To Amber Crick

127 13 1
                                    


Inamoy ko ang bulaklak na natanggap ko.. tulips, ang aking paborito.

To the girl I love, to Amber Crick...

Inilapag ko sa lamesa ang tsokolateng hawak ko, saglit akong pumikit at pinasalamatan ang nagbigay nito.

I smiled, he's the best thing that has ever happened to me.

Napadako ang tingin ko sa mga kaklase kong nagtitilian at kinikilig. Namumula na sila, at halos maghampasan na. Bahagya akong natawa, kung alam lang nila...

"Akin na nga 'yan, sa inyo na ang tsokolate pero akin ang bulaklak. Nangongolekta ako ng petals." Nakangiti pa rin sila at ganoon rin ako.

"Sino ba kasi ang nagpapadala sa'yo n'yan?"

"Oo nga, nakakainggit na! 'Yung boyfriend ko, never naging ganyan ka-sweet."

"Ipakilala mo na kasi, mula nang mag transfer ka rito ay lagi ka na lang nakakatanggap ng ganyan."

"Sabihin mo na!"

I laughed. Lagi silang nangungulit na sabihin ko kung sino ang boyfriend ko.

Gaya ng dati, nginitian ko lang sila at nagsuot na ng headphone.

Wala naman talaga akong kaibigan dito dahil transferee ako.

Mabilis na natapos ang araw. Hindi ko pa man namalayan ay uwian na pala.

Malayo pa lamang ay tanaw ko na ang aming sasakyan, binati ko si Manong Robert at nagsimula na siyang magmaneho.

Diretso akong pumasok sa kwarto, naligo at nagpahinga.

Makalipas ang ilang oras ay bumaba ako para saluhan si Mama sa hapag-kainan.

I kissed her cheek, then sat beside her.

"Hija, Dr. Kavinsky just called."

Itinuon ko ang sarili sa pagkain. Hinawakan ko ang kubyertos ng mahigpit.

"Hindi ka raw sumipot sa appointment niyo?" I looked at her, then smiled. Her voice is calm but impatient at the same time.

"Mama, why would I? I'm not sick, am I?"

"Amber... isang oras lang ang hinihingi ni Dr. Kavinsky, please go to her clinic tomorrow."

"But, Mama I already have plans with my boyfriend," giit ko. "Sigurado akong magtatampo 'yun kapag hindi ako sumipot."

"At sino ang boyfriend mo, hija?"

Kumunot ang noo ko. "Mama, nakalimutan mo na naman?"

"No, hija, ikaw ang nakalimot."

Inawat ko na siya bago niya pa matuloy ang sasabihin niya. "Mama, si Hunt Ezekiel pa rin ang boyfriend ko. He was sorry kung hindi na siya nakakadalaw rito, busy po kasi siya Mama."

I saw her shook her head. "Amber, please tigilan mo na 'yang ilusyon mo. Wala kang boyfriend!"

Nangilid ang luha ko, how can she say that?

Halos four years na kami ni Hunt, and I'm so blessed to have him. Walang palya ang pagpapadala niya ng bulaklak, sulat at tsokolate sa'kin.

Nagkalayo lang kami dahil inilipat ako ni Mama ng school.

I used to study at Kwartel de Sto. Domingo University, the setting of our love story.

"So sino ang nagbibigay sa'kin ng flowers? Letters? Chocolates?!" Pigil kong sigaw.

"Oh, hija... It was just you and your illusions. You really need to have a session with Dr. Kavinsky, she can help you—"

"I'm not a damn psycho! I don't have fucking psychosis!"

I ran towards my room. She's always like that, she kept on telling me that I have this mental disorder.

Wala naman e, I'm effin' normal!

Kahit nanginginig ako at kinuha ko ang laptop ko at nagtipa.

My Dear Amber,

How're you, love?

I miss you so much, I'm dying to see you. I'm sorry I can't see you right now, but I'll see you tomorrow. I'll wait for you same place, love... same place.

I love you so.

- Hunt

I immediately printed it on a fancy card, pagkatapos ay aking binasa.

I smiled. I'll see you tomorrow, Love.

To Amber Crick (✓)Where stories live. Discover now