PART 5.

45 1 0
                                    

Sampung buwan na nang nakalipas simula ng paghihiwalayan ng dalawa. Hindi man madali para sa kanila pero kailangan nila itong gawin. Kung hindi gagawin ng isang mag-give up parehas pa sila mahihirapan. Kaya hanggang maaga pa tinapos na ni Mich ang kung anuman namamagitan sa kanila.

“Kamusta na siya?” tanong ni Mich sa lalaking nakatayo sa harapan niya.

“Ayon! Pinipilit mamuhay ng normal. Alam mo naman kung gaano kamahal nung loko na yun.”

Biglang nagbago nagbago aura ng mukha niya. Hindi niya ginusto ang mga ito. Wala nang magagawa si Mich. Kailangan niya ito panindigan.

“Pilitin mo siyang ayusin please?” Nilingon niya ang lalaki. Pilit na nagmamaka-awa ang mukha.

“Ginawa ko na lahat. Siguro Mich kailangan ikaw naman ang dapat ulit gumawa ng paraan. Hindi na siya nakikinig sa’kin.” Seryoso at malungkot ang maaaninag mo sa mga mata niya.

Walang sagot na nagmula kay Mich. Tila ba’y nag-iisip. Ilang minuto pa ang namayani sa kanilang dalawa. Walang imikan. Tensyonado. Nakaka-ilang. Pero sanay na ang dalawa.

Bumuntong hininga ang binata. “Mahal mo pa nga siya Mich.” Dumiretso ang binata sa pintuan at doon pansamantalang nanatili upang magpahangin at upang mapag-isip.

Nilabas ni Mich upang kausapin ang binata. Umupo siya sa kahoy na upuan para tabihan ang binata.

“Clemen…” Malumanay niyang sabi.

“Oo, alam ko! Alam ko lahat.”Hindi niya alam kung bakit ay napangiti si Mich sa sinabi niya.

“Naaalala mo ba? Kung paano ang mortal na magka-away ay magkaibigan na ngayon.” Lumingon sa kanya si Clemen.

“Tsk.” Sumimangot na lamang si Clemen.

Binatukan niya si Clemen. “Wag ka ngang parang bata dyan. Hahaha! Nakakasura kaya.”

“Ewan ko sayo.”

“Pero Clemen salamat. Dahil ikaw ang pinakahuling taong maiisip ko na tutulong sa’kin ng ganito. Salamat sa pagkakaibigan. Panghahawakan ko ito panghabangbuhay. Kaya ‘wag ka nang sumimangot dyan. Para ka lang ewan.”

Hindi napigilan ni Clemen na… pisilin ang umuumbok na pisngi ng dalaga.

“Aw! Clemen! Pisngi ko. Ano ba?!!!!”

Doon pa sila nagharutan na para bang mga bata ulit. ‘Di alintana ang mga problema na kailangan pa nila harapin.

~

Tumama ang mainit na sinag ng araw mula sa mukha niya. Binuksan na naman ng yaya nila ang kurtina sa kwarto niya para magising.

“Ano ba naman yan!!! Ugggg!!” Himutok niyang sabi sabay tabon sa mukha niya ng unan.

Wala siyang balak magtrabaho sa opisina ngayon dahil may hangover na naman siya buhat sa sobrang pagkalasing kagabi. Hindi na nga niya alam kung paano siya naka-uwi. Ang mahalaga wala siyang inuuwing babae at hanggang ngayon ay nasa katinuan pa siya.

Nagtatrabaho si Louis sa joined company ng Clark-Reyes. Isang tanyag na cruising company sa bansa. Hindi siya nangangamba kung papasok ba siya o hindi dahil alam niyang wala naman ang magpapatanggal sa kanya. Kahit hindi siya pumapasok ay alam niyang may sweldo pa rin para ipanggastos sa pangbisyo niya.

Ilang minuto pa lang siya umiiglip ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Pangatlong beses na ito sa pag-ring kaya wala siyang ibang choice upang sagutin.

“Hello.” Inis niyang sabi.

“Louis.” Napadilat siya ng mata ng marinig niya ang boses na iyon.

SHE WILL BE LOVED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon