Puzzled? Di mo ko natatandaan?" Tanong nya dahil siguro napansin nyang di ako umiimik at tinitigan lang sya.

"Hey, Nakalimutan mo na ko grabe papakilala ba ulit ako?" Pakelam ko kung magpakilala ulit sya.

"Anong pake ko naman sayo? sikat ka ba para kilalanin?" Naiirita ako sa mga panira ng araw wala namang mukha magpapakilala pa sya.

"Wala ka pa ding pinagbago my name is Jio nakalimutan mo talaga ako sabagay medyo matagal tagal na din, oh and hi sa magandang friend mo anong name mo?" Tinignan ko namang nakapabebe mode na si lucchini wtf? wag nyang sabihin na nagpopogian sya sa douche na to?

"Hi ahm Hehe I'm Lucchini Lulu for short" at inilagay nya sa likod ng tenga nya ang mga tirang buhok na lumalaglag sa mukha nya ghad at kelan pa sya nagkaroon ng nickname na Lulu?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Protecting the Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon