Fix you

52 8 3
                                    


"Amber."

Napatingin ako sa nagpayong sa akin, katulad ko ay may dala rin siyang bulaklak.

"Ate Moxie."

"Can we talk, Amber?" Tumango ako at sabay kaming pumunta sa isang Coffee Shop.

She handed me a jacket and I thanked her in return.

Matagal na rin kaming hindi nagkausap, ate siya ni Hunt at alam kong nasaktan rin siya ng sobra sa nangyari.

"I know what's happening with your life. Tita Crisalda talked to me about the psychosis thingy." napayuko ako.

Ngayo'y sobrang nahihiya ako sa kanya, iniisip niya sigurong baliw na ang girlfriend ng namayapa niyang kapatid.

I have psychosis thingy.

"Sorry..."

"Will you please stop saying sorry for the things you don't have control over?! "

Nabigla ako 'nang makitang umiiyak rin si Ate Moxie.

"Amber, please don't lose yourself. 'Wag mo namang sayangin ang buhay ng kapatid ko!"

Her words are like cold buckets of ice water splashed on me.

Pumayag ako sa kagustuhan ni Mama na magkaroon ng appointment with Dr. Kavinsky. If she can help me pull myself again, then I'll accept her help.

Hindi pala tamang maiwan akong kumakapit sa nakaraan, hindi pala tamang aksayahin ko ang pagsugal ni Hunt ng buhay niya para sa'kin.

Pinihit ko ang seradula ng pintuan ng clinic ni Dr. Kavinsky. Nakatalikod siya at hindi na ako nag-abalang batiin pa siya.

Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa.

Then I cleared my throat.

Iniikot niya ang kanyang upuan upang makaharap sa'kin. Nagulat ako 'nang lalaking naka-white coat ang tumambad sa'kin.

Tinitigan ko siya: clean haircut, no piercing, wearing glasses, about my age.

"Pleased to meet you, Ms. Amber Crick..." He smiled and offered his hand. Tiningnan ko lang ito, pero hindi tinanggap.

"I thought Dr. Kavinsky is a... woman?"

"Oh—" bahagya siyang tumawa at hinawakan ang labi niya, "—there are some changes... Ako na ang naka-assign sa'yo temporarily. It's for my OJT."

Napaismid ako. Do I look like a guinea pig?

Napansin niya namang isinukbit ko na sa balikat ko ang bag ko.

Wala akong balak makipag-usap sa isang estudyanteng tulad ko.

Akmang aalis na ako pero hinarangan niya ang pinto. "Wait, I'm still a Kavinsky. Dumadaloy sa dugo namin ang pagiging mahusay na psychiatrist—"

I cut his joke. "Alis, pupuntahan ko pa ang boyfriend ko!" Tiningnan ko siya ng masama dahil ayaw niya talagang tumabi.

Nabigla siya. "Give me a chance, pretty please—"

"Kaya mo bang makipagsagupaan kay Hunt?! Magaling makipagbasag-ulo ang boyfriend kong 'yun!"

Nakita kong napaawang ang bibig niya. Itinulak ko siya at daling tumakbo palayo.

Nasa sasakyan na ako ng maramdaman ko ang vibration ng phone ko. One message received.

Amber Crick, let me fix you, please.

— Pier Kavinsky

To Amber Crick (✓)Where stories live. Discover now