Kabanata 1

1.8K 38 2
                                    

#TMBATIW

KABANATA I





-Samara Ledesma's PoV-




Hi, ako nga pala si Samara Ledesma. Mara for short. Pero mas kilala ako sa tawag na 'SAMA MUKHA'. Sigh.

Ang pangit ko daw at ang sama nang mukha ko.

Pangit na ba talaga kapag makapal ang kilay? Eh sa ayokong mag-paahit kay Fia, baka mamaya ubusin niya 'to.

Pangit na ba kapag maraming tigyawat? Ayoko namang gumamit nung ginagamit ni Mina sa mukha niya, gastos lang yon.

Sina Fia at Mina nga pala ay ang mga Bestfriends ko slash tagapagtanggol ko na palaging naaapi.

Si Sofia Dela Peña, ang kikay kong bestfriend.

Si Carmina Campos naman kabaliktaran niya, manang kasi si Mina na mukhang nahawaan pa ako.

"Mara, Anak, bumili ka nga ng asukal na pula sa tindahan kukulangin na tong nandito!" utos ni Nanay sakin kaya agad kong itinigil ang paghuhugas ng mga plato at lumapit sakanya para kunin ang pambili.

Ang pangalan nga pala ng Nanay ko ay Amelia Ledesma. Magka-apelyido kami dahil hindi ko na nakagisnan ang Tatay ko. Kung bakit? Hindi naman sinasabi sakin ni Nanay eh.

Paglabas ko ng kusina naabutan kong naglilinis ng kuko sa paa si Ate Cheska. Step Sister ko. Bali Anak ng kinakasama ni Nanay. Mabait yan!

"HOY SAMA MUKHA! IPALOAD MO NGA AKO SA TINDAHAN NI ALING MAMENG!" utos niya sakin kaya agad akong lumapit para abutin ang bayad pero kanina pa ako nakatayo dito wala pa din siyang binibigay. "OH ANONG PANG TINUTUNGANGA MO DIYAN? DIBA INUUTUSAN KITA?!" bulyaw nito sakin

Sabi ko sainyo eh. Mabait yan si Ate Cheska! Pag tulog nga lang. Sigh.

"Yung pang-load mo Ate?" tanong ko.

"TINATANONG PA BA YAN? ABA SYEMPRE IKAW ANG MAGBAYAD!? TSK." nakakaiyak talaga sa sobrang kabaitan tong Ate Cheska ko.

"Sabi ko nga." tinalikuran ko na siya agad at lumabas ng bahay. Ang sakit sa tenga ng boses niya.

Siya si Ate Cheska Dimagiba. Ang aking evil step sister. Oh, diba! Cinderalla lang ang peg ko. Char!

Dumiretso na ako sa tindahan ni Aling Mameng kung saan may tatlong Manong na nag-iinom. At isa na nga doon ang aking Step Father, si Tsong Carding ang Tatay ni Ate Cheska at kinakasama ni Nanay.

"Pabili po, Aling Mameng!" masiglang sabi ko kay Aling Mameng.

"Oh, Mara, anong sayo?" masiglang sagot din nito.

Yan talagang si Aling Mameng ang mabait.

"Asukal na pula po at paki-loadan si Ate Cheska." sabi ko at nag-abot ng one hundred pesos.

"Oh, Pare, ubush na pala tung halak natin ih!" narinig kong sabi ni Mang Inggo. Yung bungal na kainuman ni Tsong.

"Hala, wala na akung pambili! Hikaw naman shumagot, Carding!" sabi naman ng isa pa nilang kainuman na si Mang Tano.

"HOY!" napatingin ako kay Tsong Carding. Baka kasi ako yung tinatawag niyang HOY, Diyan kasi nagmana si Ate Cheska. "IBILI MO PA NGA KAMI NG HALAK!" sabi niya sakin.

Napaawang naman ang bibig ko sa narinig. ANO?

"Pare, mukhang hayaw ni Mara ah! Nagmamaganda!" sabi ni Mang Tano. Napatingin naman ako sakanya na may kunot sa noo.

The Mafia Boss And His Impostor WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon