Chapter 14

45 12 0
                                    

Zia's POV

"Kuya extra rice pa please", nakangiti kong saad sa waiter.

"Zia, ang takaw mo talaga", sita sakin ni Sandra.

Nasa Mang inasal kami ngayon. At pang 4 ko ng extra rice, si Tori nakadalawa nadin pero si Sandra ay isa palang.

"Oo nga di ka ba kumakain sainyo", dagdag gatong pa ni Tori.

"Gusto ko lang kumain.. kumain lang kasi kayo libre naman kanin", sagot ko naman.

"Ewww, tataba ka niyan.. mawawalan ka na talaga ng pag asa kay Geoff", saad ni Sandra..

Napatigil ako ng pagsubo.. hindi dahil baka tumaba ako kundi dahil alam ko naman na wala na akong pag asa.

"Wala naman na talaga.. sila na kasi", sagot ko naman.

Tumigil din sila sa pagkain at tiningnan ako na parang ako ang pinaka nakaka awang nilalang sa buong mundo.

"Okay lang ako", ngumiti nalang ako bilang sagot ko sakanila. Kwinento ko nadin kung paano ko nalaman.

Hindi ko pa nga nadedetalye. Pinatigil na ko ni Sandra sa pagkwento. Siguro napapansin niyang medyo naluluha na ako.

"Haist sarap ng kanin", ngumiti din si Sandra.."kuya extra rice din please", nagpacute pa sya sa waiter.

"Ako din", sabat naman ni Tori.

Mas napangiti ako.. i felt blessed na my mga kaibigan ako na kagaya nila.

After naming lumamon ng bongga. Pumunta kami ng arcade.

Kahit iba iba ang personality naming magkakaibigan, nagkakasundo kami sa iilang bagay, isa doon ang pag lalaro namin sa arcade.

Maglalaro sana kami, kaso napansin naming msyadong madaming tao. At pumupunta sila sa iisang direction.

Nagkatinginan kaming tatlo at tila iisa ang pumasok sa isipan namin.

Sumunod kami sa kanila.. karamihan ay kabataan din.

"Oo nandito daw sila.. masisilayan natin si Kiel, ang super mysterious na si Kiel", kinikilig ng isang babae sa haral namin.

"Kaya nga at kakanta pa.. para akong hihimatayin.. maririnig kong ang boses niya", saad naman ng katabi nito.

Lalo tuloy kaming nacurious sa narinig namin. Binilisan pa namin ang paglalakad, ay nakarating kami sa isang secluded booth. It looks like a mini stage. My microphone at maliit na monitor. Marami ng taong nakaabang pero wala naman ako nakikitang kakaiba.

"Uwi na tayo", yaya ko sakanila..
medyo matagal nadin kaming naghihintay sa sinasabi nilang Kiel, pero wala naman dumarating.

"Wait lang.. di ka ba nacucurious kung bakit ang lakas ng hatak ng Kiel na sinasabi nila", sagot naman ni Tori. May pagka tsimosa din talaga ito.

"Oo nga prang Geoff lang sa school natin, malay mo magustuhan mo siya", saad naman ni Sandra.

"Lasing ka ata Sandra eh.. baka artista yan. Eh di mas lalong di ako magugustuhan niyan.", sagot ko naman.

"Excuse me ah..", mataray na sabat sa usapan namin ng isang babae na sobrang kapal ng make up. "Sure na hindi ka niya magugustuhan." Irap niya sakin.. "at ska. Sino ba kayo? Mukhang di naman kayo from Arcley. Bakit nakikisawsaw kayo?", dagdag niya pa..

"Makataray teh wagas. Di naman kasi kami informed na mga clown lang pala pwedeng manood sa kung sinong Kiel na yun.", mataray din na sagot ni Sandra. "Madaming mas gwapo sa Bridgeton noh?!", dagdag pa nito.

All This TimeWhere stories live. Discover now