"Duh! Ewan ko sayong bruha ka!"

"Oh, ito naman hindi mabiro. Si Zayn Ford 'yung nakabuntis sa akin."

"Siya!" Gulat niyang tanong sa akin. Bakit kilala ba niya 'yung unggoy na 'yun. Opps! Okay na pala kami kaya Zayn na dapat Xy.

"Oo, teka kilala mo siya?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Hindi!" Hindi 'daw e kung makapagreact ang O.A niya.

"E bakit ganyan ka makareact diyan?"

"Wala lang nashock lang ako sa apelyido niya. Akala ko kasi si Xander Ford ang nakabuntis sayo mas malas ka talaga pag nangyari 'yun. Hahaha!" Tawa niya na tinaponan ko lang ng masamang tingin.

"Ito naman, biro lang 'yun!" Bawi niya. Aba, dapat lang!

"Tssk! Yung biro mo bakla nakakatawa. Hahaha!" Sarkastiko kung sabi habang tinawanan siya. Nakakarindi kasi ang kaabnormalan niya grabe nakakabobo.

Ilang oras na 'rin kaming nagpalakad-lakad dito sa SM ng makaramdam na ako ng antok. Nangangalay na 'rin 'yung paa ko. Sheez! gusto ko nang humiga sa tabi ni Zayn. Ayyy, ang landi ng puta!

Bigla nalang nagvibrate ang phone ko sa bulsa. Shems! Si Zayn pala.

From: Gwapong Zayn

Xy, saan ka ba nagpunta? Pwede bang umuwi ka ngayon? Mag-uusap tayo!

Oo nga pala hindi ako nag paalam sa kaniya na aalis ako. E paano naman kasi ako mag papaalam kung ang aga niyang umalis kanina hindi man lang ako ginising.

"Bakla, uuwi na ako gabi na pala. Mapapatay ako ni Zayn neto!"

"Tara inaantok na 'rin ako!" Aya 'rin niya sa akin.

Lumabas na kami ng mall at hinatid niya ako pauwi buti at may motor pala siyang dala.

Nagsimula na siyang magdrive hanggang sa huminto na 'yung motor niya sa tapat ng bahay namin.

"Ah dito nalang bakla, thank you nag-enjoy ako dahil sayo ang lakas ng energy mo kaya na satisfied ako. Sige sa susunod ulit!"

"You're always welcome bruha, sige sa susunod ulit. Goodnight, bye!" Paalam niya.

"Good night din, mag-iingat ka sa pagmamaneho!" Paalam ko 'din saka niya pinaandar ang motor niya bumusina pa muna siya bago umalis.

---

Oh! Lord help me! 8:12 na first time in history ngayon pa ako nalate ng uwi!

Tumuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako.

"Ayyy! Jusko lord!" Nagulat nalang ako dahil nakatayo na siya sa harap ng pintuan. Patay ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin ang matatalim niyang tingin.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya sa akin, napakagat nalang ako ng labi.

Lupa kainin mo nalang kaya ako ngayon please! Ayaw ko pang ma dead eh!

"Hehehe! kasama ko ---"

"Hind ko tinatanong kung sino kasama mo, just answer my Question?" Malamig na boses na sa sabi niya sa akin.

"K----kasi," Nauutal kong sabi sa kaniya habang nakatungo ako.

"Just answer my fucking question, bago pa ako mapuno sayo!" Medyo napataas na 'yung tuno ng boses niya kaya napatingin ako sa kaniya at ang  seryoso niya.

"Bakit ka ba sumisigaw huh? Hindi naman ako bingi para sigawan mo!" Ang galing ko talagang umeksena. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin pero sinisigawan niya na ako. Naggalit-galit 'din ako para kumalma na siya.

"Sino 'yung kasama mo huh? Alam mo ba kong anong oras na? Anong klaseng babae ka? Hindi mo ba naiisip na bawal sa buntis ang maglakwatsa paggabi. Ang  mahirap pa may kasama ka pang lalaki. Ganyan ba talaga kayong mga babae? Ikaw ganyan ka ba? Hindi ka pa na kuntento sa akin!"

~pakkkkkk!

Nasampal ko tuloy siya ng wala sa oras. Ang sakit niyang magsalita anong tingin niya sa akin katulad ng iba diyan na palaboy-laboy sa kalye. Hindi man lang tinanong kung sino 'yung kasama ko para pagsalitaan niya ako ng ganyan. How dare him?

Tumakbo ako paakyat ng hagdan. Pagpasok ko sa kwarto agad akong nagtalukbong ng kumot at doon na ako humikbi habang yakap-yakap ko 'yung malahotdog na unan sa sobrang haba hanggang sa nakatulog na ako.

Zayn's POV

Nag-aalala lang naman ako sa kaniya. Ayaw ko siyang mapahamak lalo na ngayon na nangangati na ang kamay ni Theo na gantihan ako. Ayaw ko lang na masaktan siya dahil ko pa naaayos ang lahat.

Aaminin kong nagseselos ako sa baklang kasama niya kahit pa kaibigan niya 'yun dahil nasamahan siya e ako puro lang pangako.

Nakakainis kasi kailangan kong unahin 'yung bagay na alam kong hindi niya magugustuhan. Ayaw kong pati siya katakutan ako pagnalaman niya ang totoo.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sa inis ko kanina nabuntungan ko siya ng galit ko. Hay, paano ko siya susuyuin ngayon? Matupak pa naman ang isang 'yun. Ang hirap lambingin.

Umupo muna ako sa sofa at nag-iisip ng dapat gawin kaya lang wala akong maisip. Sa lakas ng sampal niya sa akin kanina alam kong naiinis siya sa akin dahil sa mga sinabi ko.

Bahala na basta susuyuin ko siya ngayon hindi ako mapakali neto dahil sa nagawa ko sa kaniya.

Umakyat na ako at nagtungo sa kwarto niya nakita ko pang nakatalukbong siya sa kumot niya kaya napasapo ako sa noo ko.

Mukhang mahimbing na siyang natutulog kaya inayos ko siya mula sa pagkakahiga niya. Kinumotan ko muna siya ng maayos para hindi siya lamigin ang lamig na kasi ng simoy ng hangin ngayon lalo na at pinapalibutan ng mga puno 'tong bahay ko.

Napansin kong basa ang kumot niya, siguro umiyak siya kanina dahil sa ginawa ko. Namamaga 'rin ng kunti 'yung mata niya pero hindi mo lang mahahalata dahil sa sobrang ganda niya.

Hinawakan ko siya sa noo niya inayos ko lang naman 'yung hibla ng buhok niya na nabasa 'rin ng luha niya saka ko siya hinawakan sa pisngi at hinaplos-haplos. Hinalikan ko pa siya sa noo bago ako nagtungo sa kwarto ko.

Naligo lang ako saglit at nagbihis pagkatapos. Maghihintay lang ako ng ilang minuto para matuyo ng tuluyan ang buhok ko. Nagbabasa muna ako ng mga documents na binigay sa akin ni Azu kanina. Natulog na 'rin ako pagkatapos ng pagbabasa ko dahil umabot na ako ng isang oras




Kidnapped By The Mafia Boss [Under Editing]Där berättelser lever. Upptäck nu