Chapter 10

42 13 0
                                    

Zia's POV

"Bagong gupit ahh.. sadyang nagpapaganda? O magmomove on na?", luminga linga ako sa paligid ko.

Si Brix kasi ang aga aga nambubulabog..

Kasalukuyan akong nasa labas ng gate ng subdivision at aabang ng taxi papuntang school.

"Asan ka?", hindi ko pa din kasi siya mahanap eh.

"Sa taas mo.. Boooo", sagot naman nito..

Baliw talaga..

"Bahala ka nga.. sakay na ko ng taxi.. bye", binaba ko ang tawag niya.. tamang tama ang pagdaan ng taxi kaya pinara ko agad ito at dali daling sunakay.

Ilang beses pa ulit nagring ang phone ko ngunit hindi ko na ito sinagot ng makita kong si Brix ulit iyon.. mangaasar lang naman kasi siya.. kaaga aga pa naman..

" nakita mo ba ung IG post ni Georgi? Ganda ni Georgi lalo noh?", yun ang una kong narinig pagpasok ko sa room.

"Mas maganda si Zia, tingnan mo new hairstyle", saad naman ng  isa ko pang classmate, ng makita akong papasok sa room.

Ngumiti lang ako sa kanila at dumiretso na sa upuan ko.

"New look ang Zia, anong ganap?", ngiting ngiting tanong sakin ni Sandra.

"Walang ganap", ngumiti nalang din ako sakanya.

"Mas maiinlove sayo niyan si Geoff", baling sakin ni Claire na nakaupo lang sa harap ko.

Ngumiti lang din ako sakanaya..

"Oh bakit magkasama si Georgi at si Geoff? Kala ko ba si Zia nililigawan niya?", napabaling naman ako sa pintuan ng marining ko ang comento ng isa kong klasmate.

Naunang pumasok si Georgi at dumiretso ito sa upuan niya. Todo puri din mga kaibigan niya sa makinang niyang buhok.

Well, sa totoo lang naeexcite akong pumasok ngayon.. confident kasi ako na maganda ang kinalabasan ng new hair ko, kaso tila hindi naman ito napansin ni Geoff dahil ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

Bahala nga siya.. di naman ako nagpapaganda para sakanya..

Lunch Break

"Zia, bakit ka nagpapaganda? Ang dami tuloy tumitingin sayo.. sagutin mo na kasi ako, para alam nilang akin ka na", pagbibiro ni Santi.

"Naku Santi, sasagutin na sana kita kaso alam ko namang nagbibiro ka lang.. diba si BLANK ang gusto mo", tumatawa namang sagot ni Lance.. sinadya niyang idiin ang salitang BLANK.

Nakitawa naman si Sandra and si Tori. Samantalang low gets ako sa usapan nila..

"Ang ganda mo talaga Zia, bagay sayo..", puri ulit ni Sandra sakin.. "diba Geoff?", baling niya kay Geoff na natigilan naman sa pagkain..

"Hmmm sakto lang naman, parang walang pinagbago" diretsang sagot nito sabay subo ulit.

"Mabulunan ka sana sinungaling", makahulugang sabat naman ni Vince.

At tila on que. Naubo ito na parang nabilaukan.. inabutan ko sya ng tubig na agad  naman niyang tinaggap..

-------

"Punta ko sa bahay nyo.. Georgi is waiting", biglang sambit ni Geoff nung malapit ng maguwian.

"Okay, di naman ako aalis", sagot ko naman sabay ngiti sakanya at akmang aalis na

"Hindi ka sasabay?", pahabol niya sakin.

"Salamat pero hindi na.. kita nalang tayo sa bahay", sagot ko naman..

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon