PART 21.

28 1 0
                                    

He just can’t explain what he’s feeling right now. It’s too unexplainable. The happiness is too vague and huge. Seeing his son on his shoulders is something that make his heart skip a beat. Ngayon lang siya nakakita ng mukha ng isang anghel. Anghel ng buhay nila.

“Hon,” Napalinga siya ng makita ang asawa niya na gising na ulit. Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi. Kinuha niya sa kanya ang anak niya.

“Our son, Louis.” A tear escaped from her eye. She held their son like he’s the most fragile thing in her life. Nakatitig lang siya sa anak niya. Hindi mapigilan ang mga luha sa mga mata niya. His face is too peaceful like a sleeping angel. After a tragic on her first born. God gave them another angel.

She bore her child 9 months. She felt unusual feelings on those 9 months but, her husband never leave her side. She felt unbearable pain on her delivery but, those are nothing as she see her angel on her shoulder.

“Mahal, don’t cry. Your son doesn’t want to see her mom crying.” He hug them – the most precious thing in his life.

He never felt complete in his life. Ngayon lang habang kayakap ang dalawang tao nagbibigay sa kanya ng dahilan para gumising sa araw-araw.

***

Kinuha niya sa dashboard ang cellphone. Louis is calling. Kumunot ang noo niya. He tapped the answer button.

“Oh, bakit?” Bati niya sa kausap.

“Clemen, nanganak na si Michelle.” He can feel too much glee in his voice.

“O-okay. Text mo na lang yung ospital.” Hindi niya akalain na mapapa-aga ang panganganak ni Mich.

Binaba niya na ang tawag nilagay ang cellphone sa dashboard. Kahit marami man ang nangyari sa pagitan nilang apat. Hindi niya mapigilan maging masaya para kay Louis and Michelle. They deserve to be happy. After many things happen to them. They really deserve to be happy.

Inihinto ni Clemen ang sasakyan niya sa harap ng isang unibersidad. Kinuha niya ang cellphone mula sa dashboard at minadali niyang dinial ang number ni Pearl. Alam niya kasi sa oras na ‘to ay galit na ang dalaga sa kanya.

Inihanda na ni Clemen ang tenga niya. “CLEMEN!?! ASAN KA NA?! PINAG-ANTAY MO AKO NG KALAHATING ORAS? TAPOS LATE KA!! ASAN KA NA? HUMANDA KA SA’KIN PAGDATING MO DITO!!”

“Teka lang. Eto na!” Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan niya at tinahak ang daan patungo sa tagpuan nila.

“Walangya! Bakit ba napakatagal mo ah? Kinuha mo yung pera ko! Wala tuloy ako pamasahe pauwi. Bwiset!!!” Ramdam na ramdam ni Clemen ang pagka-irita at pagka-inis ng kausap niya sa kabilang linya. Kasalan niya naman kasi. Kinuha kasi niya ang pera ni Pearl sa bag niya bago ihatid ang dala sa school niya. May kailangan kasi silang pag-usapan dalawa. Hindi nila maayos-ayos ang gusot nilang dalawa dahil ayaw naman makipag-usap ng dalaga sa kanya.

“Eh, kasi mali yung dinaan ko. Traffic pala. Malapit na ako. Nakikita na kita.” Ibinaba na niya ang tawag at nilapitan niya agad si Pearl. Naka-upo siya sa isang upuan doon. Nakakunot ang noo niya at salubong ang kilay nito.

“Pearl,” Malumanay na sabi ni Clemen. Pagkatapos noon ay tumayo si Pearl at sinimulan ng paluin siya ni Pearl ng bag niya.

“Bwisit ka!! Akin na nga yung pera ko!” Pinagpapalo pa rin niya si Clemen ng bag niya. Di na lang nag-react si Clemen bagkus ay hinawakan niya na lang ang wrist ni Pearl upang tumigil ito sa pagpapalo sa kanya.

“Napakasadista mo talaga kahit kalian.”

“Eh, kung hindi mo kasi ako pinapaki-alaman edi sana tahimik buhay mo! Akin na yung pera ko! Utang na loob gusting-gusto ko nang umuwi. Pagod na pagod na ako may trabaho pa ako mamaya.”

SHE WILL BE LOVED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon