Chapter 15

46 5 0
                                    

Zia's POV

September 3rd Immersion Activity

"Zia, can you please give that to me? Ingat a baka mahiwa ka", nakangiting saad ni Geoff habang tinuturo ang kutsilyo sa tabi ko.

Tiningnan ko lang sya..

bakit?

Ngayon nalang ulit kasi kami nagkausap mula nung naganap sa klase..

At saka..

Nakahubad po kasi siya at kumikinang kinang ang katawan dahil sa butlig butlig ng pawis na nagkalat sa dibdib niya. Hihihi

"Hmmmm", tikhim nito na tila yata napansin ang pagkatulala ko.

"Aray!" Nagulat ako sa tikhim niya kaya nahawakan ko ang talim ng kutsilyo sa pagmamadali ko..

"Anu ba yan.. hindi kasi nagiingat ehh", automatiko niyang kinuha ang hinubad nyang damit at ipinampunas sa kamay ko..

"Kukuha ako ng pang gamot diyan.. pisilin mo lng maiigi para hindi na magdugo pa.", tila alalang alalang saad nito.

"Buti nalang may first aid kit sila dito", nilabas niya ang gasa at alcohol at sinubukang linisan ang sugat ko.

Hindi naman malaki ung sugat. Kung tutuusin walang wala ito sa sugat na nararamdaman ng puso ko..

"Okay ka na ba?",  tanong nya sakin.

"Sa tingin mo okay na ko?", ewan ko ba sa sarili ko kung bakit yun ang sinabi ko..

"Hindi ko alam, ikaw yung nasaktan eh.." nagkibit balikat ito habang nilalagay ang band aid sa kamay ko..

"Sabagay ako lang naman talaga yung nasaktan", pabulong kong saad.

"Maghihilom din yan.. hindi naman masyadong malalim diba?" Sagot niya naman.. narinig niya ata ang bulong ko.

"Minsan kasi sa unang tingin hindi malalim, pero yun pala baon na baon siya", mahina ko ulit na sagot..

Umiling ito..

Katahimikan..

Nagaantay ako ng sagot sa sinabi ko..

Pero wala..

Umupo lang ito sa tapat ko matapos magligpit ng first aid kit.

"Sinabi na kasi na magingat eh.. nasaktan ka tuloy", tila nagising ako sa sinabi niya..

Yung sugat ko pa ba sa kamay ang pinaguusapan namin?

Nakakahiya ka Zia.. ano ba pinag gagawa mo..

Di pa ba sapat na gamitin ka nila upang magpanggap.. tinutukso ka na nga ng mga classmate mo na loser. Dahil umaambisyon ka daw na magiging kayo ni Geoff..

Ayan..

Ayan..

Pinamukha niya lalo sayo..

Sinabihan ka na..

Di ka pa nagingat.

Nasaktan ka tuloy..

"Ziaaaaaa, what have you done?" Nagulat ako sa sigaw ni Clair. Nakita ko na lang na lamog na lamog na pala ang malunggay na hinihimay namin.

"Why do you keep on spacing out ba?" Nagcomment na din si Jen, kaya inayos ko na ang sarili ko..

Ano bang ngyayari sakin.. hindi naman ako ganito.. i always put my heart on what ever i am doing.. pero ewan..

"Zia, wag mo masyado isipin si Geoff baka ilang beses na yun nababato ng bola", pagbibiro naman ni Arthur..

All This TimeWhere stories live. Discover now